Part 16

18.1K 431 24
                                    


SA DALAMPASIGAN  humantong sina Lorraine at Dylan.

Mabilis na inilibot niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng lugar. Maraming tao pero hindi na nila naabutan ang sunrise kaya naman binigyan niya ng nagtatanong na tingin ang binata.

"Nakikita mo ang mga parehang iyon?"

Tumango siya. Halos magkakapartner nga ang nakikita niya sa dalampasigan.

"'Yan ang dahilan kung bakit kita dinala rito. See them. Watch them."

Sinunod niya ito. Pinanood niya ang mga parehang nasa paligid. Pero papaano siya makakapag-concentrate sa pagmamasid kung ang atensiyon niya ay nahahati sa magkasalikop nilang mga palad? Kaninang pagbaba niya mula sa cottage ay hawak na iyon ng binata. Akala kasi niya ay aalalayan lamang siya nito pero hindi na nga nito binitiwan ang palad niya. And goodness, the warmth of his hand was passing through her body. Mabuti nalang at pinakawalan rin nito iyon. Sa sobrang tensiyon niya ay bahagyang lumayo siya mula rito.

"So? Anong nakikita mo sa kanila?" anito ng pagkaraan ng ilang sandali. Nakahalukipkip ito.

"Huh?"

Binalingan siya nito. "Distracted ka yata?"

Distracted talaga siya sa presensiya ng binata. Tila kasi hinihigop nito ang buong atensiyon niya.

"Tingnan mo 'yung pares na iyon. Halos hindi na makadaan ang hangin sa pagitan nila. Nakita mo?"

Tumango siya. Hindi lamang ang magkadikit na couple ang nakikita niya, sa halip ay nakikita rin niya ang ilang pares na naghahalikan.

"Good. Ngayon ay tingnan mo tayong dalawa. Dapat ay ganoon din tayo—a couple—pero tingnan mo naman na puwede pang tumayo sa pagitan natin ang ilang plus-sized men."

Aminado siyang may punto ito kaya naman dahan dahan siyang lumapit rito.

"Closer," anito.

Lihim siyang huminga ng malalim bago dumikit talaga nito. Ngayon ay magkatabi na ang mga tagiliran nila. Hanggang sa mapapitlag nalang siya ng hapitin siya ng binata para mas mapalapit rito. Ang isang braso nito ay pumulupot sa baywang niya.

"Ngayon ay ikaw naman ang yumakap sa akin Lorraine."

Tensiyunadong ipinulupot niya ang kanyang mga braso sa baywang nito. Napapikit siya. Ramdam niya ang kakisigan nito. Agad ring pumuno sa ilong niya ang mabangong amoy nito. Bigla nalang ay nais niyang pumikit dahil roon. Kumbakit naman kasi nagreregodon ang dibdib niya sa presensiya palang ng binata tapos heto at halos ramdam na ramdam na niya ang pagpintig ng puso nito.

"D-Dylan..."

"I told you, Lorraine, kailangan mong maging komportable sa katawan ko. Now, why don't you relax? You're so tensed I can't feel you."

Sinubukan niyang i-relax ang katawan niya pero hindi niya magawa. Pakiramdam niya ay naninigas ang buong kalamnan niya. And oh God! Pati pala ang baga niya ay pinagkakaitan na niya ng hangin kaya pala nananakit na rin ang dibdib niya. Umalis siya mula sa bisig nito.

"Forgive me, pero hindi ko pa yata kaya. Masyado kang mabilis, nakayakap ka kaagad. That intimate, huh?" Nakaingos niyang wika rito at humalukipkip rin siya.

Ang binata naman ay tila nagpipigil ng tawa. Nagkibit balikat ito. "Sige, ikaw ang bahala kung ayaw mong ituloy ang bagay na ito." Kaswal na tumalikod na ito at nagsimulang maglakad palayo. At marahil ay alam nito na nakasunod ang tingin niya rito kaya naman nagawa pa nitong kumaway habang naglalakad palayo.


Valencia Series Book 1: Dylan Valencia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon