twenty-eight

4.5K 67 5
                                    


Ten's POV

"Nasan ka na?"

"Nasa kabilang kalsada na ako Ten!"

I looked at the other side of the road at kumaway kaway sa akin si Erri that's why I waved back to her. Nagpapasama siya kasi siya sa pag-aaply niya for OJT. Interview niya ngayon at kinakabahan daw siya. I have nothing to do so I accompanied her.

Hinintay ko siyang makatawid. Days had passed. Madami na ring bagay ang unti unting nagbago. I was studying the business tulad ng gusto ng papa ni Hail para sa akin. I found it interesting. Noong una, ayokong mainvolve sa mga ganoon pero as soon as mabawi ko si Hail, kailangan kong patakbuhin ng maayos ang business nila dahil soon magiging samin na rin yun. I never gave up on Hail. Lie low lang ako ngayon habang inaayos ang lahat. I hope I will get a chance to talk to her again. Lagi silang magkasama ni Sean e. Alam kong masama pa rin ang loob nya sa akin. I can't blame her. I'm a coward. 

"Oh my gosh, kawawa naman yung babae!"

"Anong nangyari sa kanya?!" 

"Huy yung babae tulungan niyo!" Nilingon ko ang kabilang kalsada kung saan nagkumpulan na ang mga tao. Sht. Agad akong tumakbo papalapit sa aksidente at hindi nga ako nagkamali. It was Erri.

"Erri, okay ka lang?!" Nilapitan ko siya na namimilipit sa sakit at hawak hawak yung binti niya. Sa tabi naman niya ay ang driver ng motor na nakabangga sa kanya. 

"Tumawag na po kayo ng ambulansya!" Sigaw ko. Kumapit si Erri sa sleeve ng damit ko kaya't hinawakan ko yung kamay niya.


"Huwag kang mag-alala Erri. Parating na yung tulong." Wala pang ilang minuto ay dumating na yung ambulansya. Binuhat nila yung driver ng motor at binuhat ko naman si Erri pasakay ng sasakyan. Hindi malala naman malala yung nangyari pero umiiyak sa akin si Erri. 


"Shh." I understand her. This was supposed to be her interview for the OJT pero hindi niya inaasahan ang mga nangyari. She was at the state of shock kaya ang tanging nagawa ko na lang ay yakapin siya at icomfort. 

**********

"May fracture lang sa binti niya at kailangan niyang magsuot ng cast for at least a month. Other than that, wala na."

"Thank you doc." Pagkatapos ng ilang mga test ay nakatulog si Erri. Hindi niya pa alam yung nangyari sa binti niya. Aish. I'm sure mas lalo siyang malulungkot kapag nalaman niya. Habang tulog pa siya, inayos ko na rin yung papers na kailangan sa ospital at tinawagan ko na rin yung mga magulang niya. I also need to go at the police station dahil kailangan nila ng statement sa witness, which is ako. Ako pa yung ginawa nilang witness eh hindi ko nga alam kung ano ba talagang nangyari. I spaced out nang mga oras na yun.



"Anak.." Dumating ang mama ni Erri kaya binati ko siya agad.

"Okay na po siya, wala na po kayong dapat ipagalala." I uttered. Her mom held my hand.

"Thank you iho. Maraming salamat."

"Wala pong anuman. Erri's always been a good friend to me." She smiled at me. "Mauna na po muna ako, kailangan ko pa po kasing pumunta sa police station."

"Sige, salamat ulit iho ah." I smiled at her at tahimik na umalis para iwan silang dalawa ni Erri. Anytime naman siguro magigising na si Erri.

Kuya, I love you. | (WayV Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon