Part 19

17.6K 384 0
                                    


WHAT A SIGHT! Palatak ni Lorraine sa kanyang isipan habang sinusundan ng tingin ang bawat galaw ni Dylan. Nakaupo siya nuon sa divan na nakakalat sa beach habang si Dylan naman ay nagpaalam na bibili ng maiinom. Mabuti nalang at nakasuot siya ng dark shades, hindi obvious na dito siya nakatingin.

Dylan was wearing black trunks and he was one sexy man. There was no room for excess fat in his body. Maganda ang katawan nito, firm pero hindi mamasel. He has six-pack abs and oh, dear, it was really enchanting. Ang mga biyas ng binata ay mahahaba at nagpapakita ng katatagan. Dylan Valencia was a certified hunk with a gorgeous face. Just like the cliché tall, dark, and handsome. Sa katunayan ay hindi lamang mga mata niya ang nakatutok rito. Maraming babae ang nagbibigay rito ng ikalawang sulyap habang ang ilan ay hindi talaga maitago ang paghanga. Kahit nga ang mga babaeng turistang foreigner ay nagpapakita rin ng paghanga sa binata.

Nagpakawala siya ng malalim na hininga bago tumayo mula sa kinauupuan. Inalis ang kanyang suot na sarong at tinalunton ang dagat. Maliligo na siya. Baka sakaling mahugasan ng dagat ang mga naiisip niya tungkol sa binata. Random thoughts she'd'been having since she saw him. And that peculiar feeling every time he was near...Ibig bang sabihin niyon ay attracted siya sa binata?

"Sino ang hindi maa-attract? He was gorgeous from head to toe." Pagbibigay katwiran niya sa kanyang sarili. 

Bumuntong-hininga siya. Kung ganoon ay inaamin na niya na attracted siya sa binata. Was it just a simple case of attraction that she felt or it was something deeper than that? Sa loob ng tatlong araw na magkasama sila ay tila napalagay agad ang loob niya sa binata bagama't madalas ay tinutukso siya ng mapanuksong mga mata nito. Dylan possessed  expressive eyes kaya naman alam na alam niya kung kelan ito seryoso at kung kelan ito namimilyo sa panunukso. Oh, well, the truth is, kinikilig siya kahit papaano.

Hanggang leeg na niya ang tubig ng maisipan na niyang sumisid. Napasukan ng tubig alat ang mga mata niya kaya agad din siyang lumitaw. Sa pagkagulat niya ay sa harap mismo ng lalaking gumugulo sa kanyang isipan siya lumitaw.

"Dylan!" she gasped. "Para kang kabute ah, bigla ka nalang sumulpot." Nalimutan na niya ang naiiritang mga mata dahil sa masasal na tibok ng puso niya.

Dylan chuckled. "Bakit ba nagugulat ka pa rin sa akin? Honey, I'll do my very best kaya ikaw rin dapat, huh?" hinapit siya nito sa baywang. Hindi sinasadyang naiharang niya ang mga palad sa dibdib ng binata. Napalunok siya. Hindi nakatulong ang basang katawan nila para hindi niya maramdaman ang kakaibang tensiyon na namamagitan sa kanila ng binata, a sexual tension. Ipokrita siya kung hindi niya aaminin na gusto niyang damhin ang dibdib nito.

"Come on, Raine, stop thinking. Why don't you act on instinct?"

Napatingin siya sa mgamata nito. He was inviting her. Hindi niya alam kung bakit tumango siya. The next thing she knew, her hands werewandering along his hard torso, feeling its tautness, and enjoying the pleasure.Hindi niya napigilan ang sarili niya. Her fingers lightly squeezed his nipples.Where the hell did she learn that? Pero sabi nga ni Dylan 'stop thinking andact on instinct.'

Valencia Series Book 1: Dylan Valencia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon