Part 37

16.8K 385 0
                                    


"KANINA ka pa tahimik, ah? Bakit? Sumakit ba ang ulo mo sa ingay sa bar?" tanong ni Dylan ng marahil ay mapansin ang pananahimik ni Lorraine. Sakay sila noon ng kotse nito para ihatid siya sa bahay nila.

Bumuntong-hininga siya. "Hindi naman masakit ang ulo ko," but my heart is aching... gusto sanang idugtong ng dalaga. Nakita niya kanina ang naganap na halikan sa pagitan ni Dylan at ng sopistikadang babaeng iyon. At hindi lamang iyon, niyakap rin ng binata ang babae na para bang inaalo ito. Gusto na niyang umiyak nang mga sandaling iyon. Gusto rin niyang komprontahin si Dylan pero ano ang sasabihin niya? At higit sa lahat ay kinatatakutan niya na baka masaktan lamang siya sa isasagot nito kung sakaling magtanong nga siya. Pero kahit anong gawin niya ay nasasaktan pa rin siya.

Naramdaman nalang niya ng itigil ni Dylan ang sasakyan. Ginagap nito ang palad niya. "May gumugulo ba sa isipan mo? Do you have a problem you want to share with me?"

Ikaw? May gusto ka bang sabihin sa akin? Baka gusto mong ipagtapat na may iba ka pang babae bukod sa akin.

"Honey...?"

"W-wala. Sige na, iuwi mo na ako." Binawi niya ang palad at bahagyang tumalikod ng upo rito. Narinig niya ang paghugot nito ng malalim na buntong-hininga bagama't hindi na ito nagsalita pa. Tahimik na nakarating sila ng bahay niya.

"Huwag ka nang bumaba, I can manage." Pagpigil niya binata ng umakto itong bababa para ipagbukas siya ng pinto. Lalong bumakas ang kalituhan sa mukha ng binata ng iwasan niya ang halik na sana ay igagawad nito. Pero hindi na niya hinintay na makapagkomento ito dahil agad na siyang bumaba ng sasakyan.

"WHAT WAS that?" hindi makapaniwalang usal ng binata habang minamaniobra ang kanyang sasakyan pauwi sa sariling condominium unit sa Alabang. Apektado siya sa kakaibang ikinilos ng dalaga. She seemed upset and hurt. Sa nakikita niyang pagkabalisa ng dalaga, maging siya ay hindi rin mapalagay.

Itinabi niya ang sasakyan para tawagan ang dalaga. Subalit hindi pa man niya iyon nakukuha ay tumutunog na iyon. "Cedrick!" nagagalak na bulalas niya. "Hi, what's up?" Si Cedrick ay pinsan rin nila. Sa kasalukuyan ay nasa America ito. At natutuwa siyang tumawag ito dahil napakatahimik nitong tao. Sa kanilang magpipinsan ay ito ang pinakasupladong tingnan. Pero hindi suplado si Cedrick. Ang totoo ay napaka- charming nito.

"Kuya Dylan, hi! Surprise?"

"Lorenzo!" gulat na bulalas niya. Hindi ang pinsan niya ang sumagot kundi ang bunso niyang kapatid na si Lorenzo. He was six years old and he was his miniature version in terms of physical appearance. "Kiddo, bakit nasa iyo ang telepono ng Kuya Cedrick mo? Nasaan siya? Oh, before you answer that...how are you? Sina mommy at daddy? Si Roel?"

"I'm fine kuya, ganoon din sina mommy, daddy, kuya Roel, and the rest of our clan. Magkasama kami ni Kuya Cedrick. Wait lang kuya ha," wika nito sa kanya bago niya narinig ang pagnipis ng boses nito. "Kuya Cedrick, ikaw na muna ang kumausap kay Kuya. Masakit pa ang tainga ko dahil sa pressure sa airplane." Narinig niyang wika nito na ikinakunot ng noo niya. Airplane?

"Cedrick, anong pressure sa airplane ang sinasabi ni Lorenzo?" tanong niya ng masiguro niyang nasa pinsan na ang telepono.

Humalakhak ang binata sa kabilang linya. "Actually kababa lang namin sa eroplano ni Renzo. Pupunta kami sa Disneyland. Itong kapatid mo kasi, hindi ako tinantanan hanggat hindi ko daw siya naipapasyal. Since wala naman akong ginagawa, kaya heto napahinuhod rin ako. Three days kami rito. Pagkatapos dito sa Disneyland, saka kami uuwi riyan sa Pilipinas."

"Bakit hindi ko alam ang bagay na iyan?" nagtatakang bulalas niya.

"Siyempre ideya ni Lorenzo. Gusto ka daw niyang isorpresa. Kaya lang heto ngayon at panay ang reklamo na masakit daw ang tainga niya. Sige na Kuya Dylan, tumawag lang ako para ipaalam na kasama ko si Renzo. Tatawag pa ako sa iba nating pinsan. I'll call you again from time to time. Oh, nabanggit ko na ba na sumabit rin sa lakad na 'to ang mga kumag na sina Sean, Jacob, at Connor? Basta libre talaga ang gagaling ng mga kumag na ito. Imbes na asikasuhin ang mga thesis nila, nagsipagsamahan. Imagine that?" Pumalatak ito. "I'm broke na."

Malakas siyang natawa. "Hayaan mo at kakausapin ang mga iyan. Hindi sila puwedeng umuwi rito hangga't hindi naaayos ang thesis nila. Eh, 'ba't hindi sumabit ang mga fashionista?" naaaliw niyang tanong. Ang tinutukoy niyang fashionista ay ang mga pinsan nilang babae.

"I dunno. May girl bonding yata ang mga iyon. I'm warning you, Dylan, don't you ever try to call those girls. Sinasabi ko sa 'yo, makukulili ang tainga mo sa mga sari-saring kuwento nila. O siya, pa'no? I gotta go."

"Okay, mag-ingat kayo riyan. Huwag mong kalilimutan na tumatakas iyang si Renzo ha, keep an eye on him."

Naiiling ngunit nangingiti ang binata ng ibaba ang telepono. Uuwi pala ang isa niyang pinsan at kasama pa nito ang makulit niyang kapatid. Tiyak na kabikabilang pasyal na naman ang iuungot nito. Lorraine would surely be thrilled kapag nakilala nito ang bunsong kapatid niya.

"Oh, speaking of Lorraine," palatak niya ng maalala niyang tatawagan nga pala niya ang nobya.

Idinayal niya ang numero nito pero unattended iyon. Ilang beses pa niyang inulit ang pag-dial pero ganoon pa rin, unattended pa rin.

He sighed. Ah, baka masama lang ang mood nito. Gustuhin man niyang puntahan ito ay pinili niyang huwag nalang. Baka mas lalo lamang sumama ang mood nito kapag kinulit niya.

Naguguluhang nagmaneho siya ng sasakyan pauwi sa condo.

"Jesus!" naapakan ni Dylan ang preno ng kotse. Sa pagkakatanda niya ay nagbago ang mood ng dalaga pagkabalik niya sa puwesto nila. Prior to that, they were so sweet. Posible na nakita ng nobya niya ang naganap sa pagitan nila ni Rizza. Tama. Iyon lamang ang naiisip niya na posibleng dahilan. Pero bakit hindi siya kinompronta ng dalaga? O hinihintay nito na siya ang kusang magbanggit ng tungkol kay Rizza? Worst of all, baka nga nag-iisip pa ito ng kakaiba tungkol sa kanila ni Rizza. Kunsabagay, hindi niya masisisi ang nobya kung ganoon nga ang kaso. Rizza kissed him passionately and Lorraine got jealous.

Ibinuwelta niya pabalik ang sasakyan para harapin ang dalaga at magpaliwanag rito nang sa gayon ay magkalinawan agad sila ng dalaga. Nakakita siya ng bukas pang flower shop. Bumili siya ng paboritong bulaklak ng dalaga.

Valencia Series Book 1: Dylan Valencia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon