Chapter 5-Sino?

15 0 0
                                    

Aubrey.

Nagising ako ng marinig kong may nag luluto. Shittt ang sarap. Nakakagutom.

Agad kong tinignan ang katabi ko. Natutulog pa si Aizhel kaya ako na mismo gumising sa kaniya.

Ang aga pa. Naunahan pa ata namin sila Janice.

Nang magising ko siya ay sabay kaming bumaba. Ewan ko pero ang saya. Siyempre bonding namin to eh.

"Oh my god sis, nauna pa tayong gumising kay Janice." sabi ko sakaniya at tumango naman siya.

Nagpunta kami ng room nila at nagulat kami ng walang tao doon. Bumaba kami at nakita namin si Erica at Athena lang. Kumakain sila.

"Asan ang boys?" tanong ni Aizhel.

"Andun sa labas. Nag hahanap ng mahihingan ng tulong." -Erica.

"Teka sila Janice, Jessy at Alexa. Asan sila?" tanong ko.

"Amm, guys. Alam ko kasi pag kagising ko kanina si Athena nalang ang kasama ko. Wala silang tatlo." sabi ni Erica. Psh. San nanaman nag punta yun?

Baka tinaguan lang kami?

Nagulat ako ng tumakbo bigla si Aixhel pa puntang taas.

"GUYS!!" rinig kong sigaw ni Aizhel kaya nag puntahan naman kami dun.

Nagulat ako ng makita ko ang bangkay nila Lyka, Alexa, Janice at Jessy. Tabi tabi sila na para bang natutulog lang.

Ewan ko pero nandiri ako.

"OMG!!" sigaw ko.

"Sinong walang hiya ang gumawa ng ganiyang kababoy? Ginawa nilang hayop ang mga kaibigan natin!!" galit na sabi ni Zion.

Nakita kong napaiyak nalang sila Alex at Jason. At napayuko nalang si Lance.

Nandito kami ngayon sa sala. Lahat ay tahimik. Walang may balak mag salita. May umiiyak. May nakayuko. Halo halo ang emosyon naming lahat.

Tumayo ako at.

"ERICA AT ATHENA! UMAMIN NA NGA KAYO! KAYO LANG NAMAN ANG PWEDENG GUMAWA NITO AH?!" sigaw ko. Totoo naman kasi eh!

"BAKIT BA LAGING AKO SINISISI NIYO? DIBA PWEDE RIN NAMANG TAGA LABAS?!" sigaw ni Erica.

"EH DIBA IKAW NARIN MISMO ANG NAG SABI?! SINABI MO SAMING WALA NG TAO MALIBAN SATIN DITO!" -ako.

"Guys? Pano umabot sa puntong ganito? Maayos pa naman tayo diba? Maayos pa tayo. Masaya pa tayo. Guys kung sino man yung pumatay, maawa naman kayo. Umamin nalang kayo. Magkakaibigan tayo. Pero ang sakit isipin na nakakaya niyong pumatay ng sarili niyong kaibigan! Guys, bonding natin to. Unti unti na tayong nauubos. Walang tumutulong satin. Tayo tayo lang ang magtutulungan diba? Pero hindi. Dahil hanggang ngayon andito parin yung pumapatay. Pinaglalaruan niya parin tayo!" umiiyak na sabi ni Sofia.

"Wala kayong puso!" -Carl.

Apat. Apat na ang patay samin. Mauubos na lang ba talaga kami?

"GUYS? BAT BA AYAW NIYONG MANIWALA SAKIN?! WALA AKONG KASALANAN. GUYS, KILALA NIYO KO. ALAM NIYONG HINDI KO KAYA MAKAPATAY. POR QUE BA NA KASAMA NILA AKO AKO AGAD? POR QUE BA AKO NAG DALA SAINYO DITO AKO NA AGAD? PWEDE DING MGA TAGA LABAS YUN! MAY DUMADAYO RIN MINSAN DITO GUYS!! NAWALAN NA KAYO NG TIWALA SAKIN!" sigaw naman ni Erica.

"Wag niyong sisihin si Erica na para bang mga perpekto kayo. Wag nga kayong mag malinis. Lahat tayo dito ay pwedeng maging killer!" sigaw ni France sakanila.

"TAMA. HINDI NIYO KAMI DAPAT SISIHIN. ANO?! NAG MAMALINIS KAYO? LAHAT TAYO PWEDENG MAKAPATAY DITO! HINDI LANG K-KAMI. AT ALAM KO SA BUONG BUHAY KO HINDI KO KAYANG PUMATAY!!" sigaw ni Athena. At niyakap naman siya ni Kyle.

"Guys wag naman muna mang duda kung walang proweba." mahinang sabi ni Kyle.

"Pero dre! Kailangan pa ba ng proweba? Kahit ikaw mismo! Mapapansin mo mismo sa mga mata mo mismo! Makikita mo mismo kung sino ang may kasalan ng mga lahat ng ito!" -Lance.

"I can't believe it. Nakaya niyong pumatay? Ikakaunlad niyo ba yan? What the fuck!" sigaw ni Aizhel.

"Pwede ba Aizhel! Ikaw?! Aminin mo! Nakapatay ka na diba? Maraming beses na! Baka ikaw ang pumapatay sinisisi mo lang para mapagtakpan ka!" sigaw ni Kyle.

"At bakit? Oo nakapatay na ko! Pero kahit kailan hindi ako pumatay ng sarili kong kaibigian! Hindi ako tulad nila Erica!" sigaw pa ni Aizhel.

"Tss nako Zion ah, baka masapak ko tong gf mo. Kahit babae yan naku!" -France.

"PINAGTATAKPAN NIYO KASI YANG MGA GF NIYO!" -Zion.

"At kayo? Ano?!" -Kyle.

Tumayo naman si Zion at sinuntok si Kyle. Hindi nakalaban si Kyle dahil alam naming lahat na hindi siya mananalo kapag si Zion na ang nagalit. At inawat na din naman nila Alex.

"Ayusin mo pananalita niyo ha! Yang girlfriend niyo ang pumapatay!!" mahinang sabi ni Zion pero puno ng takot at galit ang boses niya.

Una akala ko si Aizhel ang pumatay kay Lyka. Dahil nung sa away nila nung nakaraan. Pero hindi. Imposible.

Kilala ko si Aizhel. Bestfriend ko siya. At alam kong hindi niya kayang pumatay ng isang kaibigan.

Sino nga ba kila Erica at Athena ang killer? Isa lang ba talaga? O silang dalawa?

Pero meron pa. Si Sofia rin. Hindi pa siya ligtas dahil kasama rin siya sa sinisisi sa pagkamatay ni Lyka. Damay rin siya dun. Sino ba sakanilang tatlo?

Sino?

Liza.

Mas lalong gumulo. Tinignan ko ang mga kaibigan ko. Lahat sila nagpapanic. Nagtatalo at nag sisisihan. Ako? eto nakaupo lang..

Pero may point sila na tagalabas ang pumapatay o mga dayuhan. Dahil siyempre para mapagtakpan sila. Pero hindi eh.

Palagay ko talaga isa samin.

"Mag lalaro pa ba tayo? O tatanggapin nalang natin na lahat tayo ay mamamatay?" seryosong tanong ko sakanila.

"Baka mas lalo pa tayo maubos pag nag laro pa tayo." -Erica

"Siyempre uubusin mo naman talaga kami!" -sigaw sakaniya ni Aubrey.

Napatingin ako kay Athena. Umiiyak siya. Alam kong hindi siya ang pumatay. Alam at ramdam ko yan.

"Guys? Pwede bang wag kayong umiyak?" mataray na sabi ni Sofia.

"Tss. Akala niyo mga inosente. Demonyo rin naman." sabat pa ni Aizhel.

"Srsly guys.. Andito lang yung killer kaya dapat hindi niyo pinapakita na natatakot at mahina tayo!" sigaw ko.

Hindi ko alam pero bakit ganito yung nararamdaman ko. Parang feeling ko may kasalanan din ako.

May kasalanan nga rin ba ako?

Pumatay rin ba ko?

Leigh.

Hindi ko alam pero mali bang pumunta kami dito? Bonding namin to pero bakit ganon?

Makakauwi pa ba kami ng maayos? Ng buo?

Hindi na.

Alam ko na mamatay kaming lahat. Jusq.

Lord? Bat niyo ba kami pinaparusahan ng ganito? Kahit ako, natatakot na ko.

Ayoko pang mamatay...

Hide and Seek Where stories live. Discover now