Hail's POV
So dahil decided na talaga akong mag-audition sa NCT Dance Company, after class ko, diretso agad ako sa dance studio pero pagdating ko dun, ang daming tao, ang haba ng pila. First day of auditions pa lang, ganito na kadami? Waaaaa. Ano ba naman yan!
"Excuse me po, padaan." Ipinagsisiksikan ko yung sarili ko sa mga taong nakapila para matanaw si kuya Ten. Ayun siya! Kumaway ako para mapansin niya. Kuya, pansinin mo ako! Hindi naman nagtagal ay lumingon din siya at lumapit. Hinila niya ako bigla papasok ng studio.
"Grabe, first day pa lang, ang dami na agad mag-aaudition?" Tanong ko at saka umupo sa sahig. After auditions kasi, saka ako tuturuan ni kuya. Syempre, kailangan niya munang magfocus sa audition. Isa siya sa judges e. At ayun pa yung isang pressure sa akin, kailangan ko talagang makinig sa kaniya dahil babatukan niya ako kapag nagkamali ako sa audition ko!
"Watch and learn Hail." Sabi sakin ni Kuya Ten. Oo na! Manunuod na nga po! Sana matapos agad yung audition para makapagfocus na si kuya Ten sakin. Huhu. Tch. Ano bang sinasabi mo Hail? Focus nga diba. .___.
Umupo na si kuya sa tabi ni kuya Sean at nung coach nila, sila yung judges para sa audition. Tinawag nila yung unang magaaudition and nagsimula na ang tugtog niya. Whoa. Una pa lang to pero ang galing niya.
"Good job. Next." Iyan ang nasabi ng judges sa kaniya. Waaa. Kailangan ko na bang matakot? Aatras na ba ako?
"Next." Next, next at isa pang next. Kung may mga magagaling, syempre may mga mukhang kawayan na sumasayaw din. Tch. Grabe naman ako kung makalait, paano kung ganyan din ako sa audition ko? Waaa. Ayoko na ata? Aatras na ba ako?
Hail, ano ba. Andito ka na, wag kang aatras. Malay mo naman. Opportunity mo na 'to para makasama ng matagal si Ten no!
*************************************
"That's it for today. Good job guys! Bukas ulit!" Sambit ng coach nila. Ang tagal nung audition, inaantok na nga ako e, pinipigilan ko lang dahil baka mapagalitan ako ni kuya.
"Hail..Hail.. Huy!"
"Huh?" Napapikit na pala ako dahil ang tagal kong nag-intay.
"Let's start." Nakatingin sa akin si kuya Ten. Waaa. Ang lapit ng mukha namin sa isa't isa. I can't! Feeling ko sasabog ang puso ko! Inilibot ko ang paningin sa studio, wala na sila. Kami na lang ni kuya Ten yung natira dito. Kaming dalawa na lang. Omg.
"Ah--oo.." Lumapit siya sa music player and speaker at isinaksak yung phone niya doon. Tumayo na din ako at tumabi sa kaniya. Kami lang dalawa dito ni kuya Ten? Omg talaga. As in omg. Kumalma ka lang Hail ha, kailangan mong magfocus.
"Mag warm up muna tayo." Ginaya ko lang yung ginawa niya habang nagbibilang siya. Omg. He's only wearing a plain white shirt and jogging pants pero ang cool niya tingnan. Ganito na ba talaga kalakas ang tama ko kay Kuya Ten? Pero ang manhid niya e. "1..2...3...4...5...6...7..." Hindi niya man lang napapansin na kaya ako nag-aayos para sa kaniya. Kaya ko pinagbubutihan yung pag-aaral ko para maging proud din siya sa akin. Saka kaya nga ako napasok dito sa audition na to para makasama siya diba. Ang man--
"Hail.. Anong ginagawa mo?"
"Ah..So--sorry." Tsk! Ano ka ba naman Hail, warm up pa lang mukhang umiinit na ang ulo sa'yo ng kuya mo! Ugh. Paano ba naman kasi, ang hirap magfocus kapag ganito yung kasama mo diba? Ikaw ba, makakapagfocus ka pa kapag si crush na yung kasama mo, hindi diba?
After warm up, initigil niya yung music. "Now, we will start from the first step. Magfocus ka okay?" Nakakatakot pala si kuya Ten! Kapag dancing talaga, sobrang seryoso niya. Hindi siya yung Ten na pala-ngiti, makulit at mapang-asar. Nawawala yun. Nakakatakot siya. Nagbilang ulit siya at sinubukan ko itong sundan pero omg. Ang hirap pala talagang sumayaw! Waaaaa. Paano na 'to?
"Relax Hail okay, ganito." *gulps* Hinawakan niya yung kamay ko at ni-guide niya ako kung paano igagalaw ito. Waaaaa. Tatalon na ata yung puso ko dahil ang lapit namin ngayon sa isa't isa. "Gets?"
"Ahh. O--oo."
"Now, gawin mo nga." Ginawa ko yung unang tinuro niya. He nodded. yes! Pasado na ba ako? Hahaha!
"Sa paa naman tayo." May ginawa siyang footwork. Ano yon? Paano yun? Waaaaa. Huhu. Ayoko na, hindi ko gets! "Ganito." Binagalan niya. Haaays! Ano ba tong pinasok ko?
***************************
"Ha! Nakakapagod!" Wala pa ata kami sa kalahati ng routine pero sobrang pagod na ako. Hindi biro ang magsayaw mga bes. Feeling ko mangangalas yung mga buto ko.
"Ha! Nakakapagod!" Umupo din si Kuya Ten sa tabi ko habang nagpupunas ng pawis niya. Ginagaya ba ako nito?
"Ginagaya mo ba ako kuya?" Tumingin siya sa akin.
"Ha? Hindi ah! Ang ibig kong sabihin, nakakapagod kang turuan Hail."
"GRABE KA SAKIN!" Ouch ha! Grabe sakin to. Huhu. Sapakin niyo nga! Bigla naman siyang tumawa.
"Hahaha! Joke lang! Akin na nga yan!" Huh? Inagaw niya sa akin yung towel ko at lumapit na naman siya sa akin. Naramdaman ko yung kamay niya sa likod ko. Waaaaaaaaaa.
"Baka magkasakit ka." Pinunasan niya yung likod ko? Omg. Ano na! Nakakahiya! Omg talaga. Ano ba. Huhu. Kinikilig ako sa ginagawa niya e.
"Ayan okay na." Inilagay niya yung towel sa likod ko at nakangiti siya sa akin pag harap ko. Ano baaaaaa.
"Ako naman!" Inagaw ko yung towel niya at inilagay ito sa likod niya. Lord, sana po ganito na lang lagi. Huhu. "Ayan."
"Thank you." Ginulo naman niya yung buhok ko at tumayo. "Magpalit ka na rin ng damit. Uwi na tayo." He said.
Tinitigan ko siya habang papalayo papunta sa CR.
Bakit sobrang caring mo sa akin?
Lalo tuloy akong nafa-fall.
BINABASA MO ANG
Kuya, I love you. | (WayV Fan Fiction)
Hayran KurguHe's my partner in crime. He's my best friend. He's my kuya and I'm his lover. NCT Series #2 #166 in Fanfiction, #3 in Kilig as of May 16, 2018 Fan art: Irma Lee