Part 22

17.5K 381 4
                                    


HEAVY TRAFFIC! Kung kelan pa naman malapit na sila sa Alabang. Katulad ng napag-usapan ay magkasabay nga silang umuwi ng binata. Bagama't hindi naman sila nagkaroon ng pagkakataong magkuwentuhan kanina sa chopper dahil nagkunwari siyang tulog kahit hindi naman.

She bit her lip subtly. Hindi niya alam kung papaano lilipas ang mahabang trapiko na iyon sa pagitan nila ng binata. Mabuti nalang at kahit papaano ay bukas ang car sterio at may mga kantang pinapatugtog ang radio DJ. Sa kasalukuyan ay ang viral hit na kantang Call Me Maybe ang pumapailanlang.

Napalingon siya sa binata ng tila marinig niya itong sumasabay sa paghimig.

What the hell? Pati ba ang lalaking ito ay alam rin ang kantang iyon?

Obvious ba? kaya nga sumasabay siya sa pagkanta eh, sagot ng isip niya. All right he knew the song. Sa pagkamangha niya ay hindi lamang ito sumasabay sa pagkanta, he was also doing some head-banging along with the music. At ang mga daliri nitong nasa manebela ay gumagalaw rin.

Lumingon sa kanya ang binata. He smiled at her and pouted. Pinigilan niya ang sariling mapangiti. To her surprise, nilakasan nito ang pagkanta habang nakatingin sa kanya habang patuloy sa paggalaw ang ulo at daliri.

"...I trade my soul for a wish, pennies and dimes for a kiss. I wasn't looking for this but now you're in my way. Your stare was holding, ripped jeans skin was showing, hot night wind was blowing. Where you'd think you're going baby? Hey I just met you and this is crazy but here's my number so call me, maybe."

Hindi na niya napigilan ang sarili niya at pinakawalan na niya ang isang hagikhik. Habang kumakanta rin ito ay sinasamahan rin nito ng sari saring facial expression. Goodness, nagpakita na naman ito ng isang ka-inlove inlove na bahagi ng pagkatao nito.

"Come on, feel the beat, alam ko na alam mo ang kanta." Nang-eenganyong wika nito ng dumaan ang interlude ng kanta. His fingers and head were moving to the rhythm. Napahinuhod naman siya nito. Tumikhim muna siya bago sinabayan ang muling pagdaan ng chorus.

"...Your stare was holding, ripped jeans skin was showing, hot night wind was blowing. Where you'd think you're going baby? Hey I just met you and this is crazy but here's my number so call me, maybe...And all the other boys tried to chase me, but here's my number so call me maybe. Before you came into my life I miss you so bad, I miss you so bad, so call me, maybe..."

Pareho pa silang natawa ng binata ng sa wakas ay matapos rin ang kanta. Pinatay na ni Dylan ang car sterio nang umandar na ang trapiko. Obviously, the ice between them was broken. Nawala na ang nakakailang na katahimikan.

"Hindi ako makapaniwalang alam mo ang kantang iyon," aniya.

"Si Vicente kasi sa condo ko madalas manggulo."

Vicente? Vicente who?

May kilala siyang Vicente pero singer iyon, si Vicente Valencia. Valencia? "Vicente Valencia the singer?" awang ang labing tanong niya rito.

Tumango ito. "The infamous Valencia crooner. Pinsan namin ni Charlie si Enteng. And guess what? Ako lang naman ang dakilang manager ni Vicente. Can you imagine that?"

"Seriously?" gulat na wika niya.

"Yes. Iyon lang kasi ang paraan para payagan ng mga elders namin si Vicente sa gusto nito. Nagtataka ka ba kung bakit hindi nadidikit ang pangalan namin kina Vicente at Charlie? Well, dahil iyon ang unang bagay na hiniling namin nang pasukin nila ang show business. Kahit ako ang tumatayong manager ni Enteng, lagi naman akong nasa sideline. Kahit papaano ay pribado pa rin naman ang buhay ko."

"Really? Ang akala ko pa naman ay gagawin ng mga reporter ang lahat makakuha lamang ng magandang balita." Ang ibig niya talagang sabihin ay isang malaking balita kung malalantad sa publiko na puro nagguguwapuhan ang magpipinsang Valencia. Tiyak na magkakagulo sa pagtili ang mga kababaihan. And Dylan Valencia being Vicente's manager? It was really something.

"Puwedeng malaman kung ano ang ibig mong sabihin?" the corner of his lips were arched but he was not smirking. It was as if he was suppressing his smile.

"W-wala naman..." Itinutok niya ang kanyang mga mata sa harap ng sasakyan. Umaasang hindi na siya uusisain pa ng binata tungkol sa sinabi niya. And thank God he did nOt. Nagbukas ito ng ibang paksa na maaari nilang pag-usapan. Hanggang sa mamalayan nalang niyang pumaparada na ang binata sa harap ng kanilang bahay.

Valencia Series Book 1: Dylan Valencia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon