Part 13

18.5K 449 3
                                    


 "DID THAT Carlo hurt—"

"It's Charlou not Carlo." Pagtatama niya sa sinabi nito. Katatapos lamang niyang ikuwento rito ang kanyang talambuhay kasama na roon ang first boyfriend niya na si Charlou. Detalyado rin niyang ikinuwento rito ang sinabi ng mga magulang niya.

Sa pagkamangha niya ay umangat ang sulok ng labi ng binata na tila ba nagpipigil ito ng isang tawa. 

"I'm sorry. Dapat mong malaman na pinalitan ko sadya ng pangalan niya. I mean Charlou? What an odd name for a man!" anito at hindi na yata napigilan ang halakhak kaya pinakawalan na nito iyon. He rared in laughter. Ang akala din niya ay maiilang siya sa presensiya ni Dylan pero sa pagkamangha niya ay naging maayos naman ang lahat sa pagitan nila. Nakakahawa ang kasaganahan nito sa pagkain. So far, maayos naman ang lahat sa pagitan nila.

"Dylan!" saway niya rito bagama't nangingiti rin siya. Dati na niyang naisip na napaka-odd nga ng pangalang iyon para sa isang lalaki. Mabuti sana kung pronounce as Carlo pero Char-Lou talaga iyon kung bigkasin. Ang alam niya ay ipinangalan kasi ito sa dalawang lola nito.

Tumikhim ang binata na tila hinahamig ang sarili mula sa pagtawa. "So ayun nga, did Char—ah! I can't utter the name! So si Carlo ba sinaktan ka niya? Or you loved him that much kaya hindi ka na nagka-boyfriend pa?"

Umiling siya. "No to both questions. At kung bakit hindi na siya nasundan pa? Well, let's put it this way, wala isa man sa mga nagtangkang manligaw sa akin ang nakakuha ng a—atensiyon ko."

Natigilan siya. Atensiyon? Hindi ba at ang lalaking nasa harapan niya ay nakuha ang atensiyon niya sa unang beses na marinig niya ang boses nito at mas lalo na ng makita ito?

"Baka naman masyadong mataas ang standard mo?"

"No." Bahagya siyang nangiti. "I was just looking for that special feeling. 'Yong pakiramdam na malalim ang pinanggagalingan. Call me a hopeless romantic, but that's me, ayokong pumasok sa isang relasyon na hindi ko mahal ang lalaki."

Tumango tango ang binata. "Very well said. Pero hindi mo ba naisip ang kahihinatnan ng gagawin mong palabas? I mean, okay maloloko mo ang parents mo for a few days or a week katulad ng usapan natin. Ika-cancel nila ang engagement mo dapat pero papaano kapag natapos na ang araw ng palabas? Of course, they'll continue asking about me."

Natigilan siya. Hindi pumasok sa isip niya ang bagay na iyon. Inisip lang niya na dapat ay may maipapakilala siyang boyfriend sa ama, pero, papaano nga ba kapag natapos na ang kasunduan? "T-tsaka ko na iisipin 'yan. For now, kailangan ko lang munang may maipakilalang boyfriend kina mommy at daddy."

"Honey, maraming loopholes sa plano mong iyan. Ipapakilala ko ang sarili ko sa kanila. Of course, mag-iimbistiga sila kung sino ba ako o ang pamilyang pinagmulan ko.  I can guarantee I'll pass that test. Pero after the show, baka sa akin bumagsak ang lahat. I mean, you can't do anything shall a marriage between us is planned, can you?"

"Sasabihin ko sa kanila na nagbreak tayo, na—" bumuntong-hininga siya. Alam niyang lame excuse ang sinabi niya. Oo nga bakit nga ba hindi niya naisip ang mga bagay bagay na iyon?

"How about a groom for hire?"

Bumuka ang mga labi niya. Napatingin siya rito. Nakita niya ang kislap ng panunudyo sa mga mata nito. Sunod sunod na umiling siya. "Sinabi ko na, 'di ba? Hindi ako magpapakasal sa isang lalaking hindi ko mahal. Kung ganoon rin lang pala ang kaso eh di sana hindi ako naghahanap ngayon ng boyfriend for hire at sa halip ay pinatulan ko nalang ang arrange marriage na gagawin ng mga elders ko."

"Ah, ang hirap naman ng sitwasyon mo," anito bagama't natatawa.

Inirapan niya ito. "Natatawa ka pa! Sige na please, tulungan mo naman ako. Pagkatapos noon ay ako na ang bahalang gumawa ng paraan kung papaano matatapos sa atin ang lahat. Tungkol naman sa bayad—"

"Hindi issue ang pera dito. Dapat alam mo na iyan ngayon."

"I'm sorry."

"Okay, Lorraine, payag ako."

Nakadama siya ng tuwa sa pagpayag nito. 


Valencia Series Book 1: Dylan Valencia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon