Part 1

48.8K 714 38
                                    

**** A Home In His Arms--- Sa nobelang ito na pinagbibidahan ni Angela Valencia nagmula ang Valencia Series at Story Of Us trilogy.  Kaya may connect ang series at ang trilogy. ;)


Valencia Brood Series Book 1: Dylan(Published under PHR) (Story status: Completed

Valencia Brood Series Book 2: Brandon (Published under PHR

Valencia Brood Series Book 3: Vicente (Published under PHR)(Story status: Completed

Valencia Brood Series Book 4: Cedrick(Published under PHR

Valencia Brood Series Book 5: Charlie(Published under PHR

Valencia Brood Series Book 6: Roel(Published under PHR

Valencia Brood Series Book 7: Connor(Published under PHR

Valencia Brood Series Book 8: Jacob(Published under PHR

Valencia Brood Series Book 9: Cassandra(Published under PHR

Valencia Brood Series Book 10: Jillian (to be release soon)     


note: This is raw and unedited file.


HINDI NA kailangang bumusina ni Dylan para pagbuksan siya ng gate ng mga guwardiyang naka-duty sa gate ng Hacienda Catalina dahil automatic na iyong bumukas pagtapat ng nguso ng sasakyan niya sa gate na bakal. Ipinasok niya ang sasakyan pagkatapos ay maayos na ipinarada niya iyon sa itinakdang parking area sa bukana ng hacienda. There was an unwritten rule that all cars were not allowed to roam or be use within the vicinity of the hacienda. Maliban na lamang sa mga emergency cases at kapag naroroon ang mga elders ng kanilang angkan. Dahil hindi puwede ang sasakyan, kabayo ang nakasanayang gamitin roon bilang mode of transportation sa kabuuan ng hacienda. So far, the unwritten rule was excited them dahil mahihilig sa stallion ang Valencia clan.

Agad bumaba ng sasakyan si Dylan at ipinamulsa ang susi niyon. Binati siya ng mga guwardiya na sinagot naman niya ng tango. Tinungo na niya ang kuwadra na naroon rin sa bukana ng hacienda. Mula roon ay kinuha niya ang kanyang stallion—si Lightning. Agad siyang nakasampa at sa isang iglap lamang ay humahagibis na ang kabayo niya sa daan. Una niyang narating ang burol. Bahagi ng daan ang burol na iyon kaya automatic na mapapadaan siya roon. At kapag naroon na siya sa tuktok niyon ay automatic rin na pinatitigil niya ang kabayo para saglit na pagmasdan ang kabuuan ng hacienda. May kataasan rin kasi iyon, bukod sa kabuuan ng hacienda ay matatanaw rin mula roon ang kabuuan ng Barangay Catalina—isang barangay sa Naujan, Mindoro na nakasasakop sa hacienda—kung saan ipinangalan ang hacienda.

Nakaukit na sa isip niya ang tanawin mula roon pero sa tuwina, sa tuwing masisilayan iyon ng mga mata niya ay hindi niya maiwasang hindi humanga. Mula roon ay kitang kita ang grand villa na maringal na nakatayo sa pinakagitna ng lupain. Bukod sa villa, ay may mga log cabins rin doon. Sa mga log cabins na iyon sila tumutuloy ng mga pinsan niya na sina Charlie, Brandon, at Vicente. Ang mga kapatid naman niya at iba pang miyembro ng pamilya Valencia ay nasa San Fransisco, USA. Ang totoo ay hindi naman sila permanenteng nakatira sa hacienda dahil may kanya kanyang business silang magpipinsan sa Maynila. Vicente was a famous singer; Charlie is a rising chef, and Brandon and he are businessmen. Ang iba pa nilang pinsan at mga kapatid ay nagtatagumpay rin sa mga piniling larangan. Kumbaga ay bakasyunan lamang nila ang hacienda. Iyon din ang lugar na pinuputahan nila kapag nais nilang takasan ang kaguluhan ng siyudad.

Pinuno niya ng sariwang hangin ang kanyang baga bago ipinasyang ituloy na ang pag-uwi sa villa. Alam niyang hinihintay na siya roon ng mga pinsan niya. Marahang tinapik niya ang kabayo bilang utos na magpapatuloy na sila sa pagtakbo. Ilang minuto lamang ay nasa bakuran na siya ng villa at masayang nakikipagtawanan sa mga pinsan.


Valencia Series Book 1: Dylan Valencia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon