Chapter 3 - Assassin

103K 1.8K 77
                                    

(POV Ruri)

Pag labas namin sa eskinita, biglang pinasok ako ni Rafael sa loob ng isang itim na kotse. Kung tama ako, this is an expensive sports car na sa pelikula ko lang nakikita.

He's smart dahil walang security cameras sa lugar na ito. Kung papatayin niya ko, walang kahit sino na witness ang makakakita sa walang buhay kong bangkay.


"Ruri, anong ginagawa mo sa lansangan ng ganitong oras?" galit niyang tanong habang nag dridrive.

"Uhmm... Si Vina kasi may sakit at nagpapabili ng pagkain..."


Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Rafael, pero alam ko na galit siya sa mga oras na ito. I can see that he is silently gritting his teeth. Mahigpit din ang hawak niya sa steering wheel.


"Alam mo ba na muntik ka ng maging sex slave?" tanong niya at hindi pa rin ako tinatapunan ng tingin.

"Sex slave?"

"Those men are abducting vulnerable women and they are selling them as sex slaves to the highest bidders."

"Wait, paano mo nalaman?"

"I know them because I'm paid to kill them."


Paid to kill them? Killer for hire ba si Rafael?


This is just an outright confirmation na isa siyang assassin. Rafael is indeed a dangerous man. I should be frightened for my life, but somehow, I feel safe with him.

Dahil ba niligtas niya ko? However, Rafael did not personally saved me. He just killed those men as if he is just doing his job.


"Rafael, papatayin mo din ba ko?"

"You're a loose end. I can't afford any witnesses that will ruin my cover."

"Wwhat? Papatayin mo nga ako?"


Tsk! May pa I Feel Safe, I Feel Safe pa ako nalalaman, papatayin din pala ako ng magandang lalaki ito!


Di siya sumagot at patuloy na nag dridrive. Di ko alam ang iniisip niya dahil palagi siya poker face kahit sa office. Gusto ko umiyak dahil mamamatay na ko, pero umaasa pa rin ako na hindi talaga masamang tao si Rafael.


"I'm sorry Ruri. Trabaho lang, walang personalan. You're in the wrong place and at the wrong time," mahina niyang sabi after ng long silence.


I looked at Rafael and walang expression ang mukha niya. He's damn serious. Kung ako nasa position niya, I will perfectly understand kung bakit niya ko papatayin. He is living a double life and hindi siya matatahimik kung may taong may alam ng sikreto niya.


"How are you planning to kill me? Sana yung hindi painful," mahina kong sabi sa kanya.


Ano ba yan Ruri? Gusto mo pa ba mag suggest kay Rafael ng mga ways kung paano ka niya papatayin?


"I don't know yet, Ruri. I really don't know."

"Uhmm Rafael. Di ko naman sasabihin kahit kanino kung ano nakita ko. Super promise, your secret assassin part time job is safe with me. My lips are sealed," nagmamakaawa ko na sabi ko sa kanya.

"Ruri, please stop. It will not work on me."


Shit, decided nga si gago na patayin ako. Let us try another trick.


"Uhmmm Rafael, may pamilya ako. May lola ko sa probinsya. Madami ko kaibigan na nagmamahal sa akin. Please maawa ka naman sa akin?"

"As I've said, trabaho lang," he said using his coldest voice.


Dapat kabahan na talaga ko sa mga sinasabi ni Rafael, pero parang masaya pa ako na kasama ko siya sa mga oras na ito. Siguro dahil madalas ko inaasam na makasama si Rafael and this is the first time na naging close kami at nag-usap ng matagal.


Ampotah papatayin na nga ako di ba? Wrong timing naman ang kalandian ko!


"Rafael, ano ba talagang balak mo gawin sa akin?"

"If you will not stop asking questions, I might as well shoot you in the head right now!" sigaw ni Rafael na nagpatigil sa akin.


Pinasok ni Rafael ang kotse niya sa isang exclusive subdivision at bumaba kami sa isang modern na two storey house. Automatic na bumukas ang gate at tumambad ang malawak na garden at malaking swimming pool sa likod. May ilang sports car din sa garage. Gusto ko sana mag tanong pero baka nga barilin ako ni Rafael.

High-tech ang security facilities ng bahay. Di din nakalagpas ang camouflaged security cameras na nakapalibot sa buong lugar.

Isang malaking aso ang sumalubong sa amin. Kung di ako nagkakamali, isang itong Belgian Malinois. Kamukha ng German Shepherd dog breed.


"Dala mo ba cell phone mo?" tanong niya nang makapasok kami sa loob ng bahay niya.


Kulang na lang ay lumabas ang mata ko sa socket ko sa ganda ng design ng bahay. Mamahalin ang gamit at parang bahay ng isang millionaire bachelor.


"Hindi eh. Papatawagin mo ba ko sa kapamilya ko bago mo ko patayin?"

"Call Vina. Sabihin mo, you saw me at niyaya kita mag coffee. Let her know na mag papadeliver ka na lang ng pagkain para sa kanya," sabi ni Rafael sabay hagis ng phone sa sofa.

"Uhmm I can call the police Rafael. Pwede akong magsumbong. Are you sure gusto mo ibigay ang phone sa akin?"

"You won't do that Ruri," sabi ni Rafael at biglang nilabas ang silencer niya sabay tutok ng baril sa ulo ko.

"Ok fine fine! Chill lang. Baka maiputok mo yan!" sagot ko sabay taas ng dalawang kamay.


Mabilis kong tinawagan si Vina para hindi siya mag-alala. Akala ko magagalit si Vina pero mukhang kinilig pa siya nang malaman niya na kasama ko si Rafael. Di niya alam na psycho killer kasama ko.


Gwapo nga at sexy, psychopath assassin naman! Tsk!




---

Please don't forget to click Like/Vote and kindly leave your Comments, suggestions and violent reactions...

- CC Summers

F3 - The Official F Buddy | Rafael and RuriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon