Part 45

16.1K 331 1
                                    

"OH, HIJA, blooming ka? I wonder why...?" Puna ng ina ni Lorraine sa maluwang niyang ngiti.

"Of course. I'm in love," sagot niya. Mamayang hapon ang dating ni Dylan mula sa New York at plano niya itong sorpresahin. Siya ang sasalubong sa binata imbes na si Charlie.

Nagkatinginan ang mga magulang niya.

"Just don't smile like that when you're alone, lalo na sa office. Baka mapagkamalan ka nilang nasisiraan ng bait," anang ama niya na sinamahan pa ng ngiwi.

"Dad!"

Natawa naman ng malakas ang ina niya. "Siya nga pala, tinawagan ako ni Dylan kagabi. Hmm, nagyaya ngayong weekend sa Batangas."

Kumunot ang noo niya. Hindi niya alam ang bagay na iyon. Niyaya rin siya ng binata sa Batangas pero hindi niya alam na kasama pala ang mga magulang niya. Pero bakit? Nagkibit balikat na lamang siya. Baka nawaglit lang sa isipan ni Dylan na sabihin sa kanya.

"Pupunta ba kayo?" aniya.

"Of course. Darating raw ang mga magulang niya at ipapakilala sa amin."

Napanganga na naman siya. Wala siyang alam sa bagay na iyon. "Okay..."

Tinapos na niya angpagkain at naghanda sa pagpasok. May shipment ngayon ng mga tela mula sa Indiaat kailangan niya iyong asikasuhin ng personal. Pagkatapos ay sa airport nasiya dederetso. 



"KUMUSTA ang pakiramdam mo? Nahihilo ka pa?" ani ni Dylan sa kapatid. Kababa lamang nila ng eroplano. Nasa NAIA na silang magkapatid at hinihintay lamang si Charlie na siyang tinawagan niya para sumundo sa kanila. Si Cedrick ay hindi na nakasama pauwi ng Pilipinas dahil nagkaroon ng emergency sa negosyo nito sa San Fransisco kaya kasama na itong bumalik nina Jacob sa San Fransisco. Piloto ito pero may mga sarili ring negosyo.

"Not anymore pero ayoko pang sumakay sa kotse. Gusto ko munang magpahinga," sagot nito bago ipinikit ang mga mata at sumandal sa balikat niya.

Nakaramdam siya ng awa sa kapatid. Hindi kasi maganda ang panahon kaya nagpagiwang giwang ang eroplano. Nahilo ito at nagsuka. 

"May malapit na hotel rito, gusto mong mag check-in tayo? Doon ka na lang magpahinga para komportable ka." Malumanay na tanong niya habang hinahaplos ang buhok nito.

"I'll be fine. Just give me a couple of minutes pa."

He sighed. Nasa waiting area sila noon ng arrival's lounge. Inilibot niya ang mga mata sa mga taong paroot parito. Hanggang sa makaramdam siya ng panlalamig sa babaeng nakikita niya. Si Rizza. At sa suot nitong damit ay hindi maitago ang umbok roon. Buntis ito na marahil ay nasa tatlong buwan.

Pakiramdam niya ay tinakasan siya ng dugo sa tanawing iyon. Pero hindi ba, sabi nito ay hindi na ito puwedeng magbuntis? At sino ang ama, siya o ang isa pang lalaki sa buhay nito. Hindi niya napansin na nanginginig na pala ang mga kamay niya. Pinayapa niya ang sarili. Pero kahit anong gawin niya ay hindi mapayapa ang kalooban niya. Hindi niya maiwaglit ang paningin niya rito. Tila paulit ulit na pumapasok sa isipan niya ang salitang anak.

Marahas na huminga siya. Kailangan niyang malaman ang sagot roon. Dahil kung anak niya iyon ay hindi siya papayag na hindi makilala ito.


Valencia Series Book 1: Dylan Valencia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon