sixteen

6.3K 92 11
                                    


Hail's POV

Mabilis na lumipas ang ga araw na naging busy kami para sa paghahanda sa team building namin. Hindi namin namalayan na darating na yung araw na ito. Maaga kaming gumising ni kuya. Mga 4am gising na kami para maghanda dahil 6am aalis na kami. Umuwi si mama sa bahay ngayon pero as usual wala si papa. 


"Yo yo yo!" Isa isang dumating ang members namin at si Sean. Binati niya kami agad nang makita niya kaming nagiintay sa entrance ng school.

"Ang aga niyo dude ah." Sambit ni Sean.

"Of course dapat maaga ang president." Pagloloko niya kay Sean. Si Sean kasi ang vice ng dance club na dapat 5:30 pa lang andito na pero late siya.

"Eyy--Sorry na pres." Natawa naman kaming dalawa ni kuya sa reaction ni Sean.

"Binibiro lang kita bro."

"Okay guys!" Sigaw ni coach. "Magroroll call ako ngayon para malaman kung may iniintay pa tayo okay?" 


"Yes coach!" Sinimulan ni Coach ang pagro-roll call in alphabetical order hanggang sa matapos na ito at makumpirma niyang wala na kaming iniintay.


"Okay, wala na pala tayong iniintay. Let's go?"

"WOOOOH!" Isa isang sumakay ng van ang mga co-members namin. Halos tatlong van din kami dahil nga marami ang members ngayon di tulad ng dati.

"Let's go?" Yaya ni kuya sa akin. Sumakay na kami ng van at ang naging pwesto namin ay si kuya, ako at si Sean. Hindi talaga humihiwalay tong si Sean sa amin. Tch. 

"LEZZ GET IN ON!!" Sigaw ni Sean kaya natawa kaming lahat. Kahit kailan talaga hindi mo maaawat 'tong lalaking 'to. Isinaksak niya sa speaker ng van ang phone niya at nagsimulang magpatugtog. Have a safe trip to us. Lol.

I can't help but feel excited. Katabi ko si kuya. Kagroup ko siya. Mukhang magiging masaya talaga itong team building na 'to.


~*~

Nakarating kami sa resort kung saan gaganapin yung team building namin. Pagdating namin doon ay ni-welcome kami ng team na magfafacilitate sa buong tatlong araw. Mukha silang mga first aiders na laging handa at makikita mo sa kanilang mga katawan na physically fit talaga sila. Mas lalo tuloy akong nagiging excited.


"Everyone this is the Kaizen Team at sila ang magfafacilitate ng buong team building niyo sa loob ng tatlong araw. You don't have to worry about anything dahil sila ang bahala sa atin. Ang tanging dapat niyo lang gawin ay sundin ang bawat instructions nila. Is that clear?"


"Yes coach!" Sagot naming lahat. Ang ganda ng resort na ito. Katabi nito ang beach at fresh air. Malayo sa polusyon. May sariling area din ang resort na ito para sa gaganaping activities like team building at may malaki silang hotel. Ang ganda!


Biglang nagsalita ang captain ata ng Kaizen team. "Alright guys. For your first task, syempre isesettle muna natin ang mga gamit natin sa bawat rooms. Ipapamigay na namin ang susi ng mga kwarto niyo. Boys will be on the second floor and girls will be on the third floor. Okay?"

"Yess!" Pinamigay na sa amin yung bawat susi. Bawat kwarto ay may dalawang double deck beds kaya apat kami sa isang kwarto. Agad kaming dumiretso sa rooms na nakaassign sa amin at doon ko nalamang karoom ko si ate Erri.

Kuya, I love you. | (WayV Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon