Hail's POV
Natapos ang ilang kanta, napagod na yung paa ko kaya naupo na kami ni Sean. Aish. Napabuntong hininga na lang ako dahil lumalalim na yung gabi pero hindi pa rin ako nagkakachance na makausap si kuya.
"Sean, pwede ba tayong sumayaw?" Napalingon ako sa babaeng lumapit kay Sean and it was--Wait, ate Erri? Niyayaya niya si Sean sumayaw? Teka, tama ba yung narinig ko?
"A-ako?" Tinuro pa ni Sean ang sarili niya. Maging siya, hindi siya makapaniwala. "O--okay." Tumayo si Sean at pumunta sa dance floor kasama si Ate Erri. Bilang isang lalaki, at babae ang nagyaya sa'yong sumayaw, hindi ka makakatanggi dahil nga nakakababa ng pride ito para sa girls. Ate Erri and Sean?
"I guess, nagkaroon na din ng lakas ng loob si Erri." Eh? Nilingon ko si kuya na umupo sa tabi ko. Nakangiti siya habang pinapanood yung dalawa. What? Ano daw? Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Alam mo bang kaya sumali si Erri sa dance club ay dahil kay Sean?"
"Eh?" Tangin yan lang ang mga salitang lumabas sa mga bibig ko. Buong akala ko--
Tumango si kuya. "Nilapitan niya ako dahil gusto niyang makaclose si Sean pero hindi niya alam kung paano. Kaya tinutulungan ko siya at binibigyan ng advice." What--Ano ba Hail, nagseselos ka for nothing! "Gusto na niyang sumuko pero inencourage ko siyang sabihin kay Sean yung nararamdaman niya." Omg.
"I know Sean will like Ate Erri. Hindi naman mahirap magustuhan si ate Erri. Maganda, matalino, mabait, talented. Nasa kanya na lahat." I uttered.
"Alright everyone!"
Nakuha nang emcee ang atensyon nang lahat. Tumigil ang music at nagsibalikan sa kanya kanyang upuan ang ibang estudyante. "Ngayon ay iaannounce na namin ang King and Queen of Night. Grabe, nahirapan kaming lahat sa paghahanap at pagdedesisyon dahil sobrang gaganda at gagwapo niyo ngayong gabi but, King and Queen should only be a pair right? And this pair really stood out tonight!"May binasa siyang card na dala dala niya sa stage at tahimik ang lahat na nakikinig. Anticipating. "Everyone, our King and Queen for this year's Christmas Ball is, Mr. Sean Rodrigo and Ms. Erriza Mendez!" Lumingon ang lahat sa kanilang dalawa at nagpalakpakan. I knew it. Alam kong sila ang mapipili dahil bagay sila para sa isa't isa. Siguro may nararamdaman din si Sean kay ate Erri, hindi niya lang sinasabi. Nako, lagi niya akong inaasar siguro para itry kung magseselos si ate Erri! Ginamit pa talaga ako ah!
Pumunta si ate Erri at Sean sa center stage at kinoronahan sila at sinuotan ng sash. Nagsimula ang sweet na tugtog. "And now, for their first and last dance together." Humarap sila sa isa't isa at nagsimulang magsayaw. Their steps and movements are little and their eyes are staring at one another. Nararamdaman ko yung saya sa mga mata ni ate Erri. I wonder how much she likes Sean. Sana may lakas din ako ng loob na aminin ang nararamdaman ko sa taong gusto ko.
"Sayaw tayo." Nakatayo sa harapan ko ngayon si Kuya. He's offering his hand and smiling. Totoo ba 'to? Niyaya na niya akong sumayaw? Magiging last dance ko si kuya? First dance is important pero mas importante ang last dance! Wait. Am I dreaming?! Ako ang gusto niyang maging last dance? "Hailah." He called me by my name. Ngayon lang ulit to, hindi ko na naririnig na tinatawag niya akong Hailah. Noong lumalaki pa lang kami nang magkasama, Hailah ang tawag niya sa akin hanggang sa naging comfortable na siya at naging Hail. Ngayon niya lang ako ulit tinawag nang ganito.
"Sure." Inabot ko ang kamay niya at dumiretso kami sa dance floor habang tumutugtog ang isang sweet na kanta sa background.
BINABASA MO ANG
Kuya, I love you. | (WayV Fan Fiction)
FanfictionHe's my partner in crime. He's my best friend. He's my kuya and I'm his lover. NCT Series #2 #166 in Fanfiction, #3 in Kilig as of May 16, 2018 Fan art: Irma Lee