Hail's POV
Amazing race was fun! May iba't ibang stations ito kung saan may iba't ibang challenge. Una kaming napunta sa 'sack-race-with-a-twist' kung saan bago ka sumuot sa sako, kailangan mo munang umikot ng 10 seconds. Sobrang nakakatawa dahil yung iba samin mahilo hilo pang tumatalon papunta sa finish line. Pfft. Sunod sa pinakapaborito kong station ay ang 'reach-for-the-stars' kung saan may aabutin kang paper cups pero hindi dapat lalapat ang mga paa mo sa linya. Tulungan kami para hawakan ang isa naming member sa paa. Hahaha. Ang saya! Hindi man kami ang nanguna sa amazing race, sobrang saya dahil nabuo talaga yung teamwork naming lahat. Mas naging close kami sa isa't isa.
Hapon na nang matapos ang amazing race, almost evening na din. Nakakaramdam na kaming lahat ng pagod kaya binigyan kami ng free time after ng dinner namin. Lumabas ako ng room namin at naglakad lakad lang sa tabing-dagat. I really love this kind of vacation. The cold air lingering on your skin with the noise of the water from the ocean, it makes me relax. It's really calming.
Sa hindi kalayuan, naaninag ng peripheral vision ko ang dalawang tao na naguusap. Napalingon ako sa kanila and it was ate Erri and kuya. Mukhang seryoso yung pinaguusapan nila. Ate Erri was rejected by Sean. I know, ate Erri is a nice person pero hindi ko mapigilang mag-isip. Paano kung madevelop siya kay kuya? Hindi malabo yun dahil sino ba namang hindi magkakagusto kay kuya diba?
Pinagmasdan ko silang dalawa. They look good together. Until..
She kissed him. wth. Anong 'tong nakikita ko?! I managed to turn my back on them pero nangangatog yung mga tuhod ko and then I realized, tumatakbo na ako pabalik ng hotel namin, crying. Parang dinudurog yung puso ko. Hindi ako makahinga. Anong nangyari? May hindi ba ako alam? Why would she kiss him? So, tama ang hinala ko? No, it can't be.
"Hail--" Nabunggo ko si Sean pero hindi ko inaangat ang ulo ko para tingnan siya. "Hail, anong nangyari? Okay ka lang ba?" Hinawakan niya ang magkabila kong braso. He leaned on me para makita ang mukha ko ng ayos. Hindi ko mapigilang maiyak. Ang sakit.
"Hail, sagutin mo ko!" Napahagulhol ako sa kanya at saka niya ako niyakap. Hindi ko alam pero nasasaktan ako. Sobra. "Sshhh. I'm here." Bulong ni Sean. I cried all I want. Iniiyak ko sa mga balikat niya yung sakit na nararamdaman ko. And he never left me. Hindi niya ako binitawan hanggang sa maging okay ako at tumahan ako. If only I could have a change of heart, gagawin ko. Si Sean na lang sana. Pero hindi e.
Inihatid niya ako sa kwarto ko. "Are you sure you are already okay?" Tumango ako at ngumiti sa kanya. I will never be okay.
"Sige na, gusto ko nang magpahinga." I responded and he sighed after that, tinitigan niya ako sa mga mata ko. I tried to avoid his eye contact pero huli na ang lahat because he kissed me on my cheek. What. Itutulak ko na sana siya nang bigla siyang bumagsak sa sahig. Then, I saw kuya standing in front of us, habang nakakuyom ang kamao niya. He looked furious. Tumayo si Sean at kinuwelyuhan siya agad ni kuya.
"What do you think you are doing Sean?!" I need to stop this. "Pinaglalaruan mo ba si Hail?!"
Sean smirked. "Ano bang pakialam mo? Do you even care? Bakit ka ba nangingialam?"
"Cause she's my sister!"
"Really? Sister lang ba talaga huh dude? Ano?!" Biglang iniangat ni kuya yung kamao niya kaya napasigaw ako.
BINABASA MO ANG
Kuya, I love you. | (WayV Fan Fiction)
FanfictionHe's my partner in crime. He's my best friend. He's my kuya and I'm his lover. NCT Series #2 #166 in Fanfiction, #3 in Kilig as of May 16, 2018 Fan art: Irma Lee