Part 32

17.3K 407 38
                                    


"W-why don't you dare then?" Namumula ang mukhang tanong ni Lorraine kay Dylan. Tama ito, kung ginusto nga nito ay nakuha na siya nito ng ganoon kadali na walang magaganap na anumang pagtutol mula sa kanya.

"Because I can't be selfish! Ayokong dumating 'yong oras na sisisihin mo ako because I took advantage of you. You'll accuse me of being a great seducer that's why you gave in and blah blah blah blah. Kung magiging akin ka, gusto kong pareho nating nauunawaan iyon, no regrets afterwards."

"A-anong 'blah blah blah blah'?" naguguluhan niyang tanong,

"Words. In general,  ladies like you are good with words!" marahas na humugot ng hininga si Dylan ng hindi siya sumagot. "Damn! Hindi mo pa rin ba maunawaan 'yong sinabi ko about letting my guard down? About pagsunod sa idinidikta ng damdamin ko?"

"Y-you tell me." Kinakabahan niyang wika. Ang dibdib niya ay puno ng kakaibang antisipasyon sa sasabihin nito, at umaasang pabor sa puso niya ang maririnig.

"Can't you read between the lines?"

Umiling siya.

"Goodness! Kayong mga babae hindi makuntento sa aktuwasyon ng lalaki, gusto ninyong busog din kayo sa mga salita." Naramdaman niya ang paglapit nito sa likod niya. Sa pagkakataong iyon ay kusa na siyang humarap rito.

Gumuhit ang ngiti sa labi ng binata. Ang mga mata nito ay dinadagsa ng samut-saring emosyon. Marahang pinunasan ng binata ang mga luha niya bago nito hinuli ang paningin niya. Slowly, he said the words. "Mahal kita."

Her mouth fell open. Tama ba ang narinig niya? Mahal din siya ng binata at may katugon ang damdamin niya?

Bahagyang natawa naman ang binata sa naging reaksiyon niya. "Ang sabi ko, mahal kita. I love you."

Pakiramdam niya ay nalaglag mula sa kalangitan ang mga confetti at makukulay na balloons, maging ang mga anghel ay bumaba rin mula sa kalangitam para awitan siya ng magandang awitin. Her tears began to fall again. Gusto niyang itanong rito kung kailan nito naramdaman ang pagmamahal na iyon at kung kailan ito naging sigurado. Pero kailangan pa ba iyon? He just bared his feelings to her and that was enough.

"Hey..."

She brushed her tears away. "Mahal mo kamo ako?" paniniguro pa niya.

"Yes,"siguradong sagot naman nito.

Napaiyak uli si Lorraine. Agad namang pinunasan iyon ng binata gamit ang mga palad nito. Pagkatapos ay hindi na siya tumutol ng ginagap ng binata ang mga palad niya. Bahagyang ngumiti si Lorraine. Tutal naman ay nagsiwalat na ng damdamin ang binata, nararapat lamang na ilabas na rin niya ang tunay na damdamin.

"Mahal din kita."

He smiled. Ngiting umabot sa mga mata nito dahil nagsasayaw ang mumunting liwanag ng kasiyahan sa mga mata nito. "I know."

"P-papaano mo nalaman?" Nagtatakang tanong niya.

"Oh, honey. I won't reach this age if I can't tell whether you're not in love with me or not."

Sumimangot siya. "Anong ibig mong sabihin? Na marami ng dumaan sa mga palad mo at eksperto ka na?"

"Ah, stop that." Hinapit siya nito. "Bagama't nararamdaman ko nga. Naroon naman sa dibdib ko ang matinding kagustuhan na marinig mismo sa labi mo ang kumpirmasyon. Now, answer me, will you be my girlfriend officially?"

"As in totohanang girlfriend?"

"Why of course. Mahal kita kaya gusto ko ng seryosong relasyon. And I mean serious one. At sa pag-uwi ng parents mo, ipapakilala mo talaga akong boyfriend mo. Now will you be my girl?"

"Yes."

"Great! Now, let's seal it with a kiss," aangkinin na muli nito ang labi niya ng pigilin niya ito.

"Kiss lang?" pilya niyang tanong.

"Ano sa tingin mo?" nakangising sagot nito. He nudged one of his legs in between her legs and pressed the lower part of his body painfully against hers. Umawang nalang ang labi niya ng maramdaman niyang buhay na buhay parin iyon.

She braced herself for a hard, powerful, passionate kiss. She could feel his heart beating beneath her hands and knew he was barely holding on to the threads of his composure. But he did not snatch  a kiss from her. Instead, he hovered over her mouth for a heart stopping moment. Pagkaraan ay niyakap siya nito. 

Nang mga sandaling iyon ay alam ni Lorraine na natagpuan na iya ang kanyang Prince Charming. At ang mga bisig nito ang magiging tahanan niya. 

Valencia Series Book 1: Dylan Valencia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon