Chapter 11-Flashback (1)

16 0 0
                                    

Athena's.

"Guys, gusto ko mag swimming." sabi ni Samantha. Agad akong napangiti. Pareho talaga kami ng naiisip.

"Sige! Gusto ko yan!" sabi ko sakanila.

"Sige. Pero gusto ko sa batangas." sabi naman ni Erica.

Agad akong kinabahan.

Dagat. Hindi ako sanay dun.

"Oo tama. Sa batangas." -Zion at pumayag naman kami.

Kahit na bawal ay um-oo nalang ako..

"Kailan ba?" -Kyle.

"Now?" -Aizhel at pumayag naman kami. Saglit kaming umuwi para kumuha ng gamit at damit..

Van lang ang ginamit namin. 22 kami lahat.

Napatingin ako kay Samantha. Yes, best friend ko siya. Nakakapit yung isa niyang kamay kay Jake at yung isa ay sakin.

4 HOURS LATER.

Nang makarating kami sa batangas ay nasabi ni Erica na may bahay sila. Pero malayo sa pinuntahan namin..

Nang makabayad na kami ng entrance ay agad na kaming nag swimming.

Umahon muna ako para uminom ng tubig. Lumabas din muna ako sa labasan at tumambay sa may labas ng van namin. Nakita kong nakasunod sakin si Samantha.

Nagulat ako ng mababangga na sana ako ng truck na dumaan pero buti nalang nahila ako ni Samantha.

Nagulat ako at natakot kaya naiyak ako at yumakap kay Samantha bilang pasasalamat.

"Thank you Bess." sabi ko sakaniya.

"Wag ka munang mamamatay. Ako muna ang mauuna." sabi niya. Napatigil ako sa pag iyak.

"Anong ibig mong sabihin?" natatakot na tanong ko.

Nagulat ako ng umiyak siya.

Hide and Seek Where stories live. Discover now