Hail's POV
"Sakay." Nakaluhod ng patalikod ngayon sa akin si kuya at si Sean, halos pinagtitinginan na kami ng lahat. Waaaa. Ano bang gagawin ko?! Kapag pinili ko si Sean, alam kong maga-assume siya at masasaktan ko si kuya. Kapag si kuya naman pinili ko, ayoko rin namang masaktan si Sean. Wow ha, parang k-drama lang. Ano ba? Anong gagawin ko? Kapag minamalas ka nga naman kasi, ngayon ka pa nasprain.
"Hail, tara na." Hinawakan na lang ako bigla ni coach at isinakay sa likod niya, leaving Ten, parang ang awkward nang tawagin siyang kuya lalo na't umamin siya sa kin kagabi. Waa. Umamin siya sakin? Seryoso ba talaga siya dun? and Sean, stunned, watching us. Hindi na iba sa akin at sa amin si coach. Para na rin namin siyang kuya kaya walang kaso ito sa akin. Hindi ako naiilang. Wew. Coach saved me from those two.
"Ang haba ng hair ah." Sambit ni coach habang patuloy kaming naglalakad at inaakyat ang matarik na daan patungo sa tuktok ng bundok.
"Coach naman!"
"Hmm. Sino kaya ang mananalo? Sino kaya ang pipiliin mo? Mahal mo o mahal ka?" Tumawa si coach sa tanong niya. Err. Mapang-asar din 'tong si coach e! Pero teka, paano niya nalaman? Aba chismoso 'tong si coach!
"Sir, paano niyo po nalaman?" Mas lalong lumakas ang tawa ni coach sa tanong ko.
"Hay nako Hailah. Coach niyo ako at parati niyo akong nakakasama. Alam ko na lahat ng mga kilos niyo. Alam ko na sa bawat tingin mo kay Ten, gusto mo siya. Iba mo siya tingnan e. At ganun din siya sa'yo. Nararamdaman kong higit pa sa magkapatid ang turingan ninyo. At ito namang si Sean, halatang halata ko ring may gusto siya sa'yo. Ang komplikado talaga ng buhay pag-ibig ng mga kabataan ngayon." Pfft. Signs of aging ba kamo?
"Coach, chismoso."
"Hindi ako chismoso. Sadyang observant lang." Eh? Ganun na rin yun e.
"Pero coach, ano bang dapat kong gawin? Mukhang alam naman ni Sean na gusto ko si kuya Ten pero nagmamaang-maangan lang siya."
Huminga nang malalim si coach bago niya ako sagutin. "Kapag mahal mo ang isang taong may mahal na iba, magmamaang-maangan ka talaga Hailah."
"Pero--"
"Sabihin mo sa kanya ng diretso. Pinili niyong magmahal kaya asahan niyong masasaktan at makakasakit kayo sa mga desisyong gagawin ninyo. Kakambal na ng love ang hurt, iha." Wow ha, ang lalim nun.
"May isa pa akong problema coach."
"Ano yun?"
"Si Ate Erri kasi.."
"Mukhang si Ten naman ang gusto niya ngayon?" Aba, chismoso talaga 'tong si coach. Tumango na lamang ako. Naalala ko na naman yung nakita ko.
"Si Ten ang makakatapos niyan. Kung gusto ka talaga niya, agad niyang puputulin ang anumang koneksyon ni Erri sa kanya." Sabagay nga naman.
"Waaaaaaaa! Ang ganda!" Sigaw ng mga co-members ko. Hindi ko namalayang nandito na pala kami sa tuktok ng bundok dahil sa pakikipagusap ko kay coach. Ang ganda! Ibinaba ako ni coach para maupo sa isang malaking tipak ng bato.
"Guys! Malapit nang sumikat ang araw!" Napako ang tingin namin sa kalangitan kung saan sisikat ang araw. Ang sabi nila, pwede ka daw humiling sa sunrise.
"3...2....1... WHOAAAA." Kasabay ng mga sigaw namin ay sinalubong kami ni haring araw na sobrang liwanag, nakakasilaw pero ang ganda. Nabalot ng orange na kulay ang kalangitan habang unti-unting tumataas ang araw. Parang nagslow-motion ang paligid naming lahat. Pumikit ako at nagsimulang magwish. Sana maayos ang lahat. Sana gusto nga talaga ako ni kuya. Sana hindi lang 'to isang panaginip. Iminulat ko ang mga mata ko after kong magwish pero may isang nakaharang sa view ko.
BINABASA MO ANG
Kuya, I love you. | (WayV Fan Fiction)
FanfictionHe's my partner in crime. He's my best friend. He's my kuya and I'm his lover. NCT Series #2 #166 in Fanfiction, #3 in Kilig as of May 16, 2018 Fan art: Irma Lee