twenty-four

5.2K 78 17
                                    


Hail's POV

Ilang araw rin akong hindi nakatulog ng maayos dahil sa narinig ko noon sa cubicle nang isang araw. Kaya pala tuwing nagpapractice kami, laging nakadikit si ate Erri kay kuya. Dati akala ko wala lang yun pero may iba pala siyang purpose sa paglapit lapit niya sa taong gusto ko. Ano namang laban ko sa kanya? Still, mas matanda siya sa akin, upperclassmen ko sila. Hindi ako makakapagsalita nang basta basta. Ang hirap kasi sa'yo hindi ka marunong magalit. Yes, lagi yang sinasabi sa akin ni kuya. Naaasar lang ako, naiinis pero hindi ako marunong magalit. Hindi ko magawang magalit. Lalo na ngayon. I don't know why. Kakatapos lang ng performance namin para sa opening ng foundation day ng school at kakatapos lang din ng riboon cutting ng booths. 

"Ready na kami!" Sumulpot si kuya, Sean, Josh at Rico na may suot suot ng placard na FREE HUGS. Pfft. 

"Aba, aba, mukhang excited na excited kayo ha?" Sambit naman ni ate Shane. Nakangiti nang nakakaloko kasi yung apat. Tch.

"Syempre naman no! Maraming chixx e!" Sagot ni kuya Rico na proud na proud pa kaya lumapit si ate Shane kay Rico at hinila ang isa niyang tenga kaya naman napasigaw si kuya Rico. 
"Aray! Arayyyy! Shane naman! Joke lang e!"

"Akala mo ba pumapayag ako diyan sa free hugs na yan?! Kung hindi lang dahil kay coach e!" -ate Shane

"Sorry na kasi Shane! Hindi naman kasi madaling maging gwapo e. Kung alam mo lang! Hayaan mo, mamaya, hindi lang hug yung makukuha mo." He smirked at ate Shane kaya mas hinila pa niya at pinikot ang tenga nito.

"Araaaaaaaaaay! Shane tama na!" Hahahaha! Natawa kaming lahat dahil sa dalawang eto. Ate Shane and kuya Rico are long term couples. Simula first year highschool, sila nang dalawa hanggang ngayon na graduating na sila. Ahead si kuya Rico at ate Shane kay kuya ng one year. Sila ang pioneer batch ng NCT Dance company. Sobrang cute nilang dalawa at bagay na bagay sila. Nakakatuwa nga e, ang tatag nila. Amazona si ate Shane at syempre under si kuya Rico kay ate Shane. Hahaha. Joke lang. Sobrang nakakatuwa lang silang tingnan lagi. Ang sweet sweet nila.


"Ang sweet ni Rico at Shane diba?" Lumingon ako sa nagsalita sa tabi ko. Si kuya Ten na may suot suot na malaking placard na free hugs. "Nakakainggit naman sila." Itinaas niya yung kamay niya at akmang ilalagay sa balikat ko kaya agad akong umiwas. Akala mo hindi ko mapapansin ha.

"Umayos ka kuya ha." Naiilang ako sa kanya ngayon dahil sa nalaman ko. 

"Maayos naman ako ah! Wag kang mag-alala Hail, hindi ko sila yayakapin fully. Ganito lang oh." He wrapped his arms around me pero hindi magkadikit yung katawan namin. Yung yakap na hindi talaga yakap? Alam niyo yun? Basta yun! Tiningnan ko siya ng masama kaya magkalapit na yung mukha namin. He smiled at me. "Ganito ba Hail?"

"Kuya--" Hindi na ako nakapagsalita dahil kumaripas na siya ng takbo papalayo sa booth para magikot sa school then I realized what he did.


He kissed me on my cheek. A smack. Sobrang bilis ng pangyayari na hindi ko namalayang ginawa niya yun. May nakakita kaya?! Wait, totoo ba talaga yung ginawa niya? Hindi ba talaga ako nananaginip?! 


"Miss? Miss?"

"Huh?" Natutulala na pala ako.

"Maglalaro kami, eto bayad oh." 

"Huh? Ah, sige po." Inabot ko yung sukli nila at ni-start ko yung dance mat para sa kanila. Ako ang naatasang magbantay dito kasama si ate Shane e.

Kuya, I love you. | (WayV Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon