(POV Ruri)
Rafael Stalford. Half Filipino, half Scottish. My ultimate crush sa office. Ang lalaking sa fantasy ko lang makakasama...
When I woke up, my whole body is aching and I know I want to sleep forever. Pero lahat na ata ng antok ko ay nawala nang makita ko si Rafael na katabi ko.
Bakit ko katabi ang lalaking to? At bakit ako hubad?
"You're awake. Gutom ka na ba?" tanong niya sa akin. He is already fully cloth samantalang ako, walang kahit anong saplot.
Shit, hindi pala panaginip ang lahat! Pumayag nga pala ko maging fuck buddy niya. And another shit, si Rafael nga pala ay isang cold blooded assassin.
"Rafael, hindi ka ba nag woworry na magsumbong ako sa pulis dahil alam ko ang sikreto mo?"
"Why should I be worried? I doubt that you will even say a word after what happened between us," confident na sabi niya.
Alam niya na siya ang unang lalaki na umangkin sa akin. Sinuko ko ang katawan ko sa isang hired killer. Malamang confident din siya na hahanap hanapin ko ang nangyari sa amin.
"Rafael, hindi mo na ko papatayin?"
"Only if I need to..."
"Ha? It means may balak ka pa rin na patayin ako?"
"As of now Ruri, wala pa ako balak. Wag ka mag-alala, I will tell you kung feel na kitang idispose."
"You're kidding right?"
"I am not kidding. You're useful to me. It would be a waste if I kill you," sagot niya while flashing his gorgeous smile. The same sexy smile na dahilan ng pagsuko ko ng Bataan.
"Yung totoo? Psychopath ka ba?"
"No. I still have empathy, conscience and emotions, but I only use these when necessary. And I am not violent or aggressive, I don't kill for fun. I am following a certain code, rules kumbaga."
"Why are you explaining these things to me? Bakit ka nag-oopen up sa akin? Dahil ba anytime pwede ko mamatay?"
"Maybe... maybe not... Magbihis ka na, may pagkain sa baba. I am sure you're famished after what transpired between us," nakangiting sabi ni Rafael nang iniwan niya ko sa kwarto niya.
Yung Belgian Malinois naman niyang aso ay nakatingin sa akin as if ready na kagatin ako kung tatakas ako. Mabilis akong nagbihis at sumunod kay Rafael. Kahit ang malaking aso ay nakasunod din sa akin.
"Uhmmm. Ok lang ba na tawagan ko si Vina? Baka nag-aalala na siya kasi sa akin," tanong ko kay Rafael habang kumakain kami.
"I called her an hour ago. Sabi ko, magkasama tayo and you are still sleeping."
"Sinabi mo yun? Eh di para mo na rin sinabi na may nangyari sa atin?" inis kong sabi sa kanya.
"Bakit wala ba?"
"Akala ko ba secret dapat?"
"I just gave her a hint, but you don't need to give her any confirmation about us, specially my real identity."
"Rafael ba talaga ng real name mo o code name mo lang yun? Sino ba talaga boss mo? Kailan ka pa naging assassin?"
"Ruri, I decided not to kill you for the time being but if you will continue to bombard me with these annoying questions again, I can just end your life now."
"Okay, di na ko magtatanong pa. When I agreed to be your fuck buddy, you have your conditions. Now, I want to tell you mine..."
"You have your own conditions? Hmmm... Interesting. Go ahead Ruri..."
"I only have two conditions. First, ayokong may ibang kang babae while we are in this setup."
"Of course, I think I already made that clear to you since yesterday."
"And second, kung ready ka na, I want to hear your story. I want to know more about you."
"You're treading in dangerous waters Ruri. Kaya gusto ko ng fuck buddy dahil walang attachment. Akala ko alam mo na yan."
"Call it curiosity, Rafael. That's all."
"Do we need to do a blood compact or something to seal our deal? Pinky promise thingy na ginagawa ng mga babae madalas?" natatawa niyang tanong sa akin.
I just shook his head and smile. Hindi na kailangan ng pirma para maclose namin ang agreement namin. The moment I gave him myself, I know it right then and there that my body is for him alone.
Hinatid ako ni Rafael sa apartment namin at unlimited na agad magtanong si Vina tungkol sa aming dalawa.
"OMG, wag mo ideny! May nangyari sa inyo ni Rafael noh?" tanong ni Vina pagpasok ko sa kwarto.
"Nag coffee lang kami, uminom saglit at namasyal. Sa kanila kami tumuloy, that's it."
"Aminin mo na kasi, na first blood ka niya noh?"
"What? No! Di naman ako type ni Rafael para patulan."
"Eh ano ba ginagawa niya nung madaling araw? Sinong matinong lalake ang nasa labas ng ganung oras? Don't tell me callboy siya? Part time holdapper kaya siya or vigilante?"
Napaka daming tanong ni Vina at wala akong choice kundi bigyan siya ng practical na paliwanag para hindi masagi sa isip niya na isang assassin si Rafael.
Siguro kaya ang ganda ng bahay ni Rafael dahil malaki ang kinikita niya sa kanyang trabaho. Ang ganda, parang dream house ko ang bahay niya...
Teka, bakit parang gusto ko tumira sa bahay niya?
Erase Erase. Fuck buddies kami, hindi live in partner...
BINABASA MO ANG
F3 - The Official F Buddy | Rafael and Ruri
Romance[WARNING - R-18 - RATED SPG] [COMPLETED] Sexy plus mysterious equals Rafael Stalford. He is my co-worker during daytime and a hired assassin at night. And I never thought that I will agree to be his F Buddy. (Rafael and Ruri Story) Language: English...