Chapter 1-Bonding?

46 2 3
                                    

Aizhel.

Pagpasok ko palang sa room ay nadatnan ko na ang mga kaklase kong maingay.

Kaya dumiretso na ako sa upuan ko ng makita ko ang mga kaibigan ko.

"Oh eto na pala si Aizhel eh." sabi ni Janice na parang kanina pa nag aantay sakin.

"Oh bakit?" ako.

"Napag isipisipan kasi namin na mag bonding tayo sa darating na sembreak. Ang sabi ni Erica meron silang lumang bahay sa Batangas sa bandang isla." sabi ni Jason.

"Oo. Atsaka hanggang 3rd floor yun. 5 rooms. Atsaka kahit walang koryente dun mahangin naman dahil malapit tayo sa may dagat. Kayo? Gusto niyo bang sumama?" sabi naman ni Erica.

"Babe, sasama ka?" tanong ko kay Zion.

"Eh ikaw? Sasama ka?" tanong niya naman sakin..

"Oo kung sasama ka." nakangiting sabi ko sakaniya.

Tumingin siya kila Erica at sinabing "Sasama kami."

"Yeheyyy!!" sabi ng tropa at nagyakapan kami.

"Pero anong sasakyan natin papunta dun?" -Carl

"Ahmm, meron kaming bus. Pwede nating magamit yun." -Athena.

"Eh driver?"

"Meron akong kakilala!" natatawang sabi ni Lance.

"Edi perfect!!!" -Aubrey.

"Kailan niyo naman balak?" tanong ko.

Ewan ko pero feeling ko kinakabahan ako. Feeling ko may mangyayaring masama.

1st year high school palang mag kakaibigan na kami kaya wala akong duda sakanila. Pero bakit kinakabahan ako?

Grade 11 na kasi kami ngayon. Dapat ay 1st year college pero dahil may nadagdag ng dalawang taon. Kaya ayan.

"Hehehe. Bukas." -Erica

Nanlaki ang mata ko. Bukas agad?

"Bakit? Anong date na ba bukas?" tanong ko.

"27." -Jason

Napatango nalang ako.

Tinignan ko sila isaisa. Halatang excited sila. Pero bakit ako? Bakit ako kinakabahan?

Magiging ligtas naman kami diba? Diba?!

"Babe? Bakit namumutla ka?" tanong ni Zion.

"Ah wala to." pag papalusot ko.

Siya si Zion. Boyfriend ko. 3 years palang kami niyan. 2nd year ko pa lang kasi ay sinagot ko na siya. LEGAL din kami sa buong pamilya ko at pamilya niya. Mabait siya, matangkad, mabuti, at gwapo. Matalino rin yan at magaling sumayaw,kumanta at mag basketball. Yan ang nagustuhan ko sakaniya. 16 years old.

Si Erica naman. Isa din yan sa mga kaibigan kong babae. Mabait yan, mahinhin, at friendly. Maliit lang siya, maputi, matalino. Ang nakakaturn off lang ay hindi siya marunong sumayaw at kumanta. Pero mahilig rin yan sa sports.

Hide and Seek Where stories live. Discover now