Part 12

18.3K 417 4
                                    


"Yes?"tanong ni Dylan.

"Yes?" pag-ulit ni Lorraine sa sinabi nito habang pilit binabalewala ang biglang pagpungay ng mga mata nito.

Tinaasan niya ito ng kilay. "Nagka-amnesia ka ba? Hindi mo na ako makilala? Pati na ang dinner na sinabi mo ng seven?" may bahid ng sarkastikong wika niya rito.

Sa pagkagulat niya ay tinampal nito ang sariling noo. Like he was punishing himself for being a fool.

"I'm sorry. Pero hindi kita tinatakasan. Nakatulog ako at kagigising ko lang. Ahm, masakit kasi ang ulo ko kanina dahil sa hangover." Niluwagan nito ang pinto, "come in."

Pinayapa niya ang sarili bago pumasok sa cottage. Thank God hindi ito nagbigay ng ano mang komento tungkol sa pagkakatulala niya. "Have a seat. Magbibihis lang ako."

Kahit hindi na, suhestiyon ng pilya niyang isipan na pilit niyang sinasaway. Nahabol na lamang niya ng tingin ang papalayong likod nito. Kung hindi pa niya napigilan ang sarili ay tila magkokomento na naman iyon sa katangiang pisikal ng lalaki.

Agad din naman itong nakabalik. Sa pagkakataong iyon ay may suot na itong T-shirt at hindi na pajama bottom ang pang-ibaba nito kundi isang cargo shorts na. Maayos na rin ang buhok nito. Subalit wala pa rin itong suot na tsenelas. Lihim siyang napangiti. Kakaiba ang epekto sa kanya ng lalaking nakaapak lamang sa loob ng bahay o kahit sa cottage na iyon. He seemed like a homebody. A keeper. In fairness, magaganda ang mga paa nito.

Naupo ito sa kaibayong sofa na yari rin sa kawayan.

"I'm really sorry, Lorraine. Jesus! Ilang beses na yata akong nag-sorry dahil sa kapalpakan ko. Anyway, bigyan mo lamang ako ng ilang minuto para ayusin ang sarili ko. Ituloy natin ang dinner."

"No, actually, gusto ko lamang tiyakin na hindi ka babali sa salita mo. Tutulungan mo pa rin ako, hindi ba?" lihim na kinakastigo niya ang sarili. Bakit tila hindi niya maawat ang kanyang mga mata para palihim na titigan ito? Pakiramdam tuloy niya ay nagmula siya sa isang planeta na walang mga lalaki kaya ngayong nakakita siya ng isa ay hindi niya magawang alisin ang mga mata niya rito.

Fascinating, isn't he, Lorraine?

Tumango tango ito. "Of course. Hmm, okay lang ba sa'yo kung dito nalang tayo kumain sa cottage? I mean magpapadeliver nalang ako ng pagkain."

Saglit na nag-isip siya. Kung tutuusin ay pabor sa kanya ang ganoong set up. May kaunting privacy siya habang isinisiwalat dito ang sitwasyong kinasasangkutan niya. "Sige. Okay lang," sagot niya.

"Great. In the mean time, puwede bang magrequest ng coffee?" anitong itinuro ang coffee brewer sa isang tabi. Naunawaan niya na nais nitong magpatimpla ng kape. Tumango siya at tinungo ang kinalalagyan niyon habang ang binata naman ay lumapit sa telepono at umorder ng mga pagkain.  

Valencia Series Book 1: Dylan Valencia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon