Chapter 26 - Japan

75.1K 1.2K 32
                                    

(POV Ruri)

Bago pumasok sa office, sinundo ako ni Rafael. Hindi na sumama sa akin si Vina dahil baka mag-usap daw kami ni Rafael. Tulad ng inaasahan ko, tahimik ang byahe namin dalawa.


"May passport ka ba Ruri?" tanong niya habang nasa traffic kami.

"Meron, bakit mo na itanong?"

"We are going to Japan tomorrow. Pack your things. We will be there for a few days."

"Japan? Anong gagawin natin dun?"

"May importante tayong gagawin. It is about your future and my future," seryosong sagot ni Rafael.


Bakit kami pupunta sa Japan? Ipapa-abort ba niya ang dinadala ko?


He probably thinks na magiging pabigat ako sa kanya kung ipagpapatuloy ko ang pagbubuntis ko. Rafael is not exactly a man who is looking forward to have a family of his own. To him, the only solution to this mess is probably to terminate my pregnancy.


"Rafael, hindi mo ko kailangan panagutan. Kaya ko buhayin ang anak ko."

"Anong sinasabi mo?" taas kilay niyang tanong sa akin.

"Hindi ako papayag na pumunta sa Japan para ipa abort mo ang baby ko. How dare you to even decide for me and for my baby," naiiyak kong sabi sa kanya.

"What the fuck are you talking about?"

"Bakit tayo pupunta sa Japan? May balak ka ba ipalaglag ang dinadala ko? Gusto mo ba ng abortion? No way Rafael, I can't let you do this to me! Let's just go to our own separate ways kung ayaw mo ng responsibility."

"Abortion? Geez, Ruri. You are going crazy. Is it your hormones? We are going to Japan for a vacation."


Vacation? Pupunta kami sa Japan for a vacation? Why is he taking my pregnancy lightly at gusto pa niya ng vacation?


Pagdating namin sa office, I found out from my manager na naka file na ang vacation leave ko starting tomorrow. I don't know how Rafael did it, but it seems that my manager easily agreed with his request.

Pag-uwi namin sa bahay, Rafael decided to sleep sa kabilang kwarto. I can feel that he is slowly slipping away. Sooner or later, alam ko maghihiwalay na talaga kami ng landas.

Maaga kami umalis ng bahay at iniwan namin si Copper sa kapit bahay na nag-aalaga kay Copper pag umaalis si Rafael. Hanggang airport at kahit sa loob ng eroplano, wala kaming kibuan ni Rafael.


"May balak ka ba mag explain kung bakit tayo andito sa Japan?" tanong ko kay Rafael habang naglalakad kami palabas ng Tokyo airport.

"Vacation, Ruri."

"I don't believe you, Rafael."

"Then, don't," seryoso niyang sagot.


Sumakay kami sa isang private car na nag-aabang na sa amin. Di ko alam kung saan talaga pupunta at ayoko na magtanong dahil mukhang ayaw naman ako kausap ni Rafael.

Simula nang malaman niya na buntis ako, isang tanong isang sagot lang ang usapan namin. He is cold to me and I perfectly understand kung bakit.

Napansin ko din na palabas kami sa city kaya minabuti ko na matulog sa byahe. Pagka gising ko, nasa tapat na kami ng isang napaka laking mansion. Tanaw ko mula dito ang Mt. Fuji.

F3 - The Official F Buddy | Rafael and RuriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon