Part 7

18.6K 437 0
                                    


DUMAPA SI Lorraine sa kinahihigaang kama. Iyon na ang ikatlong araw ng pananatili niya sa Peace Island. Kahit papaano ay may naisip naman na siyang paraan para mapaglamangan ang ama. Isang fake boyfriend ang ipapakilala niya rito sa pag-uwi nito mula sa ibang bansa. Ang tanong nalang ngayon ay kung saan siya hahanap ng fake boyfriend. Imposible na pagpanggapin niya ang isa sa mga kaibigan niyang lalaki dahil lahat ng kaibigan niya ay kilala ng ama niya.

Naghikab siya. Inaantok na siya. Kagagaling lamang kasi niya sa paliligo sa dalampasigan at nananakit rin ang kalamnan niya dahil sa paglalangoy. Nang mamigat ang talukap ng kanyang mga mata ay hindi na niya pinaglabanan pa iyon. Hanggang sa makatulog na siya.

Hindi niya alam kung gaano katagal siyang nakatulog pero bigla na lang nagising ang diwa niya ng maramdaman niya ang pagbukas ng pinto ng cabin na kanyang inuukopa. Namura niya ang sarili ng maalala niyang hindi niya nai-lock ang pinto ng cabin. Nasanay kasi siya sa bahay nila na hindi naglo-lock ng silid niya. Bigla siyang sinilaban ng takot. Nag-iisa lang siya. Papaano kung may masamang balak pala sa kanya ang intruder?

Hindi pa siya nakakabuo ng desisyon ng biglang bumukas ang pinto ng silid. Sa tulong ng liwanag ng buwan ay napansin pa niya na matangkad ito. Naglakad ito pasuray suray na tinutungo ang deriksiyon ng kama. Hindi niya alam kung bakit hindi siya makagalaw at nakuha pa niyang panuurin ito.

Nag-dive ito sa kama. At kung hindi agad siya nakaiwas ay siguradong sa ibabaw mismo ng katawan niya babagsak ang bulto ng katawan nito.

"Jesus!" Impit na bulalas niya nang mapagtanto niya na nakapatong sa kaliwang dibdib niya ang kanang palad ng nakadapang lalaki. Nanigas na naman siya. Umungol ang lalaki. Hanggang sa maramdaman niya ang tila pagdaklot nito sa dibdib niya. Siya pa naman ang klase ng tao na nagtatanggal ng suot na bra kapag natutulog sa gabi, hindi kasi siya mapakali kapag may suot siyang bra habang natutulog. Nagtataka siya dati kung bakit ganoon siya pero nalaman niya na namana niya iyon sa ina.

And oh, dear God, bakit gusto pa yatang kumawala ng isang ungol mula sa kanyang lalamunan?

Goodness Lorraine! Nasaan na ang katinuan ng isip mo? Sita ng kanyang isipan. Tila naman nagising ang diwa niya. Tinangka niyang alisin ang palad nito sa kanyang dibdib. Pero hindi niya alam kung papaano gagawin iyon.

She bit her lips when he gripped—no, he squeezed her breast. And dear God, hayun na naman yung pakiramdam na gusto niyang madala sa sensasyong idinudulot ng pangahas na palad nito. May kakaibang init na nagmumula sa palad nito na tila nanunulay sa bawat himaymay ng kanyang kalamnan.

Sa distansiyang nakapagitan sa kanila ay sapat na para umabot sa pang-amoy niya ang alak na ininom nito. Tila lango ito sa alak. Sa klase rin ng paghinga nito ay nahihinuha niyang tulog na ito katunayan ang pagluwag ng hawak nito sa dibdib niya. Nakahinga siya ng maluwag dahil roon. Nakaalis siya ng kama. Hinagilap niya ang flower vase para ipampukpok sa ulo nito.

Lagot ka sa akin!

Akmang ipupokpok na niya ang vase sa ulo nito ng matigilan siya. Paano pala kung mapuruhan niya ito at doon mismo ay bawian ng buhay? Eh di siya naman ang inusig ng konsensiya niya? Napagdesisyunan niyang tumawag nalang ng awtoridad. Patingkayad na lumapit siya sa telepono na nakalagay sa kaliwang bahagi ng silid. Inabot niya iyon. May mga numero roon na maaaring tawagan in case of emergency.

"Resort police... that's it!" mahinang bulalas niya ng mabasa ang mga katagang police. Idinadayal na niya ang mga numero ang hindi sinasadyang mapatingin siya sa lalaki. Nakadapa ito pero ang nakatagilid na mukha nito ay tila pamilyar sa kanya. Unaware, she put back the phone on its holder. Namalayan nalang niya ang sarili niya na nilalapitan ito at sa liwanag ng buwan ay inaaninag kung sino ba ito at tila pamilyar sa kanya.

"Ang waiter sa restaurant!" Hindi makapaniwalang usal ng dalaga.

Napaupo  si Lorraine sa lapag . Her heart was beating a little faster than normal. Hindi siya maaaring magkamali. Ang lalaking pangahas na pumasok sa cottage niya ay walang iba kundi ang waiter sa restaurant. Pero ano ang ginagawa nito sa Peace Island? Kalabisan mang sabihin pero ang islang iyon ay mga mayayaman lamang yata ang puwedeng maka-afford. Kumbaga, the island was a playground for the rich and the famous and a waiter can not afford a luxury like that.

Who are you?


Valencia Series Book 1: Dylan Valencia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon