Chapter 10-Panaginip

18 0 2
                                    

Aizhel.

"Aizhel, tulungan mo ko."

Nagising ako ng may humingi ng tulong ko. Yung boses na yun. Kilalang kilala ko kung kanino yun.

"Athena?" -ako. At dali dali akong tumakbo palabas ng kwarto.

Nagulat ako ng pagkalabas ko ay maraming kwarto ang tumapat sakin. Teka? Asan ako? Asan kami? Asan sila Zion?

Nagulat ako ng may narinig akong kalabog mula sa dulong kwarto. Kaya ay nag punta ako roon.

"Athena andito ka ba? Guys? Asan na kayo?" sabi ko at binuksan ang pinto ng kwarto.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa nakikita ko. Nakita kong nakaupo sa silya si Athena. Naka tali ang kaniyang kamay at paa. At puro siya sugat. Ang daming dugo.

At mas lalo akong nagulat ng makita kong nakatayo ang lahat ng kaibigan ko. Sila Lyka. Pinaparusahan nila si Athena. At nakita ko rin ang sarili kong umiiyak sa tabi.

What the fuck?

"Oh Aizhel, bat ka umiiyak jan? Hindi pa mamamatay si Athena. Wag mo muna siyang iyakan." pabirong sabi ni Erica sakin.

Kitang kita ko ang sarili kong nahihirapan. Teka? Ano ba to?

Sadyang nakasilip lang ako sa likod ng pintuan.

"A-Aizhel, parang awa mo na. Itigil niyo na to. Hindi na ko uulit. Hindi ako mag susumbong sa ginawa nila. Pls." sabi ni Athena.

"Oh Aizhel, ikaw naman ang humampas ng baseball bat sakaniya." sabi ni Joshua.

"Guys, wag niyo siyang papatayin!" umiiyak na sabi ni Kyle.

"Haha. Kasalanan niya yun Kyle! Kasalanan niya kung bakit namatay si Samantha!" sigaw ni Aubrey.

Hide and Seek Where stories live. Discover now