Part 24

16.4K 374 0
                                    

"HIJA, may nakarating sa aking balita na may naghatid daw sa iyong lalaki riyan? And he kissed you? Totoo ba?"

Naitirik ni Lorraine ang kanyang mga mata sa kisame. Ang hula ni Dylan ay bukas pa makakarating sa magulang niya ang balitang iyon pero nagkamali ito dahil hindi pa nag-iinit ang likod niya sa kanyang kama ay heto at nakatanggap na siya ng tawag mula sa ina. She won't take it against their household help. Alam naman niya na inutusan lang ito ng magulang niya na magreport ng mga nangyayari. Isa pa, tulad ng sinabi ng binata ay pabor iyon sa kanya dahil hindi na siya mag-iisip ng magandang introduction para ipaalam sa magulang niya na may boyfriend na siya. Only, that boyfriend was just for a show.

"Who told you, Mom?" pakikisakay niya. Dumapa siya sa kama.

"May mga mata ako riyan. Now, darling, tell me. Who's that guy? Hinalikan ka nga ba niya? 'Sabi ni Taleng ay guwapo ang lalaking iyon at—"

She 'gave exaggerated sigh. Kunwari ay napipilitan lamang siyang sabihin rito ang tungkol sa lalaking iyon. "He's Dylan Valencia."

"At?" bitin nitong tanong.

"Oh, come on, Mommy. Ano ang gusto mong marinig?" balik tanong niya rito.

"Gusto kong marinig na: 'Mom, nakita ko na siya! Ang Prince Charming ko!'" mabilis namang sagot nito. "If you allowED that man to kiss you, then—"

"AlL right, Mom, boyfriend ko nga si Dylan," putol niya rito. "Tell dad na talo siya. Nakahanap ako ng boyfriend kahit hindi pa natatapos ang palugit niya. Dump that arranged marriage thing, now."

"Lorraine Zia Mae, siguraduhin mo lang na hindi boyfriend for hire ang lalaking iyan." Ang daddy niya ang nagsalita. Kung ganoon pala ay kanina pa ito nakikinig sa usapan nila ng mommy niya.

"Of course not!" agad na tanggi niya bagama't kinakabahan siya. May ideya pala ang daddy niya sa ganoong scenario. "Dylan is an authentic boyfriend. Totoo siya." Hindi niya maiwasang hindi mapangiwi. Dapat ay maging magaling na actor talaga sila ng binata sa harap ng magulang niya.

"Malalaman natin hija, malalaman natin pag-uwi namin," anang daddy niya. mahigit isang linggo na lamang at uuwi na rin ang mga ito. "So tell us about Dylan."

"He's tall, dark, and handsome," agad niyang sagot. Agad din namang nag-init ang magkabilang pisngi niya. Why not, the words come out naturally as if it was  at the tip of her tongue and just waiting to be said. Mabuti nalang at walang nakakakita ng pamumula ng mukha niya. Napapikit siya. Bigla niyang naisip si Dylan at ang mapanuksong tingin at ngiti nito. That seductive hunk!

Nagkuwento siya ng pahapyaw tungkol sa binata. Mga impormasyon na totoo naman. Pagkatapos niyon ay magalang na nagpaalam na siya sa mga magulang. Ibababa na niya ang telepono niya ng may pumasok na mensahe roon.

Binuksan niya ang Inbox at nakita ang pangalan ni Dylan. Napangiti siya, hindi niya alam kung bakit. And she was excited, too. Binuksan at binasa niya ang mensahe.


Valencia Series Book 1: Dylan Valencia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon