Hail's POV
My partner. I'm really curious kung sino ba ang magiging partner ko na sinsabi ni kuya. Hindi ko alam kung mageexpect ba ako or what. After nang klase ko ay dumiretso na agad ako sa dance studio dahil sa important meeting na yun. Mabuti na lang at dumating ako bago pa dumating si ate Erri.
"I never knew na may ganyan ka palang side, Ten."
"Haha! Now you know!"
"Ang kapal ha."
"I'm just kidding." Lumingon ako sa pintuan ng dance studio at saktong papasok pa lang si kuya Ten at ate Erri. Magkasabay sila---
"Oh, Hail! Ang aga mo naman." Bati sa akin ni kuya Ten. Tch. Ang saya mo na naman dahil nakasabay mo si ate Erri.
"Yea." I just uttered. Bigla akong nawala sa mood lalo na nung binati ako ni ate Erri. Alam kong masamang mainggit pero ano bang laban ko sa kaniya?
"Intayin na lang natin yung iba." I nodded at bumalik sa pagkakaupo ko. Sakto rin namang dumating na yung iba pa naming kasamahan kasama yung coach namin. I can't really imagine na uupo ako dito kasama sila. Lol. Nakakatawa pero a change of environment na rin siguro. To try something new, ganon.
"Okay, andito na ba lahat?" Tanong ng coach namin.
"Yes coach!"
"Alright. Let's start--" Bigla namang tumabi sa akin si Sean at binigyan niya ako nang mapang-asar na ngiti. Anong problema ba nito? Then I looked at kuya Ten. Katabi niya si ate Erri. Ouch ha. Ano bang meron talaga sa kanila?
"Your partners are the ones beside you." What?! Tiningnan ko si Sean at ngumiti siya sa akin nang abot tenga. What the--- So ibig sabihin ang partner ni ate Erri ay si kuya?! Unbelievable. No, expected ko na naman yun. Aasa pa ba akong makakapartner ko si kuya Ten? "They are our old members at ipinartner namin kayong new members sa kanila para maguide nila kayo ng ayos at maturuan kayo ng ayos. Expect a lot from them okay? Kumbaga, veterans na yang mga yan." Our coach chuckled.
"VETERANS?! Coach naman, hindi pa kami ganon katanda!" Reklamo ni kuya Sean na nakapagpatawa sa kanya. "I won't go easy on you." Biglang bulong sa akin ni Sean kaya binatukan ko siya. Bwisit. "Aray!" Inirapan ko na lang siya dahil nawawala ako sa mood. Haaay! Nakakainis! Bahala na nga. I'll just do my best para patunayan kay kuya na nag-improve na ako. Tch.
Actually, narinig ko na iyong pyesa namin. It is High School Musical's Can I have this Dance na nagkataong favorite ko din. What a coincidence really. Kung nagtataka lang naman kayo, iba ang school namin. Kung ang ball ay madalas ginagawa tuwing February 14, or month ng February, dito tuwing December. Sa February 14, babae ang magbibigay nang chocolates or gifts sa lalaki and tuwing March naman, March 13, lalaki naman. It became a tradition. And the Christmas ball is one of the most awaited events ng lahat nang nasa NCT U.
"I bet, na parinig na sa inyo nang iba nating sunbaes ang piece natin, and what is it?" Tanong ni coach.
"Can I Have this dance!" Sigaw nila. Ugh. Wala talaga ako sa mood magsalita ngayon. Nakakainis.
"So, ano pa bang hinihintay natin? Let's start the practice." Bigla namang nagreklamo ang halos lahat nang sinabi iyon ni coach. Ang akala namin ay meeting lang ang magaganap pero bigla niyang sinimulan ang practice. Tch.
Ano pa nga ba? No choice naman ako kung hindi tanggapin na lang ang mga pangyayari diba? Ano pa bang magagawa ko?
Tumayo ako at may biglangn pumasok sa pintuan na isang babae. "This is ma'am Kate. Siya ang makakasama kong magturo sa inyo. Mahirap namang mag-isa lang ako hindi ba?" Tumawa kaming lahat at binati si ma'am Kate.
"Okay, now, face your partners." Sambit ni coach na ginawa naman namin. Syempre ang kaharap ko ngayon ay si kuya Sean na nakangiti sa akin.
"Hindi ka ba nangangawit?" Tanong ko. "Kanina ka pa ngiti nang ngiti diya, may dumi ba sa mukha ko?" I added.
"Huh? Wala naman." He answered. Weird.
"Now, for the first count, you will bow at your partners." Ginawa naman namin ang utos ni coach. "Idedemo muna namin ang first verse." Tumingin ulit kami sa kanila at nagstart na ang music kasabay nang pagsayaw nila. Whoaaa. Ma'am Kate and coach--bagay sila! Kyaaa! Pero what the-- first verses pa lang ang sweet na. It was like inlove sila sa isa't isa. Kitang kita mo sa steps yung teenage love, ramdam na ramdam mo sa vibe. It was beautiful. Gustong gusto ko!
"Okay now, sunbaes--" Laging nagrereact ang mga 'old members' lol kapag tinatawag sila ni coach na sunbaes. "Guide your partners." Humarap ako kay kuya Sean at naging seryoso siya bigla. Una pa lang, hahawakan mo na agad yung kamay ng partner mo. Geez. Okay, gagawin ko na nga!
"Let's try?" He uttered and I nodded. Hinawakan ko ang kamay ni kuya Sean. Hindi ko muna papansinin si ate Erri at kuya Ten. Kailangan kong magfocus. Omg. Ngayon ko lang gagawin 'to. Nagsimulang magbilang si kuya Sean at sinundan ko lang siya. Whoa. I can't believe it na gumagalaw nang kusa yung katawan ko at sumusunod sa bilang niya. Maloko man 'tong bestfriend ni kuya, kapag sayawan na rin ang usapan, nagiging seryoso siya. Makikita mo yung focus sa kanya habang nagtuturo siya.
"Whoa, madali ka naman palang maka-pick up, Hail e."
"Tch. Wag mo nga ako binobola, pareho kayang kaliwa ang paa ko!"
"Naah. I'm sure magaling ang naging coach mo." Pang-aasar niya sa akin. Gusto ba niyang mabatukan ulit?
"Tigilan mo nga ako." He laughed. Gustong gusto niya talagang inaasar ako ha.
******************************
Natapos yung practice namin nang hanggang first chorus. Grabe, talagang iba kapag close to expert yung mga nagtuturo sa inyo. Kailangan kuhang kuha mo na bago pa nila ituro yung mga susunod pang steps.
"Next practice, magdala na kayo ng heels niyo girls para masanay na kayong gumalaw na suot suot yon at hindi na kayo mahirapan." My worst nightmare has came. Hindi pa naman ako pala-suot ng heels! Ugh. Bahala na nga. Bahala na si Lord sa akin. Hindi niya naman siguro hahayaang matapilok ako or what diba? This ball is important, better not sprain my foot or else hindi ako magkakaroon ng chance para umattend. Kinakabahan tuloy ako.
"Hail, tara na?" Nakaalis na halos lahat nang mga members at konti na lang yung natira dito sa dance studio. I nodded at kinuha yung bag ko at sinabayan si kuya Ten papalabas ng studio pero iba ang bumungad sa akin paglabas ko--
"Let's go?" kuya asked ate Erri na naghihintay pala sa kanya. "Ah, Hail, ihahatid muna natin si Erri sa kanila, okay lang ba?" Wow. Just wow. So, magiging chaperone pala ako ngayon? Alalay ganon?
"Ah--hehe--o--okay lang. No problem." I uttered. Wala naman akong magagawa diba?
"Okay! Tara na?" Ate Erri nodded at naglakad na kami papalabas nang campus.
Nauunang maglakad si kuya at ate Erri habang ako sumusunod lang sa kanila. Tuwing magkasama sila, parang ang saya saya nilang dalawa. Ganito na ba talaga sila kaclose lately? Ano bang nangyayari? Ugh! Nakakainis naman eh!
But I guess, kung masaya naman si kuya kay ate Erri, sino ba naman ako para humadlang pa diba? I'm here as his sister. His sister na susuportahan siya lagi. His sister na lagi siyang iccheer.
Yea right, I'm just his sister.
BINABASA MO ANG
Kuya, I love you. | (WayV Fan Fiction)
FanfictionHe's my partner in crime. He's my best friend. He's my kuya and I'm his lover. NCT Series #2 #166 in Fanfiction, #3 in Kilig as of May 16, 2018 Fan art: Irma Lee