Part 33

17.5K 389 0
                                    

AGAD lumabas ng bahay si Lorraine nang maulinigan niya ang pamilyar na tunog ng sasakyan ni Dylan, pumapasok na iyon sa bakuran nila. Iyon na ang araw na ipakikilala niya si Dylan sa kanyang mga magulang kahit na kahapon pa lamang umuwi ang mga ito galing sa ibang bansa. Tama ang hula niya na hindi nga mauubos ang isang buwan at agad na uuwi ang mga ito. Kunsabagay, siya man ay gustong gusto nang ipakilala ang binata sa magulang niya.

Ah, she really loved Dylan. Pagkatapos ng naging aminan ng mga damdamin nila sa hacienda ay lalong tumatag ang relasyon nilang dalawa ng binata. Hindi lamang sa hacienda siya nadala ng binata, maging ang condo unit nito ay naipakita na rin nito sa kanya. Next week ay naka-schedule na ipakilala siya ng binata sa mga pinsan nito.

Mabilis din namang nakababa ang binata sa kotse nito. Lihim na napapalatak siya. Napakaguwapo nito sa get up nito. Nakasuot ito ng jeans at poloshirt. Bukod doon ay nakasuot rin ito ng shades na lalong nagpatingkad ng presensiya nito.

Nilapitan niya ito. Sa pagkabigla niya ay agad siyang nahaklit nito at nagawaran ng isang makapugtong-hininga na halik. Kahit na alam niyang nakasilip ang mga magulang niya ay hindi niya naiwasang hindi tumugon sa binata. He was always convincing enough to melt her but most of all she loves him.

"Hmm, guwapo ka ngayon ah," tukso niya rito. Inalis niya ang suot nitong salamin at inilagay iyon sa ulo nito. Sininghot din niya ito, "At mabango pa, ha?"

Dylan laughed. Hinapit siya nito at ipinalibot ang braso sa kanyang baiwang. "Ngayon lang ba ako guwapo at mabango?"

Hindi siya nakapagpigil kaya ipinulupot na rin niya ang mga palad sa batok nito. Gusto niyang maglambing sa binata at noon lamang niya napagtanto na ang taong nagmamahal pala ay walang pakialam sa paligid. So what if they'll soon be acussed of public display of affection? If loving is a crime, then they would be sentenced to death. Alam nila ang damdamin nila sa isa't isa kaya hindi na siya nahihiyang ipakita rito kung ano ang nararamdaman niya.

"No my dear, guwapo ka at mabango araw araw."

"Don't I deserve a kiss for that?" anitong naglalambing rin. Hindi talaga ito nagsinungaling ng sabihin nito na nasa dugo nito ang pagiging malambing.

"May audience tayo. Sina mommy, siguradong nakasilip ang mga iyon. Hindi naman puwede sa iyo ang simpleng halik lang." Kunwa ay nakaingos na sagot niya rito na ikinahalakhak nito ng pagkalakas lakas. Dylan was an expressive lover and she found herself loving him more.

He kissed her head instead and wrapped her into a warm embrace. Pagkatapos ay pinakawalan na siya nito at ginaganap ang palad niya. "Shall we go in? I'm ready to meet them. Oh wait, nalimutan ko ang flowers." Kinuha nga nito ang mga bulaklak sa sasakyan. Iniabot sa kanya ang isang bouquet. "One for you. Ang isa ay para sa mommy mo."

"Magugustuhan 'yan ni mommy. Humanda ka rin sa mga itatanong nila, all right?" she warned him.

"I came prepared." Ang magkasalikop na palad nila ay bahagyang pinisil nito, assuring her that he was more than ready. "I'm ready to meet my future in-laws."

Nangiti siya. Tumaba ang puso niya sa sinabi nito. Ibig sabihin lamang niyon ay ikinokonsidera nito na makasama siya sa hinaharap. Humawak siya sa bisig ng binata bago sila naglakad papunta sa naghihintay na pamilya niya.

Napapalatak nalang siya ng pagtingin niya sa bahay nila ay makita niyang isa isang lumalabas sa front door ang mga magulang niya.

"Grabe! Hindi na talaga sila makapaghintay. Look at them! Kaabang abang talaga para sa kanila ang boyfriend na ipapakilala ko," palatak niya.

Natawa naman ang binata. Kung may kaba o munting nerbiyos man itong nararamdaman ay maayos nitong naitago iyon. He looks confindent. Narating nila ang front door. "'Dad, 'My, meet my boyfriend, Dylan Valencia." Ipinakilala rin niya sa binata ang mga ito.

"Ikinagagalak ko po kayong makilala Sir, Ma'am. This is for you, Ma'am" anang binata bago iniabot sa kanyang ina ang mga bulaklak. Tila ikinasiya naman iyon ng mama niya, in fact, nababasa niya sa mga mata nito ang approval para sa lalaking kasama niya. Base pa lamang iyon sa guwapo at presentableng hitsura nito, papaano pa kaya kapag nalaman nito kung sino talaga ang isang Dylan Valencia. Ang papa niya ay ganoon din ang hitsura. Kunsabagay, Dylan is a charmer.

"Oh! The pleasure is ours darling. And please, drop the formality, call us Tito and Tita, or better yet call us mom and dad," anang mommy niya na nagpakita agad ng pagkalugod sa binata.

"Dito ba dapat sa labas ang introduction, mom, dad? Ano 'yon pag hindi ninyo nagustuhan ang boyfriend ko ay hindi ninyo siya papasukin? Where are the manners?" nagbibiro niyang wika pagkatapos ng pakilanlan.

Naghalo halo ang halakhak nilang apat.

"Oh! Ipagpaumanhin mo hijo. Excited lang talaga kaming makilala ka," anang ama niya. "Hala, pasok tayo at ng makapananghalian na."

Valencia Series Book 1: Dylan Valencia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon