Part 34

17.2K 372 2
                                    


"SO TELL US, saan kayo nagkakilala? Malinaw sa amin na hindi kayo nagpapanggap lamang hindi ba?" anang ama niya. Tapos na sila noon na mananghalian at sa kasalukuyan ay nagkakape na lamang sa lanai. Magkatabi ang ama at ina niya sa sofa. Nahiling niya na sana ay maging katulad ng relasyon ng mga magulang niya ang sa kanila ni Dylan. That their love can stand the test of time, hanggang sa pagputi ng mga buhok nila.

"At papaano ka nakakasiguro dad na hindi nga boyfriend for hire si Dylan?" natatawang sagot naman niya.

"I told you, hija. Malalaman ko kung nagpapanggap lamang kayo o hindi. Isa pa, you grew up in my arms, konting pagbabago lamang ng kilos mo alam ko na ang ibig sabihin. The way you act—"

"Cut it out, dad." Natatawang putol niya sa ama. Alam na niya ang patutunguhan ng mga sinasabi nito: na siya ay in love. Her eyes said it all. Isa pa ay kitang kita sa body language nila ang nararamdaman. Naroong magholding hands sila, magtinginan, at ang paminsan minsang pagdidikit ng kanilang katawan kung saan ay obvious na kumportable siya sa binata.

"Sa restaurant ng pinsan niya, dad." Sagot niya sa unang tanong ng ama.

"That's true, Tito. Your daughter fell in love with me the first time she saw me."

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabing iyon ni Dylan. He gave Dylan a warning look. "Of course not!"

"Oh, don't try to deny it, honey. Ilang minuto kang nakatulala sa akin. Tiningnan mo ako na para bang noon ka lang nakakita ng tao na kasing guwapo ko. Naghugis puso ang mga eyeballs mo at nagtwinkle twinkle pa. And if I may say, hindi lamang sa mukha ko nagtagal ang mga mata mo, pati katawan ko ay mariin mong pinag-aralan, memorizing every angle, every—"

Hindi na niya napigil ang sarili niya. Agad niyang tinakpan ng palad niya ang labi nito. Ramdam na ramdam niya ang pamumula ng buong mukha niya sa sinabi nito. Ganoon na ganoon rin ang naramdaman niya noong nasa isla ng banggitin ng binata ang tungkol roon. Maybe because she was guilty as charged.

Ang mga magulang naman niya ay tila enjoy na enjoy sa nakikita at naririnig sa kanila.

"Dylan!" tinanggal niya ang palad na nasa bibig nito at kinurot ang tagiliran nito.

Sabay na tumawa sina Dylan at ang kanyang mga magulang.

Umingos siya bago humalukipkip. Halos magluha naman sa katatawa ang mga magulang niya. Tumikhim si Dylan bago ito nagsalita. "Actually Tito, Tita, ganoon din po ang naramdaman ko. Nakuha na ni Lorraine ang atensiyon ko pagpasok na pagpasok pa lang niya sa restaurant. Kaya noong mag-utos ang pinsan ko na mamigay ng bulaklak sa mga costumer ay nagbulontaryo na ako para makalapit sa mesa niya." Kinindatan siya ni Dylan. Ikinagulat niya ang sinabi nito. Gumagawa lamang ba ito ng kuwento? Pero sa pagtingin niya sa mga mata nito ay nabasa niya ang katapatan sa sinabi nito.

"But you were so snobbish then..." nagtatakang bulalas niya.

"Para makuha ko ang atensiyon mo," nakangiting wika naman ng binata.

Bumuntong-hininga ang ina niya. "Ipinapaalala ninyo ang kabataan namin ni Alfonso," anito bago humilig sa balikat ng asawa.

Sumang-ayon naman ang ama niya. "Kelan naman ang kasal ninyo? Siguro naman hijo ay alam mo na nakatakda sanang ipagkasundo si Lorraine sa iba kung hindi ka dumating sa buhay ng aking anak."

Halos mapaubo siya sa sinabi ng ama. For God's sake! Ni hindi pa nga sa kanya nagpo-propose ang binata. Nakadama rin siya ng pag-aalala na baka isipin ni Dylan na iniipit ito ng parents niya.

Naramdaman niya ang marahang pagpisil ni Dylan sa kanyang palad. "Give us some time, Tito, Tita, but you have my word that Lorraine and I will end up in church. Kung ako lamang ay handa po ako kahit na anong oras. Hayaan ninyo at pag-uusapan namin ni Lorraine ang bagay na iyan," anito.

Tila nakontento naman ang mga magulang niya sa naging sagot ni Dylan. Tumango ang mga ito. Nakahinga siya ng maluwag ng hindi na palalimin pa ng mga ito ang paksang iyon. Bagama't tumatak yata sa puso at isipan niya ang sinabi nito na mauuwi sila ng binata sa kasalan.

Tumikhim ang ama niya. "'Yaman rin lamang na pareho ninyong mahal ang isa't-isa, makabubuti siguro na malaman mo hija na gawa gawa ko lamang ang arrainge marriage na sinasabi ko. Kung natapos ang isang buwan at wala kang naipakilalang boyfriend ay wala rin namang arrange marriage na mangyayari."

"'Dad!" hindi makapaniwalang wika niya bagama't sa sulok ng puso niya ay alam rin naman niya na hindi siya magagawang ikumpormiso ng sariling ama.

"Your mother and I just put some pressure on your shoulder. Aba, bente singko ka na pero si Carlo pa rin lang ang naging boyfriend mo."

"Dad, ilang beses kobang sasabihin na Charlou at hindi Carlo ang pangalan niya. Bakit ba lahat kayoCarlo ng Carlo. Charlou nga eh, Charlou!" Nakaingos na pagtatama niya rito naikinatawa ng lahat. Maging siya man ay natawa na rin.    

Valencia Series Book 1: Dylan Valencia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon