twenty

5.7K 78 9
                                    

Hail's POV

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa clinic ng hotel namin. I woke up seeing kuya's face dahil hindi nga talaga siya umalis, hindi niya talaga ako iniwan pero ngayon, nakatulog na siya habang nakaub-ob sa mga braso niyang nakapatong sa kama na hinihigaan ko. I can't help but smile. Hindi niya talaga ako iniwan.

"Kuya? Kuya..." Marahan ko siyang inalog para magising siya. Iniangat niya ang ulo niya and he looked at me with his eyes still half opened. Mukhang inaantok pa 'to. Bigla siyang umayos ng tayo ng narealize niyang gising na ako.

"Hail, ano? Okay ka na ba? May masakit pa ba sayo? Anong gusto mo?" Tanong niya agad sa akin. Lumingon ako sa bintana at natanaw ang kalangitan na malapit nang magdilim. Grabe, napagod ata talaga ako sa mga pinaggagawa namin for two days kaya sobra akong nakatulog. But kuya, for sure nageenjoy ang iba doon sa labas pero andito siya.

"Kuya, bakit hindi ka sumama sa kanila? Hindi ka tuloy nakapagenjoy ng dahil sa akin." I said but he just smiled at me.

"Mas lalo akong hindi mageenjoy kung alam kong nandito ka at hindi kita kasama doon." He looked at me straight in the eyes. Sheeeez. Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil sa kinikilig ako. Bakit kailangang ganon? Hindi ako nakapaghanda doon ah!


"Hail? Kinikilig ka ba?" Aba at nakuha pang mang-asar!

"Hi---hindi no!"

"Look at me." He uttered dahil hindi pa rin ako tumitingin sa kanya. Ang awkward kaya!

"Ayoko!"

"Look at me." He held my chin and turned my face to look at him. Aaaah. Nararamdaman ko yung pag-init ng mukha ko at pamumula but he seems so cool about it! "Tungkol doon sa sinabi ko sa'yo noong gabi, I mean it. Alam kong awkward at nasanay ka ng kuya ang tawag mo sa akin pero ngayon, I want you to call me by my name. Ten." Gosh. Hindi ako sanay at hindi ata ako masasanay! I always dream of calling him by only his name pero hindi ko alam na ganito pala kahirap yun!


"Te-Ten.." He smiled. "Masasanay ka rin." He messed my hair like he always do at saka tumayo. "Okay ka na ba? Naghahanda na sila ng bonfire doon. Ano, tara?" Bonfire! My favorite part of camping!


"Tara!" Agad kong hinawi ang kumot ko at bumaba sa kama pero pinigilan niya ako. What now?

"Hep!"

"Ano?" He scratched his nape and I can tell how embarrassed he is. Ganyan kasi siya kapag nahihiya.

"Here." Inabot niya sa akin ang isang paper bag. Ano naman 'to? I looked at him with a curious look. "Ka--kailangan mo yan! I--intayin kita sa labas! Bilis, tanggapin mo na!" Pagtataas niya ng boses pero nauutal siya. Cute kaya tinanggap ko na yung paper bag at agad siyang lumabas ng clinic. And when I looked kung anong laman noong paper bag, it were packs of napkins pero iba't ibang brand. I can't help but laugh. Hahahaha. May note pang nakalagay dito. Hindi ko alam kung anong ginagamit mo. Damn, Hail, first time ko 'to kaya wag mo akong tatawanan. All this time, naging kuya mo ako pero wala talaga akong alam sa mga ganito. Pasalamat ka gusto kita. I smiled on the last line. Nakakainis, masyadong magaling magpakilig!


After doing my routine, sinuot ko ang sapatos ko at lumabas ng clinic. Hindi na ako umimik at nginitian ko na lang siya ng pagkalapad lapad sabay bulong ng "Thank you." Kaya nahiya ulit ang loko. Haha! Sabay kaming naglakad ni ku--este Ten papunta sa dalampasigan kung saan nangunguha na sila ng mga kahoy at pinagsasama sama ito para sa bonfire.


"Pwede ba kaming tumulong?"

"AYOOON, LUMABAS DIN ANG DALAWA SA LUNGGA NILA!" Sigaw ng isa naming kamember. Loko loko talaga.

"Mga baliw. Binantayan ko lang yung kapatid ko." Sagot naman ni kuya at inakbayan ako. Now,  hindi na ako nasasaktan kapag tinatawag niya akong kapatid. Besides, doon naman talaga kami nagsimula. Although, hindi ko pa inaaming may gusto ako sa kanya. Lol. Syempre pakipot muna. Joke.


"Sus. Tumulong na kayo dito oy!" 

"Oo na, oo na!" Nilapitan namin sila at nagsimula na ring mamulot ng mga kahoy pero laging nakasunod sa akin si kuya which is really cute. Kung saang direksyon ako pupunta doon din siya. Natatawa  tuloy ako.


"Kuya, bakit mo ako sinusundan?"

"Huh? Hindi kita sinusundan ah!" Sus, kunwari pa 'to.

"Eh? Kanina ka pa kaya sunod ng sunod sa akin!" I responded habang pinupulot yung mga pira-pirasong kahoy na nakita ko.

"Wait, anong sabi mo?? 'Kuya'??" Aba, iniiba pa ang topic.

"Sorry na! Hindi pa kasi ako sanay e!"

"Bawat kuya mo, isang kiss!" ANO? Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya pero tumawa siya bigla. Loko talaga!


"Joke lang." He did a peace sign at saka tumakbo kaya hinabol ko siya para hampasin! Nakakainis! Masyadong nagpapakilig! I never knew he would have this kind of personality. I never saw this side of him. Maybe because he was never interested about the girls admiring him. Kaya naman pala. Natatawa na lang ako.


Matapos ang kulitan, asaran, habulan, sinindihan na nila yung bonfire na hinanda mismo namin. "Whoaaa." They exclaimed. The heat coming from the fire was lingering on my skin. Tamang tama lang sa malamig na hangin dala-dala ng dagat na nasa tabi lamang namin. May dala dalang gitara si Josh, beatbox naman ang kay Rico kaya syempre tugtugan kami. Josh started strumming on his guitar. Rainbow. One of my favorite songs kaya agad naming sinabayan ng kanta ang pagtugtog niya. Katabi ko si kuya at katapat namin si Sean. He was quiet all along. Nagtatamad ang paningin namin ngunit agad niyang iniiwas ito. I know he's still resenting me or us. Hindi pa siya nakakausap ni kuya and hindi ko pa rin naman siya nakakausap pero nakikita ko sa mga tingin niya sa aming alam niya. I feel guilty. Sean is also a nice guy and he deserves someone who will love him. Nakikita ko yung lungkot sa mga mata niya.

We waved our hands side to side and swayed sa sunod na kantang tinugtog ni Josh at Rico. It was Tuloy Pa Rin by Neo Colours. An iconic song we can never forget. Perfect for the atmosphere. Ang bilis ng oras. Bukas, aalis na agad kami dito sa lugar na 'to baon baon yung mga memories na nabuo namin. Bitbit yung mga memorable experiences na nakuha namin at natutunan namin. I don't want to leave yet. Masyado pa akong nag-eenjoy kasama nila. Pag balik namin sa city, haharapin na naman namin ang reality ng buhay. Haharapin namin ang iba't ibang responsibilidad but there's one thing I'm really sure of, they are my second family whom after a long tiring day, uuwian mo and once reunited with them, you'll feel free. Ngayon alam ko na kung anong pakiramdam ni kuya. Our dad is really against his dancing. Ayaw na ayaw niyang sumali si kuya sa dance club na ito pero hindi nagpatinag si kuya. There's more about dancing. And now, I know the reason why he's not giving up. He is happy dancing with his second family.

While we were happy singing, tahimik na tumayo si Sean at lumayo sa amin. I looked at kuya- Tumango siya sa akin kaya sinundan ko si Sean. Kailangan ko siyang kausapin.


"Sean, wait. We need to talk."


I didn't get any response from him.


"Sean.."


Lumingon siya sa akin and I saw that loneliness in his face.


Kuya, I love you. | (WayV Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon