eleven

6.5K 93 4
                                    


Hail's POV

Hindi pa rin ako makapaniwala na si kuya yung pumili nitong damit ko. Dumating na din yung araw an hinihintay nang lahat. Ang Christmas ball. Ang bilis ng araw. Isang semester na lang, magcocollege na din ako. Siguro doon na lang ako magcocollege sa NCT U, kasama si kuya.

"Ano Hail, ready ka na ba?" Kuya asked. Kabababa niya lang galing sa kwarto and whoa-- Talaga bang si kuya tong nakikita ko? He's wearing a black coat and tie, ayos na ayos yung buhok niya at sobrang maaliwalas yung mukha niya. He's perfectly fine, looking so good. Grabe.


"Hail?" 

"Huh?"

"Tara na." Syempre hiniram ni Kuya yung kotse ni papa. Himala nga at napapayag niya si papa considering that hindi talaga maganda yung status nang pamilya namin ngayon. Ganon pa rin e, lagi pa ring nagcclash si mama at papa.

Tumango ako sa kanya at inalalalayan niya ako papalabas hanggang sa makasakay ng kotse. Syempre gentleman tong kuya niyo. Lol. Babaeng babae nga ako ngayon dahil sa kanya e. Akalain niyo yun?

Nistart niya ang kotse at pinaandar ito papunta sa school. 

"Excited ka ba?" Tanong niya sa akin. Geez. Kuya driving the car, me sitting beside him, para kaming nasa isang pelikula. Kaming dalawa yung bida. 

"Excited na kinakabahan kuya. Paano kung magkamali ako mamaya?" Isa pa yun. Nakahigh-heels kami. Although nagpractice kami nang nakaheels, kinakabahan pa rin ako. Iba na kapag nasa mismong performance ka na ano.

"Ano ka ba? Napapanood kita kapag nagpapractice tayo, you've improved a lot kaya hindi ka magkakamali. Okay?" Pina---Wait.. Pinapanood niya ako tuwing nagpapractice kami? Did I hear it right?


"I hope so." He looked at me and smiled so I smiled back at him.


Ilang minuto pa nang byahe ay nakarating na kami sa school. Maraming kotse ang nakatigil sa harap ng school ngayon. Yung mga parents ng bawat estudyante, hinahatid sila. Students of NCT U looks stunning tonight. Pero minsan hindi ko maiwasang mainggit sa iba na nagagawang ihatid nang parents nila sa mga ganitong event. Samantalang si mama at papa, busy sa trabaho or di kaya sa pagpapakasaya. Aish.


"What's with that face?" He asked me. "Hail, dapat masaya lang tayo okay?" He smiled at me once again which made me feel better. I nodded. Bumaba siya ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto. Bumaba na rin ako at inoffer nya naman yung kamay niya para i-escort ako. Lol. Natatawa ako hindi dahil sa itsura nya, natatawa ako sa sarili ko dahil kinikilig ako. Feeling ko tuloy kami ang prinsipe at prinsesa sa gabing ito na hinihintay nang lahat. Omg. Ang creepy ko na.

Sinalubong kami ni ate Erri at Sean. Whoa-- Ang ganda ni ate Erri. Isa talaga siyang dyosa. Sobrang ganda nya. Ang sexy pa niya. 

"Wow Hail, hindi kita nakilala. Ang ganda ganda mo!" Ate Erri exclaimed kaya ngumiti na lang ako sa kanya.

"Wow, pwede ka pa rin palang magmukhang tao, Hail." Sambit naman ni Sean kaya inirapan ko siya at tinadyakan. "Aray!" Hmp! Nararapat lang yan sayo!

"Oy kayong dalawa, tama na yan. After ng opening magpeperform na tayo kaya tara na imeet na natin sila."

Sumang-ayon naman kami kay kuya kaya pumunta na kami sa backstage para maghanda. The emcee stood infront of the stage already at nagsimula ang event by a prayer tapos opening remarks mula sa president ng school, as usual.

"I know karamihan sa inyo ay inaabangan silang magperform. Kaya hindi na namin papatagalin ito, with their new members, the NCT Dance Company." After nang introduction na iyon ay nahati sa gitna ang mga estudyante and the dance floor became empty para sa amin. Isa isa kaming pumwesto gaya nang napractice namin at inintay na magsimula ang tugtog.

Can I have this Dance

Original by: High School Musical 3

Take my hand, take a breath. Pull me close and take one step. Keep your eyes locked on mine. And let the music be your guide. Ngayon ko napansin si Sean. He's really different kapag sumasayaw siya. And my body, my body is moving as we practiced. Whoa. Magkatinginan lang kami ni Sean at kusang gumagalaw yung katawan ko. Without making any mistakes. Ganito pala yun. Ganito pala yung pakiramdam nang sumasayaw ka. It was different. I felt happy.  Ngumiti sa akin si Sean kaya nginitian ko rin siya nang maglilipat na nang partner.

 Take my hand, I'll take the lead. And every turn we'll be safe with me. Don't be afraid, afraid to fall. You know I'll catch you through it all . Ngayon, si kuya yung kaharap ko. Nakangiti lang siya sa akin na habang nakatingin sa mga mata ko saying that I'm doing a good job. Geez. Hindi ko maiwasang mapaiwas ng tingin sa kanya dahil ramdam ko yung sarili kong nagbablush. My heart is beating really fast. Kung pwede lang huwag nang matapos itong gabing 'to. 


Let it rain, let it pour. What we have is worth fighting for. You know I believe, that we were meant to be. Bumalik na kami sa original naming partner dahil matatapos na ang kanta. The feeling's magical. Hindi ko maexplain. Para kaming nasa isang fairytale story, kami yung mga prinsipe at prinsesa, tinitingnan nang lahat. Ang magical. Nakakgoosebumps. Can I have  this dance? Can I have this dance? Natapos na yung kanta at nagbow na kami sa audience. Malalakas na palakpak at sigaw ang natanggap namin. Whoaa--I did it! Nagawa ko nang hindi ako nagkakamali! Nagawa ko!  Ang saya sa pakiramdam!


Nginitian ako ni Sean at kuya kaya ngumiti din ako sa kanila. Bumalik na kami sa backstage at ni-congrats kami ni coach. "Congrats everyone! Ni-set niyo yung mood ng Christmas ball! Now, go out there and have fun!" Coach said kaya lumabas na rin kami doon para samahan yung mga kaibigan namin.


"Now guys, pwedeng pwede niyo nang yayain ang mga girls na gusto niyong makasayaw. And mamaya bago matapos ang gabing ito, pipili kami nang magiging King and Queen of the Night and they will have their dance together here sa dance floor mismo. Sa ngayon,  the dance floor is now open! Enjoy!" The emcee announced saka sumunod ang isang sweet na kanta. Yes, hindi makukumpleto ang ball kung walang ganito. 


May tumayo sa harapan ko offering his hand at paglingon ko sa kanya, it was Sean--

"Sayaw tayo." He uttered. Yea, medyo umasa ako na si kuya yun pero nang tumingin ako sa dance floor, magkasayaw na sila ni kuya. Wow--Ang bilis ah.

"Naah. Dito na lang ako. Medyo masakit pa yung paa ko dahil sa kanina e." I answered. Bigla tuloy akong nawalan nang gana. Aish. Hail, you should stop this. Aasa ka na naman eh in the first place, wala ka na ngang aasahan diba? Wala. Wala. Wala. Kaya dapat magmove on ka na. Aish.


"Halika na. Hindi mo maeenjoy ang ball niyan." Hinila na lang niya ako papunta sa dance floor kaya wala akong nagawa. I have no choice kahit ayoko. Aish. Tama nga siguro si Sean. Kailangan kong ienjoy na lang 'tong ball kahit hindi maganda yung mga nakikita ko.



"Wag mo silang tingnan. Sakin ka lang tumingin." He held my chin at iniharap yung mukha ko sa kanya habang nagsasayaw kami. "Ako lang yung tingnan mo ngayon."





"Se--" Hindi ko na naituloy yung sinabi ko. Nakatingin lang si Sean sa mga mata ko. Gusto kong umiyak pero alam kong walang luhang papatak sa mga mata ko. One thing that I only know, sumasayaw na kami ni Sean habang nakatitig lang siya sa akin. Awkward---

Kuya, I love you. | (WayV Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon