Hail's POV
Hindi ko alam na nakatulog na rin pala ako sa kwarto ni kuya pero paggising ko wala na siya dun. Maaga na namang umalis para sa dance club. Last day na rin nang sem. Ang Christmas ball ang hudyat na magtatapos na ang sem, kailangan na lang naming magreport sa school para sa ilang requirements.
"Hailah!" Kumaway sa akin si Mika na kaklase ko kaya agad akong lumapit sa kanya.
"Kamusta yung requirements mo Hail?" She asked. Naipasa ko na halos lahat. Itong isa na lang yung natitira.
"Okay na! Ikaw ba?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin.
"Okay na!" Buti pa 'tong si Mika tapos na.
"Buti ka pa. Paano, punta muna ko kay Sir ha? Submit ko muna to." I uttered while smiling.
"Sure! See you later!" She answered kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad patungo sa faculty kung nasaan si Sir ngunit habang naglalakad ako sa hallway, may biglang umagaw ng atensyon ko.
It was kuya Ten and ate Erri, yakap ni kuya Ten si ate Erri. Anong nangyari? Iyan ang unang unang tanong na pumasok sa isip ko. Kuya Ten was tapping ate Erri's back. Mukhang may hindi magandang nangyari at parang umiiyak siya. But why does it have to be him? Parang kumikirot yung puso ko.
Napatakbo na lang ako papalayo sa nakita ko. I know something's wrong pero bakit nasasaktan ako sa nakita ko? Hindi dapat Hail. Mali. Wala namang ginagawang masama sa'yo si ate Erri. Ate Erri likes Sean.
"Hailah, anong ginagawa mo sa dito sa labas? Bakit hindi ka kumatok?" Nasa may pinto na pala si Sir at nakita ako.
"Sir, ito po yung report ko." Inabot ko sa kanya yung papel at agad naman niya itong kinuha. Ngumiti siya sa akin.
"Sure. Thank you Hail." at nilampasan niya na ako. Mukhang nagmamadali siya e.
Napabuntong hininga na lamang ako habang naglalakad pabalik sa classroom. Curiosity will kill me. Gusto kong malaman kung anong nangyari. Aish.
"Ano bang ginagawa mo Sean?! I thought you're already pursuing Erri?! Bakit tumakbo siya sa akin kanina umiiyak?!"
"Bitawan mo nga ako!" Natigilan ako sa nakita ko at napatakip ng bibig. Hawak hawak ni kuya Ten si Sean sa kwelyo nang polo niya.
"Hindi ko gusto si Erri, Ten. Yung nangyari sa ball, it was only my respect to her dahil maraming mata ang nakatingin sa aming dalawa. Ayokong mapahiya siya."
"Pinaasa mo si Erri dude!"
"May iba akong gusto!" Ano ba Hail, stop them! Sinabi ko sa sarili kong kailangan ko silang pigilang dalawa ngunit hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Para na ring magkapatid si kuya at Sean at ngayon ko lang sila nakitang mag-away ng ganito.
"I like your sister, Ten! I like Hail!" Biglang nabitawan ni kuya si Sean at maging ako ay nanghina sa aking narinig. What? Sean likes me?
"Ano?"
"Gusto ko si Hail at gusto ko siyang ligawan."
"Ano?"
"Bakit? Bawal ba? Wag mong sabihing may gusto ka sa sarili mong kapatid? Bakit ganyan ang reaksyon mo dude?" He asked. Hindi ko alam pero hinihiling kong sabihin niyang oo. Hindi naman masamang umasa diba?
BINABASA MO ANG
Kuya, I love you. | (WayV Fan Fiction)
FanfictionHe's my partner in crime. He's my best friend. He's my kuya and I'm his lover. NCT Series #2 #166 in Fanfiction, #3 in Kilig as of May 16, 2018 Fan art: Irma Lee