Part 36

15.9K 362 2
                                    

"SINO ANG babaeng iyon, Dylan?"

"Rizza!" gulat na bulalas ng binata sa babaeng humarang sa daraanan niya. Pabalik na siya noon sa kinaroroonan ni Lorraine. Ngayon na lamang niya ito muling nakita pagkatapos nilang maghiwalay nito. "What are you doing here?"

"Kailangan mo pa bang itanong iyan? This is a public place. Who was that girl?" muling ulit nito sa tanong.

Kaswal na nagkibit balikat siya. "She's the girl I want to share my forever with."

Gumuhit ang pagkabigla sa sopistikadang mukha ni Rizza. Umiling iling ito. "N-no. H-how about us?"

Hindi makapaniwalang ngumisi siya. "What about us? Ikaw sana ang nasa posisyon ngayon ni Lorraine kung tinanggap mo sana ang commitments na inialok ko sa iyo noon. But you know what? Nagpapasalamat ako na hindi mo tinanggap ang bagay na iyon. Don't ever think na panakip butas mo lang siya. I am in love with her," wika niya rito bago tumalikod.

Pero naging mabilis ang mga kilos ni Rizza. Muli itong humarang sa dinaraanan niya pagkatapos ay walang sabi sabing sinapo ang mukha niya at binigyan siya ng isang mapangahas na halik.

Gusto niyang itulak ito pero hindi niya ginawa. Sa halip ay hinayaan niya si Rizza sa ginagawa nito. She was kissing her hard and provocatively but he didn't accep or return her kisses. Umaasa siya na mare-realize ng dalaga na wala na itong epekto sa kanya.

Sa loob ng ilang sandali, sinubukan siyang kumbinsihin ni Rizza hanggang sa kusa na itong tumigil sa ginagawa.

"She''s one lucky bitch—I mean, one lucky girl," anito pagkaraang pakawalan ang labi niya. Her eyes were shining with unshed tears. "Mali ako na pinakawalan ka. Pero masaya ako para sa'yo Dylan." Ang luhang namumuo sa mga mata nito ay tuluyan ng pumatak. Naantig naman ang damdamin niya sa emosong iyon ng dalaga. Pinunasan niya ang pisngi nito bago ito marahang niyakap. Umaasang matatagpuan rin ng dalaga ang taong nakalaan para magpasaya rito. "Darating din ang lalaking para sa 'yo, Rizza. Isang lalaking magmamahal sa 'yo ng tapat."

Si Rizza na rin ang kusang bumitiw. "I don't deserve you, Dylan. Hindi mo ba itatanong ngayon kung bakit tinanggihan ko ang commitments na ini-o-offer mo noon?"

"May hindi ba ako nalalaman, Rizza?"

Tumango ito. "I'm sorry Dylan pero hindi ako naging matapat sa'yo. Ang modeling firm na pinapatakbo ko ngayon ay regalo lamang sa akin ng isang pulitiko and—"

Iniharang niya ang isang daliri sa labi ng dalaga para patigilin ito. Somehow, alam na niya kung saan patungo ang kuwento ng dalaga, na may isang lalaki pa sa buhay nito. "Shhh, it's all right."

"Oh Dylan...Salamat sa pagiging mabuti sa akin. Gusto kong mapanatag ang loob kaya kaya huwag mong iisipin na baka nabuntis mo ako, or something, I—I'm not capable of bearing a child."

"Rizza..."

"Goodbye Dylan," anito bago muling dinampian ng magaan na halik ang kanyang labi.

He sighed. Nahabol na lamang niya ng tingin ang papalayong dalaga, umaasang matatagpuan rin nito ang kaligayahan at kapayapaan ng loob.

Valencia Series Book 1: Dylan Valencia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon