Chapter 24-Undone

18 0 0
                                    

Prince.

Lagok lang ako ng lagok ng alak dito sa bahay. Gabi na pero wala akong balak na matulog.

Wala namang tao kaya ako lang ang mag isa.

"What the fuck?! Alam mo ba yung ginagawa niyo?! Sa sobrang landi niyo nakabangga na kayo ng tao!" sigaw ni Aubrey samin.

Nagulat ako ng biglang umalis yung babaeng kasama ko.

"Tapos ka na?" sabi ko dito.

"HINDI PA TAYO TAPOS! PWE!" sabi niya sakin at umalis.

Napailing nalang ako ng maalala yun. Yung mga time, na una kaming mag kakilala ni Aubrey.

Hanggang sa tuluyan na kong umiyak. Sana ako nalang yung pinatay. Sana ako nalang yung binaril.

Naaalala ko pa yung dating nililigawan ko siya. Yung dati na sinagot niya ko. Yung masasaya pa kami lahat. Nakakalungkot isipin na wala na siya.

Wala na ang minamahal ko.

Napatingin ako sa taas ng kwarto ko ng may narinig akong ingay.

Dahan dahan akong umakyat pataas at pumasok sa kwarto ko.

Pag pasok ko nagulat ako ng biglang sumirado ang pintuan at namatay lahat ng ilaw.




"SURPRISE!"



Hindi ako nakagalawa sa kinatayuan ko. Bakit siya andito? Totoo ba to?

"Happy anniversary baby. I hope you miss me.." sabi niya at niyakap ako.

"Aubrey?" di makapaniwalang sabi ko.

"I miss you baby." sabi niya at hinalikan ako.

Damn andito nga siya!

Bigla siya ulit yumakap sakin..

"Nasubukan ko narin mag taksil sa boyfriend."

Natigilan ako. Anong ibig niyang sabihin.

"Bye baby." nagulat ako ng saksakin niya ako ng paulit ulit sa likod.

Hanggang sa humarap ako sakaniya at sinipa siya. Dahil sa sakit napatumba ako sa sahig at gumapang para manghingi ng tulong.

Pano siya nakapasok sa bahay ko?

Hanggang sa saksakin niya ulit ako ng paulit ulit.

Biglang dumilim ang lahat...

Athena...

Zion.

Kanina pa ko text ng text kila Joshua at Prince pero wala paring sumasagot.

Lintik! Di pa ata papasok ang mga gunggong!

At dahil sa inis ako nalang mag isa ang pumasok. Ngayon ko lang narealize na di pa nga pala sila nakakamove on. At dahil ako lang naman mag isa, ayun nawalan nanaman ako lalo ng gana.

Nang maguwian ay pumunta ako ng hospital. Ako ang lahat na nag susulat sa mga notebook ni Aizhel. Para ipapaintindi ko nalang sakaniya to next year.

Nang makapunta ako dun ay umupo lang ako sa upuan at pinagmasdan siya.

"Hello babe. Kamusta ka na? Andito ako, binabantayan kita. Kapit ka lang sakin ah? Mag mamahalan pa tayo."

"Natatandaan mo ba nung mga araw na nag kakilala tayo? Nung mga araw na ayaw mo pa sakin. Yung sinasabi mo na ang panget ko, ang yabang ko, di ako marunong sumayaw. Pero one time, ayun nahulog ka rin sakin. Mahal mo rin pala ako gaya ng sakin. Nung araw na naging tayo? Yun ata ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Haha. Aizhel, alam kong naririnig mo ko. Pero hindi ka makakadilat at makakapagsalita. Pero gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita."

"Sa araw araw na makikita kitang nahihirapan parang puso ko rin yung nahihirapan. Feeling ko nasasaktan rin ako kapag nasasaktan ka. Masakit Aizhel. Miss na miss na miss na kita. Hindi ko kaya yung mahihirapan ka ng ganito.. Kaya wag kang bibitaw ah? Lalaban tayo. Lumalaban pa ko oh. Malakas pa yung tiwala ko na mag kakasama pa tayo. Kahit wala na yung mga kaibigan natin. Alam ko na di pa dito mag tatapos lahat ito."

"Gising kana babe. Gusto ko na makasama ka. Sorry kung wala akong nagawa ha? Sorry kung hindi man lang kita niligtas. Sana ako nalang yung binaril at na-comatose. Pero babe? Lagi mong tatandaan, andito lang ako lagi para sayo. Diba? Magpapakasal pa tayo? Diba mag kakaanak pa tayo ng marami? Diba mag mamahalan pa tayo hanggang sa pag tanda natin? Diba hindi mo ko iiwan?"

Di ko na napigilang umiyak.

Kaya lumabas muna ako at nag punta sa parang bangin na malapit sa hospital.

Madilim na. Gabi na pero ayoko pa umuwi. Babantayan ko muna ang asawa ko.

Nakatingin lang ako sa baba. Nakakalula. Feeling ko nasa tuktok ako. Ang taas pala neto kapag tinalunan mo. 

Tumayo na ako at muling bumalik sa hospital. Pero bago mangyari yun nagulat ako ng may makabangga ako.

Ewan ko pero tumaas yung mga balahibo ko.

"Sorry miss." sabi ko dun sa babae.

"Mag ingat ka iho. Malapit kana." sabi nung matandang babae at biglang umalis. Napatingin lang ako sa kawalanan. Anong ibig sabihin niya?

Malapit na ko?

Hide and Seek Where stories live. Discover now