twenty-one

5.4K 72 24
                                    


Hail's POV

Sean and I are now both looking at the sea. Walang nagsasalitan sa amin at diretso lang siyang nakatingin sa dagat. Bahagya na rin kaming nakalayo sa iba na ngayon ay nagkukwentuhan na ng kung ano ano doon sa bonfire. 

"I knew it Hail. Ako lang itong ayaw tanggapin." He uttered so I looked at him. Nakalagay na sa bulsa ng pants niya ang mga kamay niya but he's not looking at me.

"Alam kong matagal nang may gusto sa'yo ang sarili mong kuya at ganon ka din sa kanya. Tuwing bumibisita ka sa practice namin at nanonood, I know there's something between the way you look at each other. Hindi man aminin sa akin ni Ten, lagi ka niyang bukambibig."

"When did you start liking me?" I asked. Lagi niya akong inaasar, lagi niya akong kinukulit. We've also known each other for quite a long time dahil tropa nga siya ni kuya. Madalas akong nanonood sa dance practice nila at madalas din siyang nagpupunta sa bahay pero simpleng hi at hello lang yung nagiging conversation namin hanggang sa parati na niya akong inaasar.

"Simula pa lang nung una kang dinala ni Ten sa dance practice." Yes, that was a year a go I think. Kokonti pa lang noon ang members ng dance club. Isinama ako ni kuya sa practice nila at ipinakilala sa lahat. "Nagtama ang paningin natin noon." Bigla siyang tumawa. "Then nginitian mo ako. Damn. Na-love at first sight ako." Natawa naman ako dahil sa sinabi niya. Uso pa ba yon?

"Sorry.."

"Yung nangyari noong isang gabi, I'm really sorry. Hindi ko sinasadya. Wala akong balak na guluhin kayo Hail. I will let you go but I will never forget my feelings for you. You can't ask me to forget about you. Sa oras na saktan ka ni Ten, to the rescue agad ako."

"Pero--"

"I said, hindi mo magagawang hilingin sa akin na kalimutan ang nararamdaman ko para sa'yo. I'm stubborn. Matigas ang ulo ko. Kaya kahit anong gawin mo, walang epekto." Napa-buntong hininga na lang ako sa sinasabi niya. I feel more guilty. "Just.." Tumungo si Sean at nararamdaman kong nasasaktan siya sa sinasabi niya. I can feel it.


"Just be happy Hail." He said. Ngayon, tumingin siya sa akin with a smile on his face. A sincere smile saka naglakad pabalik sa bonfire na parang walang nangyari. All this time, I know Sean as a happy go lucky guy. Makulit, mapang-asar, maloko, masayahin, hindi gagawa ng matino but I was wrong. Unti-unti ko siyang nakilala dahil sa dance club at unti-unti rin kaming naging close. Nandyan siya noong mga oras na akala ko forever heart broken na ako kay kuya. Yung mga oras na naiiyak na ako dahil akala ko si ate Erri at si kuya talaga.

Bumalik na ako sa bonfire at nakigulo doon. The rest of the hours were really fantastic. Hindi namin namalayan ang oras habang nagkukwentuhan kami ng kung ano ano and past 2am na ata kami nakabalik sa kwarto. It was a long tiring day pero sobrang saya.


~*~

Naalimpungatan ako sa narinig kong ingay sa pinto ng kwarto namin. May kumakatok. 5am pa lang ah? Bakit ang aga nilang manggising? Tulog pa ang room mates ko kaya ako na yung nagbukas ng pinto.

"Hail." 

"Kuya?" It was him. Nakajogging pants siya, palin white shirt and a black hoodie at gulo gulo pa yung buhok niya. More like kagigising pa lang din niya. Napangiwi naman siya sakin. What now?

"Anong sabi ko sa bawat 'kuya' na babanggitin mo?" Tch. Naalala niya pa talaga yon ha?

"Kuya naman e. Sa mata ng mga tao dito, magkapatid pa rin tayo. My parents are your guardians. Sa amin ka nakatira. So, kapatid kita." He pouted. How cute.

"Halika na nga, may ipapakita ako sa'yo." 

"Huh? Saan--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil hinigit na lamang niya ang kamay ko. Ni hindi pa ako nakakapagpalit ng damit, nakapajama pa ako at hindi man lang ako nakapagsuklay kaya agad kong inayos na lang yung buhok ko gamit ang mga daliri ko. Err. Saan niya ba kasi ako dadalhin? Mukhang malayo layo na ito sa hotel na tinutuluyan namin ah?

Inalalayan niya ako paakyat ng isang malaking tipak ng bato at nang makatawid kami dito ay ilang hakbang lang ang ginawa namin at bumungad sa akin ang isang napakagandang waterfall. Whoaaaa.


"Whoaa. Ang ganda!" I exclaimed. Ramdam mo yung lamig ng simoy ng hangin na nanggagaling sa falls at tanging huni lang ng mga ibon ang maririnig mo. May ganito pala dito? Bakit hindi namin ito napuntahan? Saka paano 'to nalaman ni kuya? Sobrang refreshing ng feeling kaya ipinikit ko na lang yung mga mata ko at nilanghap yung fresh air na nanggagaling sa lugar na ito.


"Paano mo nalaman ang lugar na 'to kuya? Medyo malayo na 'to sa hotel ah." 

"Research." He winked at me at bigla na lang niya akong hinila upang lumusong sa ilog na karugtong ng falls kaya napasigaw ako.

"Kuya naman e!!!!" Ito pala yung balak niya. Yung mabasa kami! Wow ha. Tinawanan niya lang ako.

"Come to think of it Hail, sabay tayong naliligo dati. Bakit ka pa maa-awkward sa kin?" Tanong niya kaya namula ako ng sobra! Iba yung sitwasyon noong mga bata pa kami kaysa ngayon ano!

"Pervert!" I splashed some water at him na tumama sa mata niya kaya natawa ako. Pfft. Bigla naman niya akong ginantihan kaya napasigaw ulit ako. 

"Kuya!!!" He laughed at me at bigla siyang lumapit sa akin. Now, he's staring at me kaya hindi ko mapigilang umiwas. Look, basa na kami pareho at ewan ko ba pero ang awkward ng sitwasyon ngayon kaya ayokong masyadong malapit sa kanya! Err. Bata pa po ako! Nakakainis naman e.


"When did you start liking me?" Tanong ko sa kanya. Wow, parang kagabi lang natanong ko din kay Sean yan ah but he just shrugged his shoulders. Eh?


"I don't know. Siguro matagal na, hindi ko lang maamin sa sarili ko?" His voice started to become serious. "Noong una kong tapak sa bahay niyo, naiinis pa ako sa'yo noon Hail. Naiinis ako sa lahat. I was blaming everyone, everything, even my self sa nangyari sa mga magulang ko but you.. You knocked on my door and offered me your toy robot. Hindi ka mahilig sa barbie. Laruang robot lang lagi yung nilalaro mo." He chuckled habang nagkukwento. Right. Hindi talaga ako mahilig sa girly stuffs noon. Hindi ko masyadong maalala yon dahil nga bata pa lang ako noon pero alalang alala niya. "That time, I gained my trust for you. Sinabi kong ikaw na yung magiging bestfriend ko at the same time nakababatang kapatid ko. I was limited by my mindset na kapatid kita kaya siguro hindi ko maamin sa sarili kong mas higit ka pa doon para sa akin. Dahil baka lumayo ka sa akin kapag inamin ko sa'yo. I want to protect you. I want to care for you." He smiled at me. Hanep! Grabeng magpakilig ah!




"Ikaw Hail, ngayong inamin ko na sa'yo yung nararamdaman ko, can I hear you say you like me too?" Biglang bumilis at lumakas yung tibok ng puso ko habang nakatitig siya sa akin at nag-aabang ng sagot. Sobrang kinakabahan ako kaya't umahon ako mula sa tubig kaya sinundan niya ako. Gosh, bakit ba hindi ko magawang umamin?! Pangarap ko na 'to dati pa. Ano ba Hail. Pwede ko namang sabihin sa kanyang gusto ko rin siya and we will live happily ever after but something's holding me back. Maybe it's the people na masasaktan ko, masasaktan namin.


I thought kukulitin niya pa ako pero tahimik lang kaming bumalik ng hotel.


At the right time kuya.


Sa tamang panahon. 

Kuya, I love you. | (WayV Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon