Chapter 12-Flashback (2)

18 0 0
                                    

Athena's

Pag akyat namin sa hotel ay napakaraming kwarto. Pero mas pinili namin ang pinakadulo na kwarto.

Pagpasok namin dun ay nagulat ako ng may lubid at upuan. Marami ring baseball bat.

Humarap ako sakanila. Ngunit parang may humampas sa ulo ko kaya nag blur ang lahat.

_____________

Nagising ako ng parang may humahampas sakin. Tatayo na sana ako ng maramdaman kong nakaupo ako at nakatali ang dalawa kong kamay sa likod at ang dalawa kong paa at nakatali rin sa silya.

Hanggang ngayon ay nahihilo parin ako.

Napatingin ako sa harapan ko. Nagulat ako ng makita kong lahat sila ay may hawak ng baseball bat. At hinahampas sakin.

Teka?

"Oh, gising kana pala bitch!" sigaw ni Erica sakin.

"Bakit ako nakaganito? Anong ginawa ko?!" sigaw ko.

"Nag tatanong kapa? Pag tapos mong hindi tulungan si Samantha!" galit na sabi ni Aubrey.

"Guys hayaan niyo muna akong magpaliwanag." sabi ko sakanila ngunit hindi nila ako pinakinggan.

Hinampas nila ako ng maraming beses. Naramdaman kong may tumutulo mula sa ulo ko.

Nagulat ako ng may sugat ang ulo ko at mag dudugo. Pati narin ang hita ko. Shit papatayin na ba nila ako?

Teka wala akong kasalanan!

Napatingin ako kay Aizhel na nakaupo lang sa tabi. Umiiyak siya. Ramdam ko na naaawa siya sakin.

"Aizhel, tulungan mo ko." pag mamakaawa ko sakaniya.

Nakatingin lang siya sakin. Habang umiiyak at umiiling.

"Oh Aizhel, bat ka umiiyak jan? Hindi pa mamamatay si Athena. Wag mo muna siyang iyakan." pabirong sabi ni Erica.

"A-Aizhel, parang awa mo na. Itigil niyo na to. Hindi na ko uulit. Hindi ako mag susumbong sa ginawa nila. Pls." umiiyak na sabi ko sakaniya.

"Oh Aizhel, ikaw naman ang humampas ng baseball bat sakaniya." sabi ni Joshua.

"Guys, wag niyo siyang papatayin!" umiiyak na sabi ni Kyle.

Kahit ako. Siguro nga ito na ang karma ko.

"Haha. Kasalanan niya yun Kyle! Kasalanan niya kung bakit namatay si Samantha!" sigaw ni Aubrey.

Nagulat ako ng tumayo si Aizhel at pinalo ako ng limang beses. Hindi ko inakala na magagawa niya yun. Hindi yung masyadong malakas pero masakit dahil natamaan niy yung mga iba kong sugat.

Nahihilo na ko.

Tumingin ako sa mismong mata niya.

"Sorry. I can't handle this." sabi niya sakin at tumalikod. Napaiyak nalang ako.

"Guys, tama na. Nangyari na ang nangyari. Namatay na si Samantha. Atsaka kaibigan natin si Athena. Hayaan nalang natin siya. Pakawalan niyo na." sabi ni Zion.

"Athena! Subukan mong mag sumbong at hindi ako mag dadalawang isip na patayin ka! Girlfriend ko yung namatay! Nang dahil sayo!" sigaw ni Jake sakin.

"Tama na yan, Jake. Hindi yan magsusumbong." sabi ni Prince.

Lord thank you.

Akala ko ay mamamatay na ko.

Ayokong lumaki pa kaya hindi ako mag susumbong.

Mahal ko ang mga kaibigan ko. Pinarusahan lang naman nila ako.

Pinakawalan na nila ako. Ako ang unang unang lumabas sakanila.

Napangiti ako. Karma knows my address.

Kasalanan ko naman to eh. Dapat lang to sakin.

I love you, Samantha.

Hide and Seek Where stories live. Discover now