Hail's POV
Syempre sa kwarto ako ni Ten natulog kagabi pero sa sahig siya, ako sa kama niya. Hahahaha. Ako yung prinsesa e. Joke. Lagi naman kaming ganon kapag umuulan ng malakas at natatakot ako sa epal na kulog at kidlat na yun.
Nagpaalam sakin si Ten na mauuna siya sa aking pumasok dahil nga sa may aasikasuhin pa daw siya. Ano naman kaya yun? Wala tuloy akong kasabay ngayong pumasok. Nakakainis naman e. Ano ba yung inaasikaso niya? Mas importante pa ba yun sakin? (Kung makasumbat naman ako e ano, kapatid nga lang diba?) Kapatid lang. Tch. Pasalamat na nga lang ako hindi kami magkapatid biologically e. Kahit konti may pag-asa pa. Kahit mga 1%?
"Yooooo." Bigla na lang may umakbay sa akin habang naglalakad ako sa hallway papunta sa classroom namin. And it was my another annoying older brother. Eh di sino pa, ang bestfriend ni kuya, si kuya Sean.
"Ano na namang problema mo?" I asked habang tinatanggal yung kamay niya sa balikat ko.
"Wala lang naman. Bakit hindi kayo magkasabay ng kuya mo ngayon?" Tiningnan niya ako na parang nanunukso. Wow. Alam ba talaga niyang may gusto ako kay kuya or malakas lang talaga yung trip niya kaya niya ako niloloko palagi?
"Alam mo ikaw, may gusto ka ba sa kuya ko? Bakla ka no?!" I exclaimed na ikinagulat naman niya. "Kaya mo siguro ako kinukulit dahil may hihingin kang pabor sa akin no?! Gusto mong ilakad kita kay kuya no?! Umamin ka na!"
"Whoa whoa whoa! Grabe ka naman sakin Hail! Mukha ba akong bakla?!" He exclaimed. Tiningnan ko naman siya mula ulo hanggang paa.
"Actually, oo." I responded at saka tumawa ng malakas. Ang sarap niya rin palang lokohin e! Hahahaha! His reaction, para siyang tinusok ng espada sa puso dahil sa sinabi ko.
"Halikan kita diyan e." Huh? Napatigil ako sa pagtawa dahil hindi ko masyadong narinig yung sinabi niya.
"Anong sabi mo?"
"Halikan kita diyan e." Dahan dahan siyang lumapit sa akin kaya napasandal ako sa wall. *gulps*
"Yaaa! Ano ba!" Marahan ko siyang tinulak at biglang nagbago ang expression nang mukha niya nang may nakita siya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako para magtago sa may hagdan dahil parang may nakita siyang paparating.
It was Ten with Ate Erri. Nakangiti sila pareho at mukhang kagagaling lang nila sa dance studio. Nagpractice ba sila nang ganito kaaga? Ano bang meron? Bakit parang may hindi sinasabi sa akin si kuya?
"Anong meron?" I asked while looking at kuya Sean.
"Balita ko nagpapaturo din si Erri kay Ten ng sayaw. And they started practicing kanina lang kaya siguro umuna si Ten sa'yo kanina." Sean responded. So? Ito pala yun? Aside from me na tinuturuan niya tuwing pagkatapos nang training niya ay tinuturuan naman niya si ate Erri?
Bakit ganon? Nagseselos ako. Oo, selos na selos ako! Pero ano pa nga bang magagawa ko? Wala naman akong karapatang kumontra e. Pero hindi ko rin maiwasang mapaisip, sadyang mabait lang ba si Ten o type niya si ate Erri? Hayys.
"Kaya mo ba ako nilapitan para ipakita to?" I asked Sean. Kasi, masakit.
"Huh? Hi---hindi ah!" He gasped and I sighed.
"Mauna na ko." I uttered saka lumabas sa pagtatago ko nang makalampas na sila kuya at ate Erri.
"Teka Hail--" Hindi ko na pinansin si kuya Sean at dumiretso na lang ako sa classroom ko. Possible kayang matagal na silang may connection, bukod sa magkaklase sila, hindi lang sinasabi sa akin ni kuya?
BINABASA MO ANG
Kuya, I love you. | (WayV Fan Fiction)
FanfictionHe's my partner in crime. He's my best friend. He's my kuya and I'm his lover. NCT Series #2 #166 in Fanfiction, #3 in Kilig as of May 16, 2018 Fan art: Irma Lee