Part 8

18.3K 476 8
                                    


HEADACHE. Iyon agad ang unang naramdaman ni Dylan ng magising siya. Tinangka niyang dumapa at ibaon ang ulo sa malambot na unan ng sa ganoon ay mabawas bawasan naman ang sakit ng ulo niya.

Natilihan siya. Bakit hindi niya maigalaw ang katawan niya para dumapa? Tila may pumipigil sa kamay at binti niya. Nagmulat siya ng mga mata. Ang nakasisilaw na liwanag ang sumalubong sa kanyang mga mata. Bahagyang tumagilid siya para lamang panlakihan ng mga mata. Ngayon ay alam na niya kung bakit hindi niya maigalaw ang kamay niya. Nakatali iyon sa isang sulok ng kama.

"What the hell!" bulalas niya nang mapagtanto niyang hindi lamang ang mga kamay niya ang nakatali kundi maging ang mga binti niya. Dahil roon ay dagling nawala ang nararamdaman niyang sakit ng ulo.

"Iyan ang napala mo sa pagpasok rito. You intruder!" anang tinig ng isang babae. May bahid ng iritasyon ang tinig nito pero hindi maitago ang kakaibang kaseksihan meron iyon. It was soft, almost like a sweet song, and there was sensuality in it. A kind of voice that can make his imagination works beyond its limitation and can turn him on with just a word.

Hinanap niya ang pinagmulan niyon. Nakita niya itong nakaupo sa sofa na yari sa kawayan.

Uh-oh! Bulalas ng kanyang isipan. Hanggang dito ba naman sa isla ay sinusundan siya ng imahe ng babaeng ito? Nananaginip lang ba siya? No. Hindi iyon isang panaginip lang. Talagang nakikita niya ang babaeng iyon na nakita niya sa restaurant ni Charlie. That beautiful lady who invaded his system. Ang babaeng mas umokupa pa sa isipan niya kesa sa pagdamdam niya sa break up nila ni Rizza. Hindi niya alam kung bakit nakakadama siya ng kasiyahan. Masaya siya na muling nagsalubong ang landas nila ng dalaga.

"Me an intruder? Lady, akin ang cabin na ito," sabi niya. Ang mga mata niya ay hindi humihiwalay sa dalaga na para bang sinasaulo niya ang bawat anggulo nito.

Sarkastikong ngumiti ito na may kasama pang pagtataas ng kilay. "Sigurado ka? Kasi ako, sigurado ako na ang cottage number 28 ay akin."

"28? Sigurado ka na 28 ito hindi 29?" nakangiwi niyang tanong. Cottage 29 ang kanya at kadarating lamang niya sa isla kahapon. Wala siyang balak magpakalasing pero naparami na ang inom niya. Hindi na kasi niya matandaan kung kailan siya huling nakapag relax ng ganoon kaya sinamantala na niya.

"Oh, I'm very sorry, Miss," aniya. But no, he was not sorry at all. At sa totoo lang ay gusto niyang magpasalamat na muling nagsalubong ang landas nila ng babaeng ito. Kung sino man ito ay sisiguraduhin niyang hindi na ito makakawala sa paningin niya. He was with Rizza then kaya pinilit niyang iwaglit sa isipan niya ang dalaga. Pero ngayon ay malaya na siya.

Hindi niya naiwasang mapatingin sa hita nitong nakalitaw sa maiikling roba nito. She was long-legged. Makinis din iyon at nakakagigil ang kaputian.

"'Yang mga mata mo!" Nanlalaki ang mga mata na sita nito.

"What's wrong with my eyes?" gusto na naman niyang mangiti sa hindi malamang dahilan.

"You are staring at my legs, Mister!"

"Ayaw mo palang ipakita, eh, di sana nagpantalon ka." Sinadya niyang sagutin ito ng pabalang. Naku-cute-an kasi siya sa panggigigil nito, sa pamumula ng mga pisngi nito. "At bakit ka nagagalit? Noong titigan mo nga ako noon sa restaurant ng pinsan ko, wala kang narinig sa akin, 'di ba?"

Lalong namula ang magkabilang pisngi ng babae. Nag-iwas din ito ng paningin. Bumuka ang labi nito para magsalita subalit muli nitong itinikom iyon.

One sexy lips...


Valencia Series Book 1: Dylan Valencia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon