Hail's POV
Bumalik kami agad sa office pagkatapos naming bumili ng chips at inumin para sa aming tatlo. Akala ko magtatagal na awkward si Sean at kuya sa isa't isa dahil doon sa nangyari pero siguro nga iba kapag away lalaki. Hindi nagtatagal. Lol.
"We're back--Oh--" Pagpasok pa lang na pagpasok namin sa office ay bumungad sa amin si Sean na nakahiga na sa couch at natutulog.
"Tulog mantika talaga." Bulong ni kuya. "Pero natapos niya." Napangiti si kuya ng nakita niya yung mga brown envelopes na nakapile up na sa mesa at nakaalphabetical order na tulad ng inutos ni kuya.
"Ayos ah." I chuckled. Kahit loko loko yang si Sean, alam ko namang seryoso din siya kapag may mga bagay na iniatas sa kanya or may kailangan talaga siyang gawin. Humarap si kuya sa laptop niya ulit habang kinakain na yung isang chips na binili namin. Tumabi naman ako sa kanya if ever na may maitutulong ako.
"Tayo lang yung makakaalam ng teams. Kaya wag kang maingay sa ibang members." Sambit ni kuya habang nagaayos.
"Tch. Oo naman kuya!" I uttered and he smiled at me.
Ilang oras din kaming nakaharap lang sa laptop habang nag-aayos pa ng ibang requirements. Nag stretch si kuya ng kamay niya at naghikab. Mukhang pagod na 'to. Kanina pa ata siya andito e.
"Okay! Ipapasa na lang natin ito bukas." He grinned at me. Ganong kabilis niya natapos lahat? Whoaaa. Kaya sobrang hanga ako dito kay kuya e.
"Tapos na agad?" Tumango sa akin si kuya at tumayo siya sa upuan niya. "Tara?"
"Huh? Saan?" I looked at him and he was smiling at me. Wag kang ganyan, lalo akong naiinlove sa'yo.
"Magdedate tayo." What?!
"Ano?"
He chuckled. Pinagtatawanan niya ako sa reaksyon ko, aba! Umasa ako doon. "Joke lang. Kakain tayo. Dating gawi." He winked at me. Gash.
"Paano 'to?" Tinuro ko si Sean na hanggang ngayon ay natutulog pa din sa couch. Ang himbing nga e. Hindi man lang nagigising sa usapan namin ni kuya.
"Hayaan mo siya dyan. Malaki na yan, kaya na niya ang sarili niya." Tumawa si kuya kaya natawa na rin ako. Sabagay nga naman. "Ano, tara? Dating gawi, Hail." Kapag sinabi niyang dating gawi, alam ko na yung ibig sabihin nun. Excited ako!
"Game!" Tumayo ako sa upuan ko at isinakbit ang backpack ko sa likod ko. Lumabas kami ng office at iniwan talaga namin si Sean na natutulog dun. Kapag nagising yun, nako. Lagot na naman kaming dalawa ni kuya.
Lumabas kami ng campus at agad na dumiretso sa tent market na laging itinatayo dito malapit sa school tuwing nalalapit ang February at valentines day. Month-long siya. Dito sa tent market na ito, makikita mo yung iba't ibang stalls na may iba't ibang tinda. Karamihan pagkain, street foods, yung iba may mga tindang damit, yung iba naman may mga tindang kung ano anong pang-display sa bahay like vases and antiques. At syempre, dito kami sa mga pagkain.
"Hm! Ang sarap!" Sambit ni kuya. Nitry namin ang japanese cakes na binebenta nila na may iba't ibang fillings. Strawberry, chocolate, cheese. Ang sarap.
BINABASA MO ANG
Kuya, I love you. | (WayV Fan Fiction)
FanficHe's my partner in crime. He's my best friend. He's my kuya and I'm his lover. NCT Series #2 #166 in Fanfiction, #3 in Kilig as of May 16, 2018 Fan art: Irma Lee