Hail's POV
Hindi ako makapagsalita habang naglalakad kami dahil ang saya saya ni ate Erri at kuya na nagkukwentuhan. Haay. Lumayo na nga lang ako ng konti sa kanila para hindi ko marinig yung kwentuhan nila e. Baka naman kasi masaktan lang ako mahirap na.
"Ten, dito na lang ako. Salamat." Tumigil kami sa paglalakad.
"Are you sure?" kuya asked. Wow ha, gusto pa atang ihatid mismo sa bahay nila?
"Yes. Malapit na rin naman yung bahay namin dito."
He nodded. "Okay."
"Okay. Ingat kayo. Bye Hail." She smiled at me kaya nginitian ko rin naman siya. "Ten, yung usapan natin okay?" Biglang tumawa si kuya. What is that?!
"Yea. Sure." Hoy--ano yon?! Nagtatago na sila ng sikreto sa isa't isa?! Parang ilang beses pa lang silang nagkakasama, ganon na sila kaclose? Well, although magkaklase nga sila, sabi naman ni kuya hindi niya gaanong nakakausap si ate Erri ah? Bakit ganito? Ano tong nakikita at naririnig ko?
"Okay, I have to go." She smiled at saka siya naglakad paalis. Tch.
"Oh, bakit ganyan kang makatingin Hail?" Tanong sa akin ni kuya kaya binago ko agad yung expression ng mukha ko.
"Huh? Anong makatingin? Wa--wala ah." He just shrugged his shoulder at ginulo yung buhok ko like he always do and he started walking again with his hands on his pocket kaya sinundan ko siya at sinabayang maglakad.
"Anong usapan niyo yun ni ate Erri?"
He looked at me and smiled. "Curious ka?" Duh! Itatanong ko ba kung hindi?!
"Hi--hindi naman."
"Malalaman mo rin yun." And he winked at me. Nakakainis ha! Minsan iniisip ko na lang na sana hindi na kami naging magkapatid, alam niyo yun?! Baka may chance pang maging kami in the end! Aish. Ano ba tong iniisip ko?
****************************************
"Yo partner!" Bwisit. Ang lakas lakas niyang sumigaw nakakainis! Nasa hallway pa naman kami kung saan ang daming makakarinig sa amin. Ugh. Bigla niya akong inakbayan pero inalis niya agad yung kamay niya sa balikat ko nang tiningnan ko siya ng masama. Mahirap na no, baka kung anong isipin nang mga tao sa amin.
"Ang ingay mo, alam mo yun?" Sambit ko sa kanya habang sabay kaming naglalakad papunta sa cafeteria.
"Maingay naman ako lagi e." He uttered. "Maglalunch ka na ba? Sabay na tayo!" Tch. Ano namang nakain nito at gustong sumabay sa aking kumain. "Wala ka namang kasabay diba? Diba?" Yes, actually wala akong kasabay ngayon dahil absent yung dalawa kong magaganda at magagaling na kaibigan. Hindi ko alam kung bakit nagsabay pang umabsent yung dalawang yun. Although madami naman akong pwedeng sabayan na mga kaklase namin, mas pinili ko na lang mag-isa ngayon.
"Sorry pero gusto kong kumaing mag-isa!" I exclaimed at inirapan siya pero sinundan niya pa rin ako. Tch.
"Whoa whoa. Ang sungit naman nito. Sasabayan na kita kumain okay? Masamang kumain nang mag-isa. Iisipin nilang loner ka, sige." Tch. Mas gugustuhin ko pang isipin nilang loner ako kaysa naman tawagin nila akong malandi. Sean is also one of the popular guys dito sa NCT U kaya posibleng dumami ang haters at bashers ko kapag nakita nila kaming magkasama nitong lalaking to. Pero ano pa nga bang magagawa ko, nagpupumilit siya e.
BINABASA MO ANG
Kuya, I love you. | (WayV Fan Fiction)
Hayran KurguHe's my partner in crime. He's my best friend. He's my kuya and I'm his lover. NCT Series #2 #166 in Fanfiction, #3 in Kilig as of May 16, 2018 Fan art: Irma Lee