Part 5

19.9K 437 1
                                    



 "Ladies and Gentlemen, may I present the top view of the Peace Island."

Iyon ang tinig ng stewardees na nakatayo sa unahan ng chartered plane na pumutol sa pagmumuni muni ng dalaga. At dahil malapit sa bintana ang kinauupuan niya ay pinili na rin niyang sumungaw sa ibaba.

At hindi niya napigilang mapasinghap sa tanawing bumulaga sa kanyang mga mata. Why not, down below is a breathtaking view. Mula sa twelve seater na chartered plane na kinalululanan niya ay kitang kita niya na hugis kamay ang islang iyon na naka-peace sign. Naiintindihan na niya kung bakit Peace Island ang pangalan niyon. Bahagyang bumaba ang eroplano at muli ay hindi na naman niya maiwasang mapasinghap. Bagama't nakita na niya ang mga leaflets at makukulay na brochure na ipinakita sa kanya ni Feliz ay hindi pa rin niya maiwasang hindi humanga sa anyo ng isla na para bang noon lamang niya iyon unang nakita. Sa pinakapalad ng isla ay naroroon ang pinaka sentro ng aktibidadis ng isla. Naroon ang mga tila shops, bars, cabins, at kung ano anong modern amenities na ini-o-offer ng isla, maayos iyong nababalanse ng mga greeneries na nakikita niya habang sa dalawang daliri naman ay walang ibang makikita kundi ang mga puno ng niyog, mga maliliit na bagay na hula niya ay divan, at ilang cottages. Tingin niya ay mga turista ang tila maliliit na langgam na iyon sa dalampasigan ng isla. The sand was pearly white. Kumikinang ang ibabaw ng tubig na para bang mina iyon ng mga diyamante.

Kanina ay nabanggit na ng stewardees ang iba pang mga impormasyong dapat na malaman tungkol sa islang iyon. Walang hotel rooms doon kundi mga cottages at cabins that na nakakalat umano sa iba't-ibang parte ng isla. May reception area at Management's building. Ang susi naman ng cabin ay kukunin na lang niya sa reception desk.

"Ladies and gentlemen, welcome to Peace Island! The airstrip was located at the southern part of the island. It was four kilometer away from your cabins. From here, you'll be travelling on a coaster. Please enjoy your stay and... Mabuhay!" muling wika ng babae habang patuloy na bumababa ang eroplano sa airstrip.

Ngumiti siya. Hindi sinasadyangnapatingin na naman siya bulaklak na hawak. Nakakadama na siya ng kakaibangexcitement. Umaasang sa islang iyon ay makakahanap siya ng solusyon sa problemaniya.

Valencia Series Book 1: Dylan Valencia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon