Hail's POV
"Hoy ayusin niyo naman! Grabe naman kayo! Bilisan niyo dyan!" Kahit kailan talaga 'tong mga kaibigan ni kuya, masyadong tamad. Paparating na si kuya nako baka mabuking pa ako sa mga plano ko! Actually, nanliligaw na siya sa akin pero hindi ko talaga maalis sa sarili ko yung pagtawag ng kuya sa kanya. Nasanay na kasi ako. Lagi niya akong sinisimangutan kapag tinatawag ko siyang kuya pero anong magagawa ko? Ang hirap kayang alisin nun! Masasanay din ako! In God's perfect time. Sa ngayon, kailangan ko munang magfocus dito sa ginagawa ko. Birthday kasi ngayon ni kuya and it's time for me to surprise him. Lagi na lang siya yung nageeffort para sa akin, kaya ako naman ngayon.
"Aray naman Hail!"
"Bilisan mo kasi diyan! Ang bagal mo!" Sambit ko kay Sean. Mag-aayos na nga lang ng sound system ang bagal bagal pa, hay nako talaga. Katulong ko din ngayon ang mga iba pang members ng NCT dance company pati si coach. Sina kuya Rico at ate Shane at ang iba pang graduate na.
"Iba talaga kapag inlove ano? Ang daming pakulo." Loko ni kuya Rico sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin. Tch.
"Kailan kaya ako magkakaroon ng girlfriend?!"
"Andito naman ako Sean ah?" Sagot ni ate Erri kaya nagkagulo ang lahat at niloko silang dalawa. Yes, naging okay na din ang lahat sa amin ni ate Erri at kuya pati kay Sean. Medyo awkward pa rin si Sean kay Erri dahil hindi naman niya akalain na magkakagusto sa kanya ito pero balita ko may balak na siyang ligawan si ate Erri. Akalain mo yun? Sean and ate Erri? What a perfect combination! Haha!
Biglang tumunog yung phone ko and sobrang nagpanic ako ng mabasang si kuya na yung nagmessage sa akin.
Babe, malapit na ako. Ano bang surprise yang sinasabi mo? Intayin mo ako sa gate.
Cringe. Hilig niya talagang tawagin akong babe! Ako yung naiilang e! Sheez.
"Guys, stand by! Malapit na daw si kuya! Iintayin ko na siya sa gate, tapos pipiringan ko. Alert kayo ha!"
"Yes ma'am!" Nagsalute silang lahat sa akin kaya napailing na lang ako. Lumabas na ako ng bahay and waited for his car. Yes, he's driving a car now. Tinutuloy ni kuya ang pag-aaral niya dito sa NCT U dahil two years lang naman siya doon sa Thailand. Ilang minuto pa ay dumating na si kuya. Niyakap ko siya pagkababa niya pa lang ng kotse sabay lagay ng blindfold sa kanya.
"Hail! What is this?! Teka lang hoy!"
"Basta kuya! Wag kang magulo! Sumunod ka lang sakin!"
"Hail ah, wag mo akong biruin ng ganyan, baka makaganti ako." Nye nye. I don't care. Ang mahalaga ngayon ay yung surprise kuya.
"Basta kalma ka lang kasi dyan kuya." Dahil nga medyo matangkad sya kesa sa akin, nagt-tiptoe pa ako para lang maalalayan siya sa paglalakad. Dahan dahan kong binuksan yung pinto ng bahay kung saan sila nakatira ni papa ngayon. Nga pala, nasa Thailand ngayon si papa at si mama naman busy sa business niya. Bumilang ako ng 1, 2, 3 at tinanggal yung blindfold ni kuya sabay--
"SURPRISE!!!!!!!" Sigaw ng mga kasamahan namin. Napa-face palm si kuya dahil sa nakita niya. Kumpleto ang tropa niya pati ang mga ka dance company niya na matagal na rin niyang hindi nakakasama dahil sa sobrang kabusy-han.
BINABASA MO ANG
Kuya, I love you. | (WayV Fan Fiction)
FanfictionHe's my partner in crime. He's my best friend. He's my kuya and I'm his lover. NCT Series #2 #166 in Fanfiction, #3 in Kilig as of May 16, 2018 Fan art: Irma Lee