Part 17

16.8K 402 1
                                    


"Sige, ikaw ang bahala kung ayaw mong ituloy ang bagay na ito." Kaswal na tumalikod na ito at nagsimulang maglakad palayo. At marahil ay alam nito na nakasunod ang tingin niya rito kaya naman nagawa pa nitong kumaway habang naglalakad palayo.

Namaywang si Lorraine at hindi makapaniwalang umiling iling. Alam niya na nagpapasuyo lang ang binata at malakas ang loob nitong gawin iyon dahil alam nitong hawak nito ang sitwasyon. Hah! Kung may makikilala lang siyang lalaki na taglay—o kahit higit pa—ang mga katangian ng binata ay ura urada niyang ididispatsa ito. Kaya lang ay ito lamang talaga ang pag-asa niya ngayon. Bumuntong-hininga siya bago hinabol ito.

"Dylan, wait!"

Tumigil naman ito at humarap sa kanya. Seryoso ang mukha nito.

"Gagawin ko naman ang gusto mong mangyari eh. Naiintindihan ko naman na para rin iyon sa ikagaganda ng palabas natin pero sana dahan dahanin mo naman ako. Halos alam mo na ang kuwento ng buhay ko. Alam mong si Charlou palang ang naging boyfriend ko and we were so young then we didn't get that intimate. Alam mo ba na ako daw ang hindi pinaka-sociable sa aming angkan. Routine ko na ang bahay, opisina, simbahan! Oh, Jesus! Baka nga hindi apo ang gusto nina daddy, baka ang gusto talaga nilang mangyari ay lumawak ang mundo ko at makita ko ang bagay na na-mi-miss ko," frustrated niyang wika.

And maybe, he was considerate enough because he smiled at her.

"Sige, for now, hanggang holding hands na lang muna tayo. Bahala na kung ano pa ang sunod na mangyari," anitong nakangiti. Iniabot nito ang palad niya at tinanggap naman niya iyon. Bahagyang pinisil nito ang palad niya na para bang sinusuportahan siya nito.

Kahitpapaano ay nakahinga siya ng maluwag sa pagiging considerate nito. 

 Naglakad lakad sila sa tabing dagat. Hanggang samagkuwento si Dylan ng mga detalye ng buhay nito. Mga bagay na dapat niyangmalaman, mula sa kung saan ito nag-aral hanggang sa pinagkakaabalahan nitongayon. She learned he was a businessman. Bukod duon ay madalas diumano itongtumigil sa hacienda ng pamilya nito. All in all, the day was a success.

Valencia Series Book 1: Dylan Valencia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon