Part 18

17.2K 395 1
                                    


RAMDAM na ramdam ng dalaga ang init na nagmumula sa mga palad ng binata na nakapulupot sa baywang niya. Nasa isang bar sila noon at nagsasayaw sa saliw ng isang sweet music. She couldn't concentrate dahil na naman sa binata. Nako-concious siya sa lahat ng bagay na may kinalaman rito. Pangalawang araw na iyon ng getting-to-know each other date nila ng binata.

"Mas maganda kung ipupulupot mo sa batok ko ang mga palad mo, honey."

"H-honey?" Ewan niya pero tila kiniliti siya sa narinig niya.

Marahang tumawa si Dylan. At kung hindi niya napigilan ang sarili niya ay tiyak na pagmamasdan na naman niya ang pagtawa nito.

"Iyan ang official endearment ko para sa'yo. Sige na sundin mo ako, ipulupot mo sa batok ko ang mga palad mo," anito.

Dahan dahan nga niyang ipinulupot ang mga kamay roon.

"See? That's better. Next, tumingin ka ng deretso sa akin at salubungin mo ang mga mata ko. Titigan mo ako for about ten seconds," sunod nitong instruksiyon.

Napalunok muna siya bago dahan dahang sinalubong ang mga mata nito. Ang mga mata nito, dati na niyang napapansin na napaka-expressive ng mga iyon. At hindi siya makatagal sa pagtingin niya sa mga matang iyon dahil pakiramdam niya ay tuluyang mawawala mula sa kinalalagyan ang kumakabog niyang dibdib. Nagbawi siya ng tingin.

"Try again," anang binata.

"I..."

"Hindi mo kaya?" Sa gulat niya ay hinapit siya ng binata papalapit sa katawan nito. Wala na yatang makakadaan na hangin sa pagitan nilang dalawa. Para na rin siyang niyayakap ng binata. Sa gulat niya ay idinikit pa ng binata ang noo nito sa noo niya. Napapikit siya ng tumama ang mainit na hininga nito sa mukha niya. It was so warm and so sweet. Masarap amuyin, masarap langhapin. Tila nakaka-addict ang bangong iyon. Agad lumukob ang kakaibang sensasyon sa katawan niya lalo na ng bahagyang humaplos ang palad ng binata sa likod niya.

"Dylan!" mahinang saway niya rito. They were on the dance floor for Pete's sake.

"Hush, just feel me, honey. I-relax mo lang ang katawan mo. Huwag mong intindihin ang nasa paligid mo dahil ganoon dapat ang isang taong umiibig."

Pero hindi naman ako umiibig! Nais sana niyang sabihin pero hindi na niya tinangkang isatinig ang bagay na iyon dahil tila may tumututol na bahagi ng pagkatao niya.

"Pagtiwalaan mo lang ako, okay?"

Tumango siya. Thank God, inalis na ng binata ang noo nitong nakadikit sa noo niya. He stared at her as if he was compelling her to look at him. Hanggang sa matagpuan na lamang niya na sinasalubong na ang titig nito. Hindi niya naiwasang mapangiti sa nangyari.

Pumalatak siya. "Goodness! You're a great seducer, Dylan. Ilan na kaya kaming mga babae na inalok mo ng tulong mo pagkatapos ay tinuruan ng mga ganitong bagay at—"

"Hep, hold on there." Natatawang putol ng binata sa sinasabi niya, "I grew up in the states, remember? Trust me, gatuldok lamang ito compared sa mga nakasalamuha kong Americans. At tungkol naman sa sinasabi mong 'mga babae ko'...well, must I tell you about that?"

"No. Hindi na kailangan."

"Hindi naman talaga kailangan," anito.

Napansin niya ang pag-iiba ng timpla ng mood nito kaya naman pinilit niyang magbukas ng ibang topiko. "Anong plano mong gagawin natin bukas?"

"Magsu-swimming tayo."

Tumango nalang siya.


Valencia Series Book 1: Dylan Valencia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon