Part 21

17.4K 421 4
                                    


"I'M SORRY," ani Dylan. Nasa sala sila noon ng cottage niya.

Humalukipkip siya at hindi pinansin ang peace offering nitong bulaklak. Narinig niya ang paghugot nito ng malalim na buntong-hininga. "So ano ito? First LQ natin?" anitong pilit nagbibiro ang tinig.

Inirapan niya ito.

"Lorraine, why can't you understand that you're a very lovely and enticing woman? Kahit sino ay maa-attract sa'yo and I'm no exception. Okay, mapangahas ako, I'm guilty of that. Ano ang gagawin ko? Iyon lamang ang alam kung paraan para i-express ang nararamdaman ko. And believe me sa'yo lang ako nagkaganito."

Hindi siya umimik bagamat ikinatuwa niya ang sinabi nito lalo na ang parteng attracted umano ito sa kanya. Nakakataas ng tiwala sa sarili ang malamang attracted sa kanya ang guwapong tulad nito. At ano daw? Sa kanya lamang ito umakto ng ganoon? What did he really mean by that?

"Hindi mo pa rin ako patatawarin? Okay sige pero gusto kong malaman mo na hanggang bukas nalang ako rito sa isla. Don't worry, hindi ako magba-back out sa plano mo. Gagawin ko pa rin ang parte ko. Nasa iyo naman ang number ko at alam mo kung saan ako makikita, pasabihan mo na lang ako sa sandaling dumating na ang parents mo," tumayo na ito.

Nakaalis na ito bago pa niya maunawaan ang lahat. Hindi na niya tinangkang habulin ito. Ilang beses na nagpalakad lakad muna siya bago nagpakawala ng buntong-hininga. Kinuha niya ang iniwan nitong mga bulaklak at sinamyo iyon.

"Ah, Dylan...Dylan..." pagsambit niya sa pangalan nito. "Ano ba ang gagawin ko sa'yo?"

"Patawarin mo ako," anang tinig na nagpalingon sa kanya sa may pinto. Nakita niya itong nakasandal sa hamba ng pinto. Hindi ba at nakaalis na ito? Papaanong nagawa nito na tumayo roon ng hindi niya napapansin?

Ramdam din niya ang pag-iinit ng buong mukha niya. Huling huli siya ng binata habang sinasamyo ang mga bulaklak, at papaano pala kung iba pa ang nasabi niya?

"Sumulpot ka naman diyan ng basta basta."

"Kasalanan mo dahil hindi ako mapakali sa kaalamang nagagalit ka pa rin sa akin. Konsensiya ba ang tawag duon? Pero bakit sa'yo ko lang naramdaman ang ganoong pakiramdam?" humakbang ito papalapit sa kanya. Kasabay ng paghakbang nito ay ang pagsasal ng tibok ng puso niya. Tumigil ito sa mismong harap niya. Itinaas ang kamay at marahang humaplos sa pisngi niya.

Ayon na naman yung pakiramdam na gusto niyang ipikit ang mga mata niya at damhin ang haplos nito? His hand moved carefully, his hands were so tender, so warm.

"Dylan..."

"Say you forgive me," anitong ayaw pakawalan ang mga mata niya. Katulad ng dati, tila hinihipnotismo na naman siya ng mga mata nito.

Nagtagumpay ito sa tila panghihipnotismong ginagawa dahil natagpuan na lamang niya ang sarili na binanggit ang nais nitong marinig.

"Pinapatawad na kita."

Matagumpay na ngumiti si Dylan. Pagkatapos ay napapikit nalang siya ng maramdam niya ang labi nito sa noo niya, giving her a light kiss on her forehead . Gusto niyang maiyak. With that kiss, she felt loved and cherished. Kahit na alam niyang imposible iyon.

"Katulad nga ng sinabi ko kanina, bukas ay babalik na ako ng Maynila. Ikaw, hanggang kelan ka rito sa resort?" tanong nito pagkaraan ng ilang sandali.

"Sa isang araw pa dapat pero gusto ko na ring umuwi."

"Ganoon ba. Okay, sabay na tayo. Huwag ka na ring magpasundo dahil dadalhin ni Charlie ang kotse ko sa hangar. Ako na ang maghahatid sa iyo sa bahay ninyo nang sa gayon ay malaman ko na rin kung saan ka nakatira. Would that be fine?" masuyong sabi nito. And for the life of her, kinikilig siya.

Tumango siya.

Valencia Series Book 1: Dylan Valencia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon