Part 49

16.4K 353 18
                                    

SUBALIT MALI pala na pinagbigyan niya ang sarili niya dahil ayaw na niyang matapos ang sandaling iyon. Katulad nga ng sinabi niya, his arms is where she wanted to be...forever.

Agad pumuno sa dibdib niya ang kagustuhang ipaglaban ang nararamdaman niya sa binata dahil napagtanto niya na hindi na babalik sa normal ang buhay niya sa sandaling pinakawalan niya ito.

Marahang inihiwalay ni Dylan ang katawan niya mula rito. Ikinulong nito sa mga palad ang mukha niya at maingat na pinahid ang mga bakas ng luha. Ang mga mata nito ay puno na naman ng emosyon. Nakasungaw sa mga mata nito ang klase ng emosyon na ang akala niya pagmamahal. At gusto na naman niyang maiyak dahil roon.

"I love you." Pabulong na wika nito subalit malinaw iyong nakarating sa pandinig niya. At dumeretso sa puso niya. "Paniwalaan mo ako, mahal kita."

Kinagat niya ang lower lip niya. "G-gaano mo ako kamahal, Dylan? Mahal mo ba ako katulad ng pagmamahal ko sa'yo? Pag hiniling ko ba na ipaglaban mo ako at ako ang piliin mo ay gagawin mo?" umaasang wika niya. "P-pero kung saan ka liligaya...H-handa akong pakawalan ka kung hihilingin mo..." So please don't! Sabihin mong ako ang mahal mo. Tatanggapin ko naman ang mga anak mo at magsisimula tayong muli.

Lumamlam ang mga mata nito. "Wala pang scientist o imbentor na nakakaimbento ng gamit na maaaring sumukat ng pagmamahal ko para sa'yo. Pero sapat na iyon para naisin kong matulog sa gabi—"

"Kuya!"

Sabay pa silang napalingon ng binata sa pinagmulan ng tinig. Nakita ni Lorraine ang batang kahawig ni Dylan, at ang babaeng iyon habang papalapit ang mga ito sa kinaroroonan nila. Pero bakit hindi na yata malaki ang tiyan nito? At ang suot nitong damit, bakit iba na?

Kuya?! Pakiramdam niya ay natuka siya ng ahas ng mapagtanto niya na ang bata ang tumawag ng kuya kay Dylan.

"Dylan, I'm sorry pero nariyan na ang sundo namin kaya inihatid ko na sa'yo si Lorenzo. Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero pagbalik ko roon ang sabi ni Nizza ay may hinabol ka raw na babae. Wait, bakit namumula ang pisngi mo?" Tumingin ito sa kanya. Kumunot ang noo nito pagkatapos ay gumuhit ang isang manipis na ngiti sa labi. "Hindi pa tayo pormal na magkakilala 'di ba? Hi. Ako si Rizza, you must be Lorraine. At mukhang nahuhulaan ko na ang naganap."

"H-hi," sagot niya. Inakbayan siya ni Dylan at hinapit papalapit sa katawan nito.

"Okay. Uhm, kailangan ko nang umalis. Tanungin mo lang iyang si Dylan tiyak na magkakaroon ng kasagutan ang mga gumugulo sa isipan mo. Bye." Binalingan nito ang bata. "Lorenzo, it's nice meeting you. Kung papayagan ka nitong kuya mo, puwede kitang ipasyal kahit saan. Bye, darling."

Hindi siya sigurado pero tila ipinagdiinan nito ang salitang 'kuya' pati na ang pagbibigay sa kanya ng isang knowing look. At hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng pagkapahiya. At ang guilt, unti-unti iyong pumupuno sa dibdib niya.

Naguguluhang nilingon niya ang binata.

Jesus! 'yung buntis, she might be Rizza's twin. Kung ganoon, kung ganoon...Napahinga nang malalim ang dalaga. Siyento porsiyento ay nahuhulaan niya na gumawa lamang siya ng sarili niyang konklusyon. Pero masisisi ba siya na umakto ng ganoon? Kahit sino naman siguro ay mag-iisip ng hindi maganda lalo pa at minsan na rin niyang nakita ang babae.


Valencia Series Book 1: Dylan Valencia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon