Epilogue

15 0 0
                                    

Aizhel.

*KRING*KRING*KRING*

Agad akong gumising ng marinig kong nag alarm ang clock ko. May pasok na. Nakakatuwa nga dahil bukas ay graduation na.

Pero ayoko mag graduation.

Nag ayos na ako ng sarili at nag dirve papuntang school. Wala na kasi akong gana kumain.

"Girls, she's back."

"Oh nagising na pala siya."

"Sayang naman, wala na siyang mga kaibigan."

"Buti nga natira siya eh."

Hinayaan ko lang na pag usapan nila ako? Anong pake ko? Masyado kasi akong sikat laya ayan, topic nila ako lagi.

Dahil sa maaga pa naman napagisipan kong pumunta muna sa rooftop ng building namin.

Di naman siya kataasan pero dilikado at nakakatakot parin.

Nagulat ako ng may umupo sa tabi ko. Napangiti ako ng makita ko siya. She's alive. May kasama pa pala ako.

"Oh Athena." sabi ko at nakipag apir sakaniya. Gaya ko ay umupo rin siya sa tabi ko.

"Nakakamiss sila Aizhel." nagulat ako ng makita ko na umiiyak siya.

"Okay lang yan. Ganun talaga ang buhay." sabi ko.

"Si Kyle. Miss na miss ko na siya. Sa araw araw na gigising ako ng wala siya sa tabi ko umiiyak ako. Nasanay kasi ako na nanjan siya palagi sa tabi ko. Pero ngayon, hindi ko alam kung gusto ko pang gumising sa umaga na wala sila. Na wala si Kyle." sabi niya.

Oo nga pala. Wala na nga pala siyang magulang. Si Kyle lang ang nakakasama niya sa iisang bahay.

"Aizhel, buti andito ka pa. Feeling ko kasi ako nalang mag isa. Kahit si Joshua nawala rin. Alam mo nung nasa hospital ka palang inaantay kong magising ka. Gusto kong samahan mo kong lumaban. Hindi ko na kasi talaga kaya bes. Anong gagawin ko?" umiiyak na sabi niya habang nakatingin sa kawalan.

Napaiyak nalang din ako.

"Kahit ako, miss na miss ko narin si Zion. Sa araw araw na gigising ako lagi kong naaalala lahat lahat. Sobrang hirap, sobrang sakit. Hindi na nga ko kumakain sa bahay eh. Wala narin sila Leigh. Iniwan na nila lahat tayo. Sana kasi wala nalang na ganun. Sana kasi Athena di nalang kayo pumatay." sabi ko sakaniya.

Tumingin siya sakin. "Sorry Aizhel ha? Kasi ako yung pumatay kay Zion."

Pagkasabi niya palang nun ay natigilan na ko. Akala ko ba nag bago na siya? Akala ko ba wala siyang kinalaman dito?

Unti unti siyang ngumiti. Nakakatakot. Unti unti akong lumayo sakaniya pero laking gulat ko ng itulak niya ko kaya nahulog ako.

Habang pababa na pababa ay nakatingin ako sa langit. Zion? Makakasama na kita.

Hanggang sa unti unting tumulo ulit ang mga luha ko.

Athena.

Nang bumagsak na siya sa baba ay agad akong tumakbo pababa. Tumulo ulit ang mga luha ko.

Alam kong sobrang sama ko. Pero makakasalanan rin sila kaya dapat lang sakanila yan.

Tumakbo ako palabas ng school. Takbo lang ako ng takbo kahit na sobrang lakas na nga ulan.

Naaalala ko tuloy yung samin dati, yung mga sayahan namin ng mga kaibigan ko. Yung mga lokohan namin. Yung mga halik ni Kyle. Yung mga pagmamahal niya sakin. Sorry Kyle. Ang sama kong girl friend sayo. Wag kang mag alala. Mamamatay rin ako.

Sobrang saya namin dati kahit ikaw mapapaisip kung paano kami napunta sa isang patayan.

Lahat ng pag mamahalan napuno ng galit.

Mahal na mahal ko sila. Alam nila yan. Pero kailangan kong tuparin yung pangako ko kay Samantha. Kailangan kong ipaghiganti siya.

Ginusto ko to pero bakit ganito? Bakit ako nahihirapan at nasasaktan?


*BEEP*BEEP*

Agad akong napatingin sa bus na nasa harapan ko. Hanggang sa bumangga ako.

Katapusan ko na.

Hanggang sa unti unting mag blur ang lahat...


The End...

Hide and Seek Where stories live. Discover now