Part 52-Ending

31K 696 206
                                    


   Lorraine could only bite her lip as guilt began to sink in.  "Bakit hindi mo agad ako itinama?"


"Sinubukan ko, kaya lang pinatikim mo naman ako ng bagsik ng sampal mo. Galit na galit ka kaya naisipan kong pagluwagin muna ang dibdib mo sa pamamagitan ng pagsigaw sigaw mo. And of course 'yung pananakit mo sa akin."

Lihim na kinastigo niya ang sarili dahil roon. "I'm really sorry..." aniya bago marahang pinagapang niya ang palad niya hanggang sa makarating sa pisngi ng binata. Marahan niyang hinaplos ang pisngi nito habang siya ay nakaunan pa rin rito. "M-masakit pa ba?"

"Yes," agad na sagot nito.

"Magamot kaya iyan ng halik?"

"Bakit hindi mo subukan," he said in a hoarse voice.

Umalis siya mula sa pagkakahiga at naupo muli. She stared at him lovingly. Nang gumuhit ang manipis na ngiti sa labi ni Dylan ay alam niyang hindi ito galit o kung nagalit man ito ay napatawad na siya nito. Pagkuway marahang hinaplos niya ang pisngi nito bago iyon dinampian ng halik.

"Masakit pa?" malambing niyang tanong.

Ang isang braso ni Dylan ay pumulupot sa katawan niya. "Oo, eh."

Natawa siya. "Baka ito ang makakapagpaalis ng sakit..." aniya bago inangkin ang labi ng binata. As soon as their lips met, their world seemed to stand still. They shared hungry kisses that were pleasurable for both of them, unfolding thousands of sensation in every nerve endings.

Sa isang mabilis na kilos ay nagawa ni Dylan na maipailalim siya sa katawan nito habang ang mga labi nila ay hindi naghihiwalay. She wrapped her arms around him. Hanggang sa pareho na silang maghabol ng hininga.

Ngumiti ang binata, ngiti na walang kupas ng epekto sa kanya dahil kayang kaya pa ring pakabugin ng mga ngiting iyon ang kanyang puso. Pagkuwa'y humiga na muli ito sa tabi niya, ipinaloob siya sa mga bisig upang yakapin bago marahang bumulong.

"I love you."

"I love you, too." Sagot niya bago sumiksik sa katawan nito na may ngiti sa labi.

"Lorraine...?"

"Hmm...?"

"Get up. Let's dance. Iyon ang parusa ko sa'yo sa pambibintang sa akin."

Napanganga siya pero agad din namang gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi. Agad nakadama ng kakaibang excitement. Bumangon siya. "Tango?"

"Tango," anang binata bago mabilis na bumangon rin at tinungo ang kinaroroonan ng cassette player. Ini-adjust din nito ang ilaw ng silid para maging malamlam iyon. Napalunok siya ng marahang bumalik ito, ang mga mata ay nakatutok na sa kanya. Wala pa ring suot na pang-itaas ito, walang sapin sa paa, at tanging pantalon lamang ang suot. He was so damn sexy. Nag-uumapaw ang appeal nito. And those soulful eyes. Tila tumatagos hanggang buto niya ang mga titig na iyon—ang klase ng titig na nakapanlalambot ng tuhod.

"Tango it is," wika niya bago pinakawalan ang pagkakatali ng kanyang buhok. Tamang tama lang ang suot niya. Isang sleeveless mini dress na above na knee ang haba. She bit her lip seductively. Kung ito ang magiging parusa niya then gagawin niya ang lahat para makabawi sa binata. Tumigil ang binata sa harap niya. Uninhibitedly, pinagapang niya ang mga palad sa napakasensuwal na paraan sa hubad na katawan nito. Dylan's hands landed on her butt and lightly squeezed it, making her gasp. Hinapit siya nito pagkatapos ay nagsimula na silang sumayaw: seductively, teasingly, passionately.

Ah, they say that the best things in life are songs to sing, dreams to pursue, joys to ensure, and a love to share. Masuwerte siya dahil sa lalaking pinili ng puso niya ay natagpuan niya ang mga bagay na iyon. Finally, her dreams of Prince Charming and happy ever after were already at hand. Sisiguraduhin niya na hindi na iyon mawawala pa, because to love someone is one thing, to be loved is another, but to be loved by the one you love is everything.

---Wakas---

Aya Myers


Thank you for reading!
Kung gusto po ninyo ng kopya, may mga available copies po sa mga book stores, lalo na sa Precious Pages stores.


Valencia Brood Series Book 1: Dylan (Story status: Completed)

Valencia Brood Series Book 2: Brandon

Valencia Brood Series Book 3:   Vicente (Story status: On-going)

Valencia Brood Series Book 4:   Cedrick

Valencia Brood Series Book 5:  Charlie

Valencia Brood Series Book 6:  Roel

 Valencia Brood Series Book 7: Connor

Valencia Brood Series Book 8: Jacob

Valencia Brood Series Book 9:   Cassandra

Valencia Brood Series Book 10: Jillian (to be release soon)     


Kung gusto po nilang malaman ang iba pang published books ko, paki-tingnan na lang po ang photo album na PHR sa FB account ko. Here's the link: https://web.facebook.com/RamosMyra/media_set?set=a.179960558759533.47142.100002367702774&type=3

Thank you so much!!!

🎉 Tapos mo nang basahin ang Valencia Series Book 1: Dylan Valencia (Completed) 🎉
Valencia Series Book 1: Dylan Valencia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon