Part 9

18.8K 491 9
                                    


"At bakit ka nagagalit? Noong titigan mo nga ako noon sa restaurant ng pinsan ko, wala kang narinig sa akin, 'di ba?"

Lalong namula ang magkabilang pisngi nito. Nag-iwas din ito ng paningin. Bumuka ang labi nito para magsalita subalit muli nitong itinikom iyon.

One sexy lips...

"Akala mo hindi kita makikilala at malilimutan ko na ang bagay na iyon? Come to think of it, baka nga inulit mo pa ang pagtitig sa akin habang tulog na tulog ako. At dahil tulog na tulog ako, malay ko ba kung ano ano pa ang mga ginawa mo sa akin. Baka naman...hinawakan mo na ako....?" Muling hirit niya rito. Ang pamumula ng magkabilang pisngi nito ay umabot na sa magkabilang taynga nito. Sa mga oras na iyon ay gandang ganda siya rito.

"Aba't---!" lumapit ito sa kama. Kumuha ng unan at ipinaghahampas iyon sa kanya. "You brute, bakit hindi ka na lang magpasalamat dahil imbes na isuplong kita sa kinauukulan ay hindi ko na ginawa?"

Dahil nakatali siya ay hindi niya magawang masalag ang mga hampas nito. Bagama't hindi naman iyon masakit at hindi naman nito pinupuntirya ang mukha niya.

"Why didn't you? Bakit nga ba hindi mo ako isinuplong sa management? Okay, uulitin ko, I'm sorry. Lasing ako kagabi, akala ko nasa sarili ko akong cottage. Now, kung puwede pakikalagan na ako. It's very embarrassing, you know."

Naging mailap ang mga mata nito. "A-ang totoo niyan, hindi kita isinuplong kasi may hihingin sana akong pabor sa'yo."

Pabor? Anong klaseng pabor ang hihingin nito sa kanya? "Sure. Kahit ano basta kaya ko," agad niyang wika.

"Sandali, single ka ba? Wa...w-walang asawa o girlfriend kaya?"

"Oh-oh! Okay lang sana kung girlfriend lang ang itinanong mo. Pero bakit naman sinamahan mo pa ng asawa? May nakita ka bang singsing na suot ko?" Hindi niya malaman kung matatawa o hindi.

Umirap ito. "Maraming lalaki ang nagtatanggal ng wedding ring sa sandaling makalabas ang mga ito ng bahay nila."

"Well, kung sakaling may asawa na ako, I can guarantee you na hindi ako kabilang sa mga lalaking sinasabi mo. And oh, nasa hitsura ko ba na may asawa na ako, na may ganoong responsilidad na sa balikat ko?"

Hindi nakaligtas sa mga mata niya ng bahagyang kagatin ng dalaga ang mga labi nito. Alam niyang ginawa iyon ng dalaga dahil sa guilt hindi para mang-akit. Pero iba ang dating niyon sa kanyang mga mata. The thought in his head were causing his body to react.

Agad niyang iniiwas ang kanyang mga mata sa labi nito. Her voice  turned him on, so did every inch of her beauty. Tapos ngayon makikita niya ito sa ganoong kaakit akit na aktuwasyon? Aware kaya ang dalaga sa epekto nito sa kanya? Because at that very moment, he wanted to hold her, kiss her, and ravish her.

"W-wala pa naman sa hitsura mo. Importante kasi na malaman ko ang civil status mo."

"Care to tell me why?"'

"I...I want to...t-to hire you p-para magpanggap na boyfriend ko."

Bumuka ang bibig ni Dylan sa gulat.

Valencia Series Book 1: Dylan Valencia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon