Chapter 28 - Jairon

69.8K 1.1K 11
                                    

(POV Ruri)

Pag balik namin sa hotel, hindi pa rin nagsasalita si Rafael. Hindi ko tuloy alam ang iniisip niya sa mga oras na ito. He is hurting and he is angry at the same time.


"Rafael..."

"What?" he snapped at me habang inaayos ang luggage namin.

"Galit ka ba? I am really sorry sa mga pangyayari."

"Galit ba ako? No, Ruri. I am fucking delighted because your father is forcing me to marry you!"

"I am sorry Rafael. Di ko naman ginusto ito. I tried my best para pigilan siya. Please, wag ka naman magalit sa akin. Pwede naman natin ito pag-usapan. We can meet halfway. You don't need to hate me," sabi ko sa kanya sabay hawak sa braso niya.

"I don't hate you Ruri. I just hate the fact that I am getting married. I will do anything for your father, I just hate being tied to someone else."

"Rafael, I am... I am really sorry," mahina kong sagot sa kanya dahil kulang na lang na ipamukha niya sa akin na ayaw niya ng kasal.

"Can you stop saying sorry, Ruri? It is so annoying and it will not change anything!"


Tumungo lang ako at binitawan ang braso niya. Naiintindihan ko ang galit ni Rafael. Alam ko na ayaw niya ng kasal, commitment or attachment. My pregnancy and the wedding are probably too much for him to handle.


"Kung gusto mo mamasyal, it is still early. Let us meet here before dark. Call me if you need anything," sabi ni Rafael sabay labas ng kwarto.


The moment that the door closed, my tears began to fell. I feel so low right now as if ang dumi dumi ko.


Is it really appalling to be married to me? Is he really disgusted to be my husband?


I think I should stop asking question when I already know the answer. Hindi ako mahal ni Rafael noon pa lang. He does not care for me. All he wants is someone he can fuck, someone who is readily available.

Kaysa umiyak sa loob ng hotel room, mag-isa akong umikot sa isang park malapit sa hotel namin. Naiintindihan ko na kung bakit ginusto ng mommy ko mag stay dito. The cherry blossom trees look amazing at this time of the year.

May lumapit sa akin na isang kayumanggi na lalaki habang nakaupo ako sa damuhan sa harap ng isang man-made lake. May hawak siya na English Japanese dictionary.

Kinausap niya ko sa salitang Hapon na parang nag tatanong ng direction. Kahit half Japanese ako, wala akong alam sa salitang Hapon kundi Moshi Moshi. Siguro, akala niya Haponesa ako.


"Pinoy ka ba?" naka ngiti kong tanong sa kanya dahil hirap na hirap na siyang magsalita at ilang beses ng kinakamot ang ulo niya.

"Kababayan? Hay, salamat. Akala ko kailangan ko pa pumunta ng police station," excited niyang sabi sa akin.

"Naligaw ka ba?"

"Miss, hindi ko alam bumalik sa hotel ko. Mukhang naligaw ako. Pwede mo ba ko tulungan? Ililibre na lang kita ng Takoyaki in return," tanong niya at umupo sa tabi ko.

"Mali ka ng pinag tanungan, first time ko lang din dito sa Japan. Ano bang nangyari?"


Nagsimulang mag kwento ang lalaki sa tabi ko na kaka graduate lang daw niya. Bilang graduation gift niya sa sarili niya, pumunta siya sa Japan na mag-isa. Gusto daw niya ng adventure, pero mukhang sablay ang balak niya dahil hindi na siya makabalik sa hotel niya.


"Well, may silbi pa din naman ako dahil dyan din ako sa hotel na yan nag stay. Actually, malapit lang dito yan. Paikot ikot ka lang siguro. Gusto mo samahan na kita?"

"Naku, wag na nakakahiya. I am Jairon, by the way. Engr. Jairon Cervantes. Proud engineer, pero walang sense of direction," nakangiti na sabi niya sabay bigay ng kamay sa akin for a handshake.

"Ruri Rosalind Saji, call me Ruri."

"Ruri sounds like a man, I prefer to call you Rosalind," nakangiti na sabi ni Jairon.


Kung gaano ka tahimik si Rafael, Jairon is his exact opposite. Sobrang daldal at madaming kwento. He is even fond of making corny jokes at hindi ko na napansin na tumatawa ako sa mga walang kwenta niyang jokes.


"Rosalind, I think I am destined to meet you here in Tokyo," natatawa na sabi niya habang pauwi na kami sa hotel.

"Tama ka, Jairon. I think it is my destiny to meet you too. Salamat sa libreng Takoyaki mo."


Kung hindi ko nakilala si Jairon, malamang buong araw akong umiiyak dahil kay Rafael. Hindi ko akalain na ang isang estranghero ang magpapasaya sa akin ngayong araw.


"Paano, Rosalind, mukhang dito na maghihiwalay ang landas natin. I doubt na nag-iisa ka. Hapon ba boyfriend mo?" tanong niya pagdating namin sa entrance ng hotel.

"Scottish."

"Scottish? Parang breed ng aso ah? Pag pinaiyak ka pa uli ng boyfriend mo, hanapin mo ko. Ako na lang ang mag-aapply sayo."

"Ha?"

"Obvious naman na umiiyak ka kanina. That's the reason kung bakit kita nilapitan. Akala ko tatalon ka sa man made lake."

"Wala naman ako balak mag suicide. May takot ako sa Diyos."

"Eto calling card ko. Mabango yan, kaso walang picture ko kaya wala ka mahahalikan sa gabi. Thanks again, Rosalind. I hope magkita tayo uli sa Pilipinas," sabi ni Jairon na nagpaalam na sa akin.

F3 - The Official F Buddy | Rafael and RuriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon