twenty-two

5.7K 101 8
                                    


Hail's POV


After having that breakfast, nag-ayos kami ng mga gamit namin and we traveled back to the city, pauwi ng kanya kanya naming bahay para magpahinga. Sobrang nakakapagod pero masaya. I've never experienced something simple yet spectacular as that team building. Masaya ka nang kasama mo sila kahit nagkukwentuhan lang kayo. They've already grown as a family to me, tulad ng nararamdaman ni kuya sa kanila. 

"Malapit na ang foundation day natin. At tulad ng nakagawian ng school, every department and organizations ay magkakaroon ng booths. Since malaki ang population natin, the officers will be the one in-charge of our booth. And others may help on their respective organizations' booths. Are you all excited?" Sumigaw ang lahat ng 'yes' dahil isa rin ang foundation day namin sa pinaka-aabangan ng lahat. This is a five day event kung saan walang klase, walang school works, puro fun, excitement at kung ano ano pa. Maraming booths at syempre pagandahan ng booths 'to dahil sa huli, may award ang top 3 na pinakamaganda at pinakamabentang booths. Lahat nageeffort dito dahil sa amin din naman mapupunta yung kikitain namin sa booths namin and since hindi naman ako officer, makakatulong ako sa booth ng dance club. Yes!


"Okay, that's it for today. Dismissed." Napangiti naman ako dahil sa sinabi ng professor namin. It was a long day at ito na ang pinaka-iintay kong oras dahil practice na naman sa dance club at makikita ko na ulit si kuya.


"Hail!" Hinarang ako ng tatlo kong babaeng kaklase. Si Yani, si Claire at si Bella. Ano namang kailangan ng mga 'to sa kin at parang nagniningning yung mga mata habang nakangiti nang malapad.

"Ba--bakit?"

"Pupunta ka ba sa dance practice nyo? Pupunta kaaaaaaa?" Excited na tanong ni Yani. Oh no. Mukhang alam ko na ang susunod na mangyayari--

"Ah--Oo, bakit?"

"Pwede ba kaming sumama? Pleaseee?" Claire clinged unto my arm habang naka-puppy eyes. Sinasabi ko na nga ba.

"Oo nga Hail, ang tagal na naming gustong manood ng practices niyo pero hindi kami pinapapasok. Laging nakalock yung pintuan niyo." Wait--what?

"Si--sinusundan niyo ako?" Tumawa sila.

"Nope. Ang kuya mo at si Sean yung sinusundan namin. Ang assuming mo naman." Sambit naman ni Bella. Wow ha! "So ano Hail, pwede ba kaming sumama? Kaklase ka naman namin e. Baka pwede mo kaming papasukin. Sige na Hail. Matagal na kaming nacucurious sa loob ng dance studio. Saka makikita naming nakawork out pants lang ang kuya mo, si Sean at yung iba pang NCT Dance Company boys habang pinagpapawisan!" Nagtitili naman ang tatlo na para bang katapusan ng mundo kaya napaatras ako dahil sobrang sakit sa tenga. Seriously?!


Sinamaan nila ako bigla ng tingin. "Ano Hail, isasama mo ba kami o hindi?" Gash! Hinaharass ba nila ako para lang isama ko sila?!  Ayoko ng gulo ha!

I heaved a deep sigh and nodded at them. Nagsisigaw naman sila. Aish. "Tara na tara na!" Sila pa yung kumaladkad sa akin patungo sa dance studio at pagkarating namin doon, bukas yung pinto at dinig ko na ang tugtugan habang nagsasayaw ang mga boys kabilang na doon si kuya at Sean na habol nitong mga kasama ko.

"Like omg! Ang gwapo talaga ni Ten!"

"Mas gwapo si Sean ano!"

"Ang gwapo din ni Josh!"

"Si Ricooo!" Maaga ata akong tatanda kapag kasama ko 'tong tatlong to. "Uy Hail! Ano na? Magpaalam ka na sa kuya mo kung pwede kaming manood!" Huh? Tinulak nila ako papasok ng studio kaya naagaw ko ang atensyon nila. Kahit kailan talaga mga pahamak yung tatlong maldita na yun. Aish.

Kuya, I love you. | (WayV Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon